part 44

91 1 4
                                    

Isang araw at kalahati ang nawala sakin. Kalahati, kasi nastranded pa ko dahil ayaw tumawid ng bangka kapag malakas ang ulan, kaya naman kalahating araw akong naghintay na tumila ang ulan.

Ganun ako kamalas ngayon. Haist buhay!

Badtrip di ba? Kung kailan ako nagmamadali dun pa nagkamalas-malas lahat!

Si Lord na nagwagi ngayon! Pero makikita niya! Kahit anong pigil niya sakin, kahit harangan pa niya ko, kahit itapat man niya ko sa impyerno, makukuha ko pa din ulit si Kyla. Desidido na ko at walang makakapigil sakin kahit ang Diyos pa.

Sorry Lord, di naman kita inaaway, bAka sabihin mong di kita mahal. Mahal pa din naman kita at naniniwala pa naman din ako sayo pero, di lang ako makakapayag na agawin mo sakin si Kyla.

Walang makakapigil sakin!

Gabi na ng dumating ako ulit sa address na binigay sakin ni Jenny. Lagot talaga sakin yung matandang babae! Pero di ko naman din siya masisisi di ba? Pero nakakapikon lang kasi.

Buti na lang lalaki na ang nagbukas ng gate ng pangit na mansyon!

"I'm looking for Kay?", tanong ko.

"And may i ask who you are?", tanong nito.

"Her friend. Ahm...can i speak with her personally? I'm from Philippines. I came here because i need to tell her something. Is she there?", mabilis kong wika na nakapagpataas ng kilay ng lalaki.

Maya-maya pa ay ngumiti ito.

"Oh. You're going to attend their wedding?", masaya niyang sabi.

Biglang gusto ko siyang suntukin, gulpihin siya hanggang sa maging abo para tangayin ng hangin sa kawalan.

Pero pinigilan ko. Kahit sobrang init na ng ulo ko, kahit gusto kong magwala dahil sa kamalasan ko, kahit gusto kong patayin lahat ng tao sa mundo ngayon, kahit ang sarap pasabugin ng mundo, pinigil ko...pinigilan ko ang sarili ko...

At sobrang hirap ah!

"Yeah.", tipid kong sabi.

"Oh. haven't they told you that the wedding will be held in another place and not here?", sabi niya sakin, "They just left yesterday."

"Do you know where the location of the wedding? Maybe they forgot to tell me."

"No problem.", sabi niya at inilagay ko sa cp ni Kyla ang address na sinabi niya sakin.

"Thank you.", sabi ko sa kanya, "Well, i should get going then. Thanks again.", paalis na sana ako ng nagsalita pa siya.

"Oh. If you happen to see madam Kay, can you please tell her congratulations and that she made a good catch with our master Kieth.", ngiting-ngiti niyang sabi.

At di ko na napigilan ang sarili ko, sinuntok ko ang lalaki. Bumagsak siya sa lupa at di na nakatayo.

Nawalan na ata ng malay sa sobrang lakas ng suntok ko. Kahit ang kamao ko naramdaman ko ang sobrang sakit. But damn it feels so good!

Umalis na kaagad ako baka may makakita pa sakin. Pero kahit na alam ko mali ang ginawa ko, ngiting-ngiti pa din ako habang lumalayo sa lugar na yun. Buti na lang at kahit papano nailabas ko ang sama ng loob ko. Dahil kung hindi malamang aburido pa din ako hanggang ngayon. Bwahahaha!

Sorry na lang talaga siya.

Tiningnan ko ang address na nasa cp ko. Di ako sure kung san ko yun mahahanap kaya sinearch ko sa map ng cp ni Kyla. Buti na lang at hindi yung dating luma niyang phone ang gamit niya.

Napasinghap ako ng makita ko kung saan ako sunod na papunta.

Sa....

God!

Ilang kontinente ba ang kailangan kong libutin para mahanap ko si Kyla? At bakit ba palipat-lipat sila ng lugar??? Di ba sila nahihilo?? Dahil ako hilong-hilo na! Halos libutin ko na ang buong mundo!

Nagtatadyak ako sa lupa na parang isang bata. Napatingin yung ibang tao pero wala akong pakealam. Di naman nila ako kilala. Isa pa nakakaasar lang talaga!

Alam mo yung pagod na pagod ka na...yung tipong naghihingalo ka na sa kakahabol...yung tipong malapit ng maubos ang enerhiya mo sa katawan sa kakasunod...yung tipong gustong-gusto mo ng umayaw pero sige ka pa din ng sige...yung tipong di mo alam kung kailan to matatapos o kung matatapos pa ba kaya...yung tipong ang dami-dami mong iniisip araw-araw, segu-segundo na halos mabaliw ka na...yung tipong lahat ng ginawa mo ay walang nagiging tama, puro kamalasan lang...yung tipong pakiramdam mo kailangan mong kalabanin ang pinakamakapangyarihang tao sa lahat, ang Diyos, para lang maisakatuparan mo lahat...yung tipong napapatanong ka sa sarili mo kung tama pa ba to o mali pa la ang lahat sa simula pa lang...yung tipong di mo alam kung kailangan mo bang igrab yung chances na dumadating o hindi dahil alam mo na baka mauuwi lang din ito sa wala...yung tipong ang hirap-hirap na....ang sakit-sakit na...ang sikip...ang lungkot...naaawa na ko sa sarili ko.

Pero  lahat ng to...lahat ng ito na sinasabi ng utak sa puso ko, palagi lang naisasagot ng puso ko...Kaya mo yan...mahal mo siya...sige pa...konti na lang...malapit na...

Lumanghap ako ng maraming hangin, i hold my breath for a few seconds, and exhale. Tinapik ko bahagya ang pisngi ko. Kaya mo yan! Kaya mo!!!

Ok. Kaya ko pa! Kaya ko!!

Go!

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon