part 21

94 4 4
                                    

Lalapitan ko na sana siya ng nasagi ko ang kape at nabasag ang baso, may natapon din sa damit ko. Agad kong pinulot ang basag na tasa pero pagtingin ko ulit sa babae kanina, nawala na siya.

May lumapit naman na waitress at tinulungan ako. Pero di ko na siya pinansin at tumakbo na palabas.

Tinakbo ko ang ilang parte ng kalsada nagbabakasakaling makita ko siya ulit pero sa dami din ng tao sa paligid, di ko na siya nakita.

"Sh*t!", napabulalas ako.

Baliw na ba ako? Patay na siya di ba? Bakit ko hinahabol ang isang taong kamukha lang niya? Wala na siya! Wala na! Imposibleng mabuhay siya ulit!

Kamukha lang niya iyon. kamukha lang...

Bumalik ako sa hotel at nadatnan kong andun na si Ria. Nagulat siya dahil ang gulo ng buhok ko at may mantsa ang damit ko. Sinabi ko lang na natapon ko ang kape ko at mahangin sa labas.

Nagbihis ako at namasyal kami ni Ria sa mga tourist spot sa Japan.

Kung kamukha siya ni Kyla eh di kamukha siya, pero hindi siya ang totoong Kyla. Naisip ko din na ayokong bastusin si Ria na nandito ngayon sa harapan ko. I'll give this day to her. Papasayahin ko siya.

"Hey!",

"Huh?", napatingin ako ky Ria.

"Are you even listening?", napataas ang kilay niya.

Inisip ko bigla kung may nadinig ba ako sa mga sinabi niya pero wala akong maalala. Sa sobrang kakaisip ko na hindi isipin ang kamukha ni Kyla, mas napapaisip tuloy ako at nawawala sa sarili.

"Ah...sorry, what are you saying?", sabi ko.

"Nevermind.", sabi niya at huminto sa paglalakad.

I mentally curse myself. Di dapat ito ang ginagawa ko, pinapasaya ko dapat siya pero kabaliktaran ang nangyayari.

"I'm really sorry. It's just that...i..i don't know...maybe i don't feel good.", sabi ko na di alam ang ibibigay na rason.

"Are you sick?", pag-aalala niya bigla at hinawakan ang noo ko.

"No.", napangiti ako at hinawakan ang kamay niya, "But i'm really hungry...and cold."

Ngumiti naman siya. "Ok. Let's eat and make you warm."

Kinabukasan ay ang runway show nila. Syempre pumunta ako.

At ang ganda niya! Ang galing maglakad at ang gaganda pa ng mga suot niya. Wala akong masyadong alam sa modeling pero ang damit ni Ria ang palaging nag stastand out sa kanilang lahat.

Binigyan ko siya ng bouquet of flowers sa backstage pagkatapos ng show. Kinailangan pa niyang pumuslit sa nagkukumpulang mga tao sa kanya para lang makalapit sakin.

"You're awesome.", sabi ko sa kanya, "And beautiful."

"Thanks.", ngiti niya. "What time is your flight?"

Oo, ngayon na din ako uuwi sa Pilipinas.

"10 pm.", sagot ko, "We have 7 hrs more left. We should spend it in slow-mo."

"Huh? Wat'd you mean."

"You'll see.", ngiti ko, "Let's start by you holding my hands my lady.", sabi ko na kunwari isa akong prinsipe na inabot ang kamay ko at yumuko.

Napatawa naman siya at kinuha ang kamay ko.

Bago kami lumabas ng building ay pinagpalit ko siya ng sapatos. Sinabi ko sa kanya na maglalakad lang kami pabalik ng hotel.

Di naman siya umangal dahil alam kong di naman siya maarte. Kaya nga nagustuhan ko din siya.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang naglalakad ng magkahawak ang kamay. Minsan napapahinto kami pag may tinitingnan siyang magagandang tindahan. Uminom din kami ng kape habang naglalakad at kumain ng mga street foods na nadadaanan namin.

"Lance.", tawag niya sakin.

"Yes my lady?", biro ko.

Napangiti naman siya, "How about i work in the Philippines?"

Napahinto ako ng paglalakad. Hindi ko alam kung nasan na kami pero sobrang daming tao na nababanga-bangga kami. Pero sa gulat ko talaga ay napahinto ako sa gitna nun.

"Really??", gulat kong wika, "You're serious right??"

"I am!", sabi niya na natutuwa din dahil natuwa ako sa balita niya.

Napatawa ako at yinakap siya.

"Your coming with me??"

"Ah..no.", sabi niya. "I need to go back to fix things first."

"Oh. Ok. But it's good your coming.", sabi ko.

"I think we should take the train.", sabi niya.

At kaya pala maraming tao dahil nasa train station kami. Pumayag naman ako since baka napapagod na siya.

Pagkatapos naming pumila para magbayad, papunta na kami sana sa hintayan ng tren ng may tumawag sa cellphone niya.

Sinagot muna niya iyon at tumayo kami sa isang sulok na wala masyadong tao.

Nakatayo lang ako sa tabi niya habang nilalaro ko ang kamay niya at patingin-tingin lang sa paligid. Sobrang dami talaga ng tao dun, grabe!

Napahinto ako dahil may nakita ako. Pamilyar na tindig iyon ng babae. Nakapila siya para kumuha ng ticket. Naka side view siya mula sa kinatatayuan ko. Nakahood ito at napansin kong nakaheadset din. Matagal ko siyang tiningnan dahil para siyang si Kyla.

Madalas siyang matabunan ng maraming tao kaya minsan nawawala siya sa paningin ko.

Bigla akong kinabahan sa di malamang dahilan. Habang mas matagal ko siyang tinitingnan, parang mas nagmumukha siyang si Kyla kahit di ko makita ang itsura niya...ang tindig pa lang niya at pangangatawan ay siyang-siya na. Alam ko naman na maraming magkakaparehong tindig at katawan ang tao sa buongt mundo pero, iba ang nararamdaman ko sa kanya. Siya din kaya ang nakita ko kahapon?

Kinalabit siya ng taong nasa likod niya at lumingon siya dito. At sa isang saglit na yun, napaharap siya sakin, pero nasa taong kumalabit sa kanya siya lumingon. At kitang-kita ko...sa isang segundo lang ay parang nagkaroon ng daanan mula sa kanya papunta sakin...walang nakaharang na tao, kaya nakita ko ng diretso at malinaw ang mukha niya...

"Hey! Are you ok??", tanong ni Ria sakin sa malakas na boses.

Pero di ko matanggal ang tingin ko sa babae...kay Kyla. Naguguluhan ako. Patay na siya eh. Bakit andito siya at nakikita ko? Imahinasyon ko lang ba to?

Ngumiti si Kyla. At dun ko lang narealize na si Kyla nga iyon! Di ako pwedeng magkamali! Alam na alam ko ang ngiti niya!

"Kyla.", nasambit ko. Sinundan ni Ria ang tingin ko, pero di ko alam kung nakita ba niya ang nakita ko.

Di ako makakilos. Parang bigla akong nabingi at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Di ako makapaniwalang nakita ko siya ngayon. Ang taong akala ko ay patay na. Nakikita kong nakangiti ngayon sa harapan ko.

Sa isang kisap-mata ay naglakad na palayo si Kyla.

"Kyla!", sigaw ko at hahabulin na sana ito ng napahinto ako.

Nakakapit ng mahigpit sa braso ko si Ria.

Tiningnan ko siya at di makapaniwalang pinipigilan ako ngayon. Higit sa sinuman siya ang may alam kung gano ako kadesperadong makita si Kyla.

Pero ng nakita kong may palabas na luha sa mga mata niya, napaisip ako bigla, kapag tumakbo ako ngayon, masasaktan ko siya.

"Don't!", sigaw niya.

Pero...mas di ko kayang pakawalan si Kyla ngayon! Kailangan ko siyang makita! Ang taong matagal ko ng hinahanap!

Umiling ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at ibinitaw ko sa braso ko.

Bago ako tumakbo, nakita ko ang pagpatak ng ilang mabibigat na luha kay Ria. Pero ayokong balikan siya ngayon na nasa harapan ko na si Kyla.

Sorry Ria pero mahal ko si Kyla.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon