part 37

83 4 0
                                    

Alam niyo kung anong pinakamasakit na bagay kapag may nalaman kang may iba na ang taong mahal mo? Inggit lang naman. Pero mas sobra pa sa inggit na normal na nating nararamdaman. Dahil ang ganitong klaseng inggit ay di basta-basta. Di lang ito tumutubo sa isip natin, tumutubo din ito pati sa puso natin hanggang sa kumalat sa buong katawan. At oo, ganung klaseng inggit ang meron ako ngayon.

Naiinggit ako dahil may ibang nagpapasaya kay Kyla  at hindi ako iyun, naiinggit ako dahil nakakasama niya siya palagi at hindi din ako iyun, naiinggit ako dahil nagagawa niyang sabihin kay Kyla kung ganu niya siya kamahal at mas lalong hindi ko yun magawa! Kaya niyang halikan ito o yakapin sa kahit anong oras niya gusto! Sa makatuwid kaya niyang gawin lahat! Lahat ng bagay na ginagawa namin noon ni Kyla! Lahat ng bagay na gustong-gusto kong gawin ngayon kay Kyla! Lahat ng bagay na di ko pa nagawa!

Buong katawan ko ay nababalot ng inggit! Pati selos ay unti-unti na ding gumagapang at nakikipag competensya pa ang galit sa pagkain sa buong katawan ko!

Nagulat ang nurse na nagbabantay sakin ng nakita akong nakaupo sa sahig. Kahit nakakandado kasi ang pintuan ay nagawa pa din nitong buksan dahil may susi sila nito.

Agad niya akong inasikaso lalo na ang dumurugo kong sugat at pinahiga ulit sa kama pero wala akong pakealam sa lahat ng ginawa niya.

"I want to go home.", sabi ko at napatigil ang nurse. "Get me out if here."

"But sir, you're wound is not fully healed yet, and your still recoveri---"

"I'l pay..", sabi ko lang sa mahinang boses. Wala akong gana makipag diskosyon sa condisyon ko sa kanya.

"The girl's boyfriend whom you saved said that all expenses from you----"

"I said I'l pay!", sabi ko sa mataas na boses.

Alam ko naman na boyfriend ni Kyla yun pero mas lalong sumakit ng kinumpirma iyun ng nurse sakin ngayon! Letse talagang buhay!

"Ok sir, you don't have to shout.", mahinahon niyang sabi.

Sinubukan ko namang kalmahin din ang sarili ko.

Maya-maya lang ay may mga police na dumating. Gusto daw nila akong kausapin dahil iniimbestigahan nila yung nangyaring insidente. Sumang-ayon din naman ako, pero bago umalis yung nurse ay sinabihan ko ito na gusto ko na talagang umalis din. Ang sabi niya ay babalik siya at may papipirmahan sakin na mag-tatanggal sa responsabilidad ng hospital kapag may nangyari saking masama sa labas. Sumang-ayon din naman ako dahil ayoko ng tumagal pa dun lalo pa at nasa kabilang kwarto lang din pala sila Kyla.

Nagtanong lang ang mga pulis kung kilala ko ba si Kyla. Ang sagot ko ay hindi. Bakit ko daw siya niligtas kung di ko kilala. Sabi ko lang gusto kong tumulong. At ng tinanong nila pangalan ko, sabi ko Kris Allen. Eh sa yun ang naisip kong pangalan eh!

Nagkatinginan naman ang dalawang pulis sa mga sinagot ko. Syempre naghinala sila sakin kaya hiningan ako ng passport ID. Dun ko lang naalala na nawawala na pala lahat ng gamit ko. As in lahat! Naiwan ko  ata nung hinabol ko si Kyla at di ko alam kung asan na yun ngayon. Buti na lang talaga at nasa bulsa ko lang ATM card ko!

Since alam naman talaga ng mga pulis na wala akong dalang gamit dahil sila nagdala sakin sa hospital, pinabayaan na nila ako. Pasalamat daw ako at ako ang nagligtas kay Kyla.

Sakto naman na paglabas ng mga pulis ay siyang pagbalik ng nurse at pinapirma nga ko sa dapat kong pirmahan. Binayaran ko na din bill ko sa hospital. Ayoko namang magkaroon ako ng utang na loob sa kumag na boyfriend ni Kyla!

Kahit di ko nakita mukha nun alam kong mas gwapo pa din ako noh! Mas mayaman din naman ako kung tutuusin! Bwesit!

Naghanda nako sa pag-alis ko. Ng lumabas ako ng kwarto napatingin pa ko sa katabing kwarto ko. Gustong-gusto ko talagang pasukin ang kwarto na yun at makita si Kyla. Gusto ko siyang kausapin at sabihing nandito na ko kaya pwede na niyang iwan ang boyfriend niya ngayon. Gusto kong sabihin na di ko na siya iiwan kaya wala na siyang dapat ikabahala. Pero...nanghina ako ng naisip ko ang isang bagay. Di na niya ko mahal. At ngayon, may mahal na siyang iba.

Nagsimula na akong maglakad palayo...palabas sa hospital...pero di ko alam kung bakit parang ang bigat ng bawat hakbang ko. Kasing bigat ng nararamdaman kong sakit at kalungkutan sa puso ko.

Nakarating ako sa pintuan ng hospital pero parang ayokong lumabas. Gustong tumakbo ng mga paa ko pabalik kay Kyla. Gustong-gusto ko siyang makita at nakikiusap ang puso ko na bumalik. Dahil alam nito na si Kyla lang ang may kayang ayusin ang magulo kong puso!

Lintik na puso!

Ang sakit-sakit na!

Nanatili lang ako dun nakatayo habang pinagmamasdan ko ang labas. Hindi ko talaga alam kung anong hinihintay ko na mangyari pero nanatili pa ko dun ng ilang minuto.

Alam ko, sa oras na lumabas ako ngayon sa pintuan na ito, wala ng balikan.

Pero bakit natatakot ako.

Kausapin ko kaya siya kahit ngayon lang? Baka may chance pa di ba? Pumunta ako dito dahil alam kong may chance pa ko. Mahal ko siya at di ako pwedeng magpakaduwag ngayon.

Napapikit ako bago nagdesisyon. Sana tama itong gagawin ko!

Tumalikod ako sa pintuan at patakbong bumalik sa kwarto ni Kyla.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Kyla. Ayokong kumatok dahil mas nakakatakot yun. Dahan-dahan akong naglakad papasok. At sobrang bilis ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko ay lalabas ito sa dibdib ko, pero syempre tinibayan ko ang sarili ko! Putcha di ako magpapakabakla dito!

Nakita ko si Kyla na natutulog sa higaan niya. At agad nanghina ang  katawan ko ng nakita ko ang napakagandang babae sa harapan ko na nakapikit at mahimbing na natutulog. She's like an angel. 

Dahan-dahan akong lumapit at nag-ingat para di siya magising. At habang palapit ako ng palapit, di ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya ngayon.

Hahawakan ko na sana ang kamay niya ng napahinto ako sa nakita ko. May singsing. Isang singsing ang nakita ko sa daliri niya. Napatingin ulit ako ky Kyla at sa singsing.

Pero ayokong maniwala sa rason na pumapasok sa isip ko. Ayokong isipin na totoo ang hinala ko.

Di yun pwede di ba?

Posible ba yun?

Hindi kapanipaniwala eh.

Accessory lang  siguro niya di ba?

Pwedeng ganun yun di ba?

She's not engaged?

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon