Tumatakbo ako sa napakadaming tao. Kaliwat kanan ang tingin ko at paikot-ikot. Ilang minuto na ba akong tumatakbo? Bakit di ko pa din siya makita? Huli na ba talaga ako? Wala na ba talaga akong pag-asa?
Huminto ako sa pagtakbo at hinabol ang hininga ko. Halos maubos ang hangin sa paligid sa paglanghap ko ng hangin. Nagtitinginan din ang mga tao sakin dahil para akong baliw na hinabol ng ilang libong tao. Pero wala na akong pakealam sa lahat...sa lahat-lahat basta't mahanap ko lang ngayon si Kyla.
Bigla kong nakita ang isang pares ng sapatos na pamilyar sa akin. Hindi ko siya makita dahil natatakpan siya ng mga tao pero kilala ko ang pares ng sapatos na iyon. Sumiksik ako sa mga nagkukumpulang tao at agad na binunot mula doon ang taong may suot ng sapatos na nakita ko. At tama nga ako...si Kyla nga. Nagulat siya ng nakita niya kong muli.
"Wag kang umalis. Please Kay. Kailangan kita.", sabi ko sa kanya na hinahabol pa din ang hininga ko.
"Lance sumuko ka na...pakiusap.", sabi niya sa mahinang boses. Halatang natatakot siyang madinig ng ibang tao.
"Di ko kaya.", sabi ko, "Tingin mo ba di ko sinubukang kalimutan ka?? Tingin mo ginusto ko itong nararamdaman ko ngayon?? Tingin mo di ko gusto na maghanap ng ibang ipapalit sayo?? Gusto ko! Matagal ko ng gusto Kay. Pero di ko magawa! Ang hirap...nahihirapan nako...", pakiramdam ko lalabas nanaman ang mga luha ko.
Nagtinginan na ang maraming tao sa amin at parang pinalibutan nila kami dahil wala ng tao ilang metro sa paligid namin.
"Mapapagod ka din...", sabi niya sakin, "Hintayin mo lang Lance...mapapagod ka din."
Lumuhod ako sa harapan niya. At narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid. Nakita ko ang pagbagsak ng baba ni Kay sa gulat sa ginawa ko.
"Lance tumayo ka.", sabi nito na pinipilit akong itayo.
Pero umiyak lang ako at hinawakan ang mga kamay niya.
"Miss na kita Kay. Mababaliw nako kapag pinagpatuloy mo pa to. Pakiusap, kailangan kita."
"Lance...wag mong gawin to."
"Mahal kita Kay...mahal kita...ikaw lang ang kaya kong mahalin ng ganito...di ko kaya..please...", pagmamakaawa ko sa kanya.
Pero napansin ko bigla na di na siya sa akin nakatingin. May tinitingnan siyang isang tao mula sa likod ko, at ng liningon ko iyon...nakita ko si Jake, nakatingin din ito kay Kay na parang galit.
Umiling-iling si Kay, "Hindi...Jake..nagkaka---",
Biglang umalis si Jake at naglaho sa likod ng maraming tao. Humakbang si Kay para habulin sana si Jake pero agad kong hinawakan ang kamay niya para pagilan ito.
"Wag mo siyang habulin Kay..hmm?", pakiusap ko.
Matagal niya kong tiningnan at ng mga oras na yun,halos mabaliw ako kung ano ang nasa isip niya. Ikinatakot ko ang susunod niyang gagawin o sasabihin. Para akong isang kriminal na naghihintay ng sintensyang kamatayan o kalayaan.
Tiningnan niya ang mga kamay ko na mahigpit ang hawak sa kamay niya. Tumingin siya ulit sakin.
Malungkot itong ngumiti, "Sorry Lance.", at pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya.
Tiningnan ko siya na naglakad palayo...at naisip ko bigla,ako siguro ang magiging pinakamasayang tao kapag nagunaw ang mundo ngayon.
Naranasan ko ng muntikang mamatay dahil sa bugbog...pero wala ang sakit na yun kumpara sa nararamdaman ko ngayon...ang makitang naglalakad palayo sayo ang taong inibig mo ng totoo. Sa huling pagkakataon...masyado akong naging huli. Meron na siyang ibang mahal.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3