Malapit ng mag 9pm kaya inihanda ko na ang mga gamit ko. Namili ako ng makapal na jacket para sa ulan,sumbrero, boots, mga pagkain, tubig, at bag na mahirap mabasa ang loob. Kailangan ko ang lahat ng to para makarating ako sa pupuntahan kong destinasyon.
Tama kayo ng iniisip, lalakarin ko ang lugar papunta kay Kyla. Susugurin ko ang bagyo. Sana lang walang mangyaring ipo-ipo para di ako matangay. Kaya ko naman kasi ang ulan.
Nagtanong-tanong na din ako sa paligid kung ilang oras ang aabutin ko sa paglalakad pero iba-iba naman ang naging opinion nila. Merong nagsabi aabot ako ng 10 hrs, 9 hrs, 11 hrs, 12 hrs kung dadaan ako sa shortcut., kaya kung isusum-up nasa range ng 9-12 hrs ang oras ng lalakarin ko. Kung bus daw ang sasakyan ko, aabot ako dun ng 6-7 hrs lang daw.
Bakit kasi sa malayo pa nilang naisipang magpakasal??
Kinalkula ko na din ang oras na darating ako dun. Kung mabagal ako maglakad, possibleng 12 hrs mahigit bago ako makarating. Ibig sabihin magiging huli nako dahil 9am daw ang start ng kasal. Wala sanang problema kung sa Pilipinas to dahil alam ko naman pag sinabing 9 am ang start, tiyak 10 or 11 pa ang start niyan. Filipino time nga di ba? Pero hindi eh, American time to ngayon! Kaya kailangan makarating ako dun ng 9-10 hrs para makausap ko pa siya bago ang kasal.
Whew! Kaya ko to!
Sumakay ako ng taxi hanggang sa boundary ng highway. Hanggang dun lang kasi sila at mga private ng sasakyan ang dumadaan dito. Sabi nila mas mabilis daw ang shortcut na daan. If private ang sasakyan at dadaan dito, aabot ako ng 5-6 hrs if mabilis akong magpatakbo. Pero sa perang natitira ko ngayon, kahit anong gawin ko di talaga ako makakabili ng kotse. Ni bike nga di ko na din afford! Ang laki kaya ng pamasahe ko papunta dito.
Nasayang pa sa pagpunta ko sa maling lugar. Ang tanging kasya lang talaga sa pera ko ay ang kakapirangot na mga gamit na napamili ko ngayon. Tsk! Ganun talaga ako kamalas! Sana makaya ko ang 9-10 hrs na lakad ngayon dito.
Tiningnan ko ang kalsada. Kitang-kita ko ang haba nito at napangiwi ako sa sobrang haba. Walang kahit ano sa paligid. Puro bundok lang ng desyertong mga lupa at malalaking bato. Kahit madilim medyo kita ko pa yung ibang parte sa paligid. Buti na lang may mga streets light kaya di gaanong madilim. Atleast, kahit yun lang.
Isang hakbang pa lang ang ginagawa ko ng biglang dumilim ang paligid.
Brownout???
Sh*t naman oh!
Nagmumura pa ko dun ng pagkalutong-lutong. Grabe! Grabe talaga! Pambihirang buhay!
Naku Kyla kung di lang kita mahal!
Kinuha ko ang flashlight ko sa loob ng bag. Buti na lang naisipan kong bumili nun kanina. Iba talaga pag boyscout!
Nagsimula na akong maglakad. Ganun din ang pagsimula ng mahinang ulan.
Great! Just great!
"Thanks huh!", sabi ko sa itaas ng langit.
Nagpatuloy pa ko sa paglalakad. Panay ang tingin ko sa relo ko. Maya-maya ay umiinom ako ng tubig. Isang oras ang lumipas at nagsimula ng humangin ng malakas. Ilang sandali pa at lumakas na ang ulan. Sobrang lamig na kaya nagsimula na din akong manginig.
Kakayanin ko kaya ang natitira pang 8-9 hrs? Whew! Dito na magsisimula ang kalbaryo ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinubukan kong aliwin ang sarili ko sa pagkanta at pag-alala sa mga masasayang alaala ko kay Kyla. Mula ng una naming pagkikita, ang pangliligaw ko, ang pagsagot niya sakin, ang pag start ng relationship namin, mga konting away, mga lambingan, tawanan, ang mainit niyang halik, ang mga i love you niya sakin, ang mga mahihigpit na yakap, ang pag-aalala niya palagi sakin, ang pag-aalaga, ang pagsesermon sakin palagi, ang mga road trips namin, mga masasayang lugar na pinasyalan namin, mga pagtatampo at pagkakabati namin, mga plano namin sa hinaharap, mga pangarap namin para sa isa't-isa...
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3