part 41

89 4 0
                                    

Pabalik-balik ako sa kwarto ko dahil iniisip kong tawagan na lang ang number na ginamit ni Kyla noon ng tinawagan  niya ako. Since alam kong wala akong mapapala kay Jenny, ito na ang last card ko.

Actually reserved ko talaga ito dahil kapag narinig niya boses ko tiyak katapusan ko na. Pano pag tuluyan niya na talaga akong iwasan? Ngayon pa nga lang di niya ko iniiwasan ang hirap na niyang mahanap, pano pa kaya kung mangyari talaga yun??

Iniisip ko ding kontakin na lang muna yung ibang number na nandito sa contacts niya kaso, baka alam na nilang may kumuha sa phone niya since wala ng nagtetext sa kanya simula ng nakuha ko yung phone niya. Except kay Jenny at di ko alam kung bakit di niya alam na nawala ang phone ni Kyla.

I took my chances kaya nagtext muna ako sa mga nasa contacts niya. Excluding yung number ng anty niya at si Keith dahil sigurado akong agad magsusumbong yun kay Kyla na tinext ko sila gamit ang old phone niya. 'Hi' lang ang text ko.

May mga nagreply naman pero puro galit at yung iba sinubukan pa kong tawagan at nagalit din sakin. So, alam nga nila na may nakakuha sa cp ni Kyla.

Napunta ako sa last choice ko. Ang tawagan ang number ni Kyla. Pero anong gagawin ko kapag nakilala niya boses ko?? Apat na taon naging kami at ilang beses ko na siyang niloloko gamit ang paibaibang boses ko pero ang galing niya palagi dahil nahuhuluan niya  na ako yun! Di ko nga maintindihan kung may super powers siya eh!

Nakaisip naman ako ng magandang ideya at tumawag ako sa hotel service at nagrequest ng lalaking attendant sa kwarto ko.

Maya-maya ay may kumatok at agad ko siyang pinapasok.

"Hi.", bati ko.

"Yes sir?", ngiti niya sabay ipit ng imaginary hair sa likod ng tenga niya.

Ay putek ng ina niya! Bakit bakla???

"Ahm..i told them i wanted a guy.", sabi ko. Di ko naman sinasadyang maging rude pero i can't help it! Badtrip kaya!

"I'm sorry sir but i'm the only guy in this building as of the moment.", lumapit pa siya sakin at napaatras naman ako.

"Stop!", sabi ko na pinapahinto siya sa paglapit.

Huminto naman siya pero nakangiti pa din sakin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa at parang pinagnanasahan nako sa tingin pa lang.

Nag-isip muna ako. At huminga ng malalim.

Ok! Siguro naman pwede na to kesa sa wala.

Kinausap ko siya while nakadistansya pa din. Kapag sinunggaban ako nito bigla bubugbugin ko talaga siya!

Ang plano ay kontakin niya si Kyla gamit ang phone niya. Mahirap na kapag number pa din niya ang ginamit ko dahil tiyak na di nila ito pagkakatiwalaan.

Tapos, saka sasabihin ng baklang ito na  galing ang tawag sa hospital na pinasukan niya at may isinauling phone ang isang lalaki (which is ako) kaya magtatanong siya sa address nito para ipadala ng hospital sa kanya yung gamit niya.

Ayos di ba?? Galing ko talaga!

Ginawa nga yun ng baklang attendant na nasa kwarto ko. Sinigurado kong tama lahat ng instructions ko at kabisado niya ang gagawin niya. Tutal malaking tip naman din ang ipinangako kong ibibigay.

Di ko maiwasang magpabalikbalik habang kinakausap ng bakla ang nasa kabilang linya. Tiyak kong si Kyla yun!

Ng natapos din usapan nila. Tinanong ko agad kung anong nangyari sa usapan nila dahil yes lang ng yes ang tugo ng bakla bukod sa kinabisado niyang linya kanina.

"Do you have her address?", tanong ko agad.

"Yep. He said to drop it at this address.", at ibinigay niya sakin ang address na naisulat niya.

"Thank goodness!", natutuwa kong wikA, pero bigla akong natigilan at napatingin sa lalaki, "Wait---what?? He? But she's a girl."

"No he's not.", sabi pa niya, "He said his name was Kieth or something."

Naikuyom ko yung papel na hawak-hawak ko sa frustration.

Kontrabida! F*ck his d*ck! Bwesit!

Ang sarap magwala sa inis pero pinigilan ko ang sarili ko sa harap ng taong ito. Sinubukan kong kalmahin ulit ang sarili ko.

Binigyan ko ng tip ang attendant at nagpasalamat na din kahit papano. Humirit pa ng kiss pero di ko pinayagan. In his dreams noh!

Pagkaalis din ng attendant ay dun ko na binuhos lahat ng inis ko. Pagkaraan ng limang minutong pagwawala, nagmukang pinasok ng bagyo ang kwarto ko.

Hinahabol ko pa hininga ko bago bumagsak sa sahig. Nakatingin ako sa kisame.

Sa dinamidami ng pwedeng sumagot sa mga tawag bakit yung epal na Keith pang yun!

Bwesit talaga!

Kitkitin sana siya ng lupa!

Grrrr!!!!

Kinabukasan pinuntahan ko yung address na ibinigay nga sakin. Nalaman kong isang matandang babae ang nakatira dun at pinapaiwan lang yung cellphone. At ang mas nakapagpalungkot sakin. Wala dun si Kyla!

Ugh! Paulit-ulit na lang itong mga nagaganap! Nakakasawa na talaga! Nakakapagod na!

Syempre iniwan ko yung cellphone pero di yun ang totoong cellphone ni Kyla. Tinanong ko yung matanda kung kilala ba niya si Kyla pero sabi niya di daw dahil katulong lang din siya sa bahay na yun. Katulong ni Kieth! Bahay yun ni Kieth!

How poor!

Letse!

Ang pangit ng bahay! Mas mayaman pa ko! Mas gwapo pa!

Umalis akong nagdadabog.

Now what??

So ano? You think babalik ako sa Jenny na yun?

No way!

No freaking way!!!

Kinabukasan.

"Good morning. I'm looking for Jenny?", tanong kong nakangiti.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon