part 9

128 6 0
                                    

I will always love you. Bye.

This are the six words that crushed my heart. Yun lang ang laman ng sulat na ibinigay sakin ni Jake.

Ng gabing iyon di ako nakatulog. Ilang minutong iglip lang. Pakiramdam ko babangungutin ako kapag  natulog ako ng mahimbing.

Maraming tumakbo sa isip ko. Mga bagay na di ko maintindihan.

Kung alam ni Kyla ang lahat, pano niya ko minahal sa loob ng apat na taon? Ni minsan di ba niya ko kinamunghian? Bakit kapag kausap ko siya parang wala naman itong tinatago? Bakit di niya sinabing nasasaktan ko na siya?

Pinilit kong alalahanin yung mga panahon na magkasama kami, yung mga alaala na pinaghirapan kong kalimutan, hinanap ko kung saan banda dun naging malungkot siya. Pero wala akong nahanap.

Lahat ng alaala ko nakangiti siya, nakayakap sakin, kinukulit ako, hinahalikan ako, nakahawak sa mga kamay ko, pinapangaralan ako, inaalagaan, pinapasaya, minamahal...bawat araw...pauli-ulit niyang ginawa ang mga bagay na yun sakin.

Pero anong ginawa ko??

.......................................

Marami na ang nainom ko at ayaw akong tantanan ng babaeng ito kasama ko sa club. Dikit siya ng dikit at palagi pang hinihipo ang hita ko. Sinubukan ko ng kumawala pero masyadong persistent ang isang ito. Sina Brad at Pit ay busy din sa mga babae nila.

Nagring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Kyla. My Kay2 ang nakaregister na name niya doon. Nakakatamad umalis doon at maghanap ng lugar na tahimik kaya pinili kong di na lang sagutin ang tawag.

Nagring lang ang phone habang sinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan at pumikit. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang paghalik ng babae sa lips ko. Since andun na yun, tumugon na lang din ako sa paghalik ng babae.

Di pa yun natapos dun, dinala ko pa siya sa isang hotel at dun nangyari ang lahat. Late na ng nagising ako kinabukasan. Tiningnan ko ang phone ko at nakita ang 20 missed calls lahat galing kay Kyla. Marami ding messages ang natanggap ko pero isa lang dun ang kay Kyla. Yun ang una kong binuksan.

@12:00 am : Happy 1st Anniversary Lansing ko! I guess tulog ka na. Txt mo ko pag nagising ka na ha. Hintayin kita, i love you po.

"S**t!", nabulyas ko. First anniversary namin at nakalimutan ko.

Agad akong nagbihis at dali-daling umalis sa hotel. Di ko na pinansin ang pinaghandang breakfast ng babaeng nakasama ko kagabi.

Isang linggo kong sinelebrate ang anniversary namin para makabawi ako sa naging kasalanan ko. Dahil dun, pakiramdam ko nawala na ang kasalanan na iyun. Tao lang ako at nagkakamali, isa pa ang babae naman ang unang gumawa ng move. Di ko talaga kasalanan lahat. Lalaki lang ako.

Flowers, chocolates, dates, teddy bear, dresses, surprise harana, surprise visit sa bahay nila, outing sa beach, lahat-lahat ginawa ko para mawala ang kasalanan na iyon sa isip ko.

..........................................

Isa lang yun sa mga nagawa kong kasalanan. Kung alam niya yun, baka napatawad na niya ko dahil sa mga ginawa ko para makabawi... Para palitan ang kasalanan ko.

Kaso, naulit pa iyun ng naulit. Iniisip ko noon ok na kung magkamali ako since palagi naman akong bumabawi sa kanya at di naman niya malalaman. Kung alam ko lang...kung alam ko lang...magbabago kaya ako?

Kung sinabi ba niya sakin noon magagawa ko bang magbago?

Kung sinabi man niya o hindi ang point nagkamali ako. Ako ang may kasalanan.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon