Nasa kwarto nako ng hotel ng napansin kong wala sa bulsa ko yung listahan ng mga address na pinuntahan ko. Agad akong lumabas ulit at sinundan ang dinaanan ko kanina. Malamang nahulog lang yun on the way. Naalala ko pang last ko yung tiningnan nung kakalabas ko sa resto pagkatapos kumain.
Kailangan ko yung mahanap! Kundi, wala na talaga akong pag-asang mahanap si Kyla!
Naabot ko na lang ang restaurant na nakainan ko kanina pero di ko pa din nahanap. Napabagsak ang balikat ko at bigla akong nanghina.
Ang sarap umiyak! Ang sarap mag-wala sa kalsada! Napakagat ako sa labi ko at napa-upo sa gilid ng kalsada. Lahat ng pag-asa ko biglang nawala ng ganun-ganun na lang. Lahat na ata ng bad words na alam ko nasabi ko na!
Bakit ganito??! Para san pa ang pagpunta ko dito kung ito lang ang mangyayari??
Napapikit ako at pinatong ulo ko sa tuhod ko. Di ko na ba talaga siya makikita? Si Kyla...ang Kay2 ko...wala na ba? Hanggang dito na lang ba talaga ako?
Ang sakit na naman. Andito nanaman ang sakit. Isipin ko pa lang na di ko na siya ulit makikita sobrang sakit na. Disappointed ako. Kala ko makikita ko na talaga siya ulit ngayon dito.
Isang oras pa ata ang lumipas bago ako tumayo at naglakad pabalik sana sa hotel ko. Napagdesisyunan kong tawagan mamaya si papa at umuwi na lang siguro sa Pinas. Siguro mali itong naging desisyon ko. Parang ang dami ng senyales na di kami pinagtatagpo ni Lord.
Bakit ko pa pipilitin kung si Lord na ang kalaban ko. Baka di talaga kami para sa isa't-isa. Baka hanggang dito lang ako.
Biglang may humarang sakin habang naglalakad ako. Muntikan nako mapatakbo kasi akala ko holdaper ng napansin kong babae iyun. Pamilyar pa nga mukha nito.
Di siya Amerikana, parang pinay nga kung tutuusin, o baka mexikana, o espanyol, di ako sigurado. Itim ang mahaba nitong buhok at medyo kayumanggi ang balat.
"Looking for this?", taas niya sa dala-dala niyang papel. Tiningnan ko naman iyun at yun nga ang hinahanap ko. Hinablot ko yun mula sa kanya. Gusto kong magpasalamat sana pero sa sobrang saya ko nakabuka lang ang bibig ko, kahit sobrang tuwa ko di ko magawang ngumiti.
Nakahinga ako ng maluwag.
Makikita ko pa din si Kyla! May pag-asa pa din pala ako! Buti na lang! Buti na lang talaga!!!
"So you don't know how to say sorry and thank you?", sabi nito sakin.
Napatingin ako sa kanya na muntikan ko ng makalimutang siya pala nakapulot. Alam ko dapat ako mag thank you pero di ko alam kung bakit ako magsosorry.
Napakuno ang noo ko.
"You hit me with the tin can earlier.", sagot na lang nito ng di ako nagsalita.
"Ah.", nasabi ko at nagulat din. Kaya pa la pamilyar siya.
"Are you a filipino??", tanong niya.
"Yeah?", sabi ko na nagtataka pa din.
"Cool. I'm half.", ngiti niya. "So, why are you looking for my aunts friends? I'm sorry i took a peek on that paper, i saw you drop that paper and..."
Nanglaki ang mga mata ko. Tama ba narinig ko? Aunt's friends daw sabi niya. Aunty ba niya si Shyra? Ang taong hinahanap ko? Kung ganun baka kilala niya din si Kyla.
Di ko na narinig ang ibang bagay na sinabi niya. Napatunganga na lang ako sa kanya.
"Hey, are you ok?", sabi niya sakin.
Agad ko siyang niyakap. Napasigaw naman siya dun.
"Thank you! Thank you! God thank you!", paulit-ulit kong sabi habang yakap-yakap ko pa din siya, "You're an angel sent for me from heaven!", nasabi ko at binuhat ko pa siya para iikot sa ere.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3