Epilogue
6 months later...
I was standing beside the altar waiting for that door to open so i could see my soon to be wife. Di niyo lang alam kung gano kalakas ang kaba ko. Malay ko ba baka sa likod ng nakasaradong pintuang yan ay may kausap siyang ibang lalaki na makapagpapabago sa isip niya.
Hehe! But she assured me naman na wala daw siyang kakausaping stranger hangga't di bumubukas ang pinto.
My bestman? Believe me or not...si Jake. Bridesmaid will be Letty na kasalukuyang di mapigilan ang abot tengang ngiti.
Unti-unti ng bumukas ang pinto at nakita ko si Kyla. She's stunningly beautiful as i expected her to be. Bagay na bagay ang damit niya sa kanya. Mas maganda pa siya ngayon kesa ng una ko siyang nakita na naka wedding gown.
Of course bago ang lahat ng to madami din ang naging problema namin sa anty Isabele niya at kay Kieth. Pero sisiw lang sila kumpara sa mga pinagdaanan ko noon noh. Later, nakumbinsi naman ni Kyla si Kieth na maghiwalay sila. At umamin si Kieth na alam niyang sinusundan ko si Kyla. Kaya pala nagpanggap siya na siya ang nagbayad sa utang ni anty Isabel. Too late na kasi siya ng gusto niyang bayaran yung utang dahil mas nauna ako. Kaya din pa la panay ang change location nila ni Kyla at mas inagahan nila ang kasal. Kung di lang niya inalagaan si Kyla malamang pinagsusuntok ko na siya!
Tanggap naman din ni anty Isabele sa kalaunan ang relasyon naming dalawa. Di man kasing yaman ni Kieth, sinasabi ko sa inyo, mas pogi nga ako kaya tanggap ako ni anty Isabele. Nagdecide din siyang sa Pilipinas na lang tumira dahil gusto niyang makita at alagaan ang magiging anak daw namin ni Kyla. Baka di niya kayanin. Plano ko pa naman ng pitong anak.
Katabi ni Kyla na naglalakad ay si Lolo Lito. Siya na ang bagong ama ni Kyla. Inampon namin siya. Sa maniwala kayo at sa hindi, instant lolo at papa na siya namin.
Napabuntong hininga ako sa nakita. Anim na buwan na ang lumipas yet di pa din ako makapaniwalang bumalik siya para sakin. Na ako ang pinili niya. It's too good to be true!
Nagsimula siyang maglakad at kinanta ni Mika at ng banda niya ang kantang Thousand years. Si Mika ang singer namin. Nagstart ng mag bloom ang career nila ng banda niya sa Japan. Unti-unti na silang nakikilala doon. Buti na lang libre siya kasi kulang ng pera ko para sa kasal na to. Hahaha! Nakakahiya mang aminin pero may babayaran pa akong 1 million dollar kay papa. Akala ko pa naman libre yun, di pala. Buti na lang at lifetime warranty.
Palapit ng palapit si Kyla at di ko maiwasang di maluha! Ikaw ba naman dumaan sa ganoong klaseng paghihirap di ka ba maiiyak sa resultang ito?? Parang rainbow pagkatapos ng bagyo ang lahat.
Nagthumbs-up sakin si Ria.
Ngumiti lang ako pero di ko na ata mapigilan ang luha ko. Si Ria ang nagdesign ng damit ngayon ni Kyla. Yep! Sideline niya ang designing. Nag-aaral siya ulit ngayon but we trust her style kaya kahit di pa siya tapos, siya na ang pinagawan namin.
Nandoon din ang barkada ko ng highschool at ngiting-ngiti sa papalapit na si Kyla. At kung hinahanap niyo si Jenny, well, busy ata siya sa kitchen. Siya kasi ang magprepepare ng lahat ng foods sa mga bisita. Di ko akalaing may tinatago pa la siyang experty sa kitchen na ka level ng mga master chef sa America.
Nakita ko ang pagluha din ni Kyla. Pero abot tenga pa din ang ngiti niya. Ganyan...ganyan ang tunay na ngiti ng masayang Kyla.
Aaaahhh!!! Naluluha na naman ako! Ang swerte-swerte ko naman talaga ata! Kinakasal ako ky Kyla and di ko ma.explain ang kaligayahan sa puso ko. Nag-uumapaw ito ngayon. Ang sarap sumigaw!
I'll treasure this girl Lord. Di ko na siya papakawalan. Akin lang siya! Gagawin ko lahat para mapasaya ko siya. I'll make her everyday, every week, every month, and every year special. Wala siyang ibang gagawin kung hindi ang ngumiti at maging masaya. I'll treat her like every moment will be our last time together.
Thank you Lord sa lahat! She is the best thing you ever gave to me!
Napaluha na ko ng tuluyan ng nakita ko siyang malapit na ngayon. Ngayon ko lang nalamang pwede pala akong maging iyakin when it comes to her.
Tinapik ako ng papa ko sa balikat.
"Wag ka munang maging masaya. May babayaran ka pang 1 million dollar sakin.", sabi ni papa.
Napatawa na lang ako sa wala na oras.
At ng hinawakan ko ang kamay ni Kyla para iharap sa altar...by then...i've completely taken by her to paradise.
-the end-
................................................
Maikli lang yung epilogue but dito ko na to tatapusin. I think sapat na yung ending na nagkabalikan sila..extra ko na lang tong kasal nila.
Thank you kay mama ko na nagbabasa nito. At sa kapatid ko na kahit di nagbabasa vote lng ng vote. Haha!
Thank you sa mga kaibigan ko na mga playboy! Sa kanila ko napulot ang playboy type na ugali ni Lance. Hehe.
And i dedicate this story to my beh2!,hahaha,.love u! Sana basahin mo to, kaso alam kong di ka mahilig magbasa kaya asa pa ko..tsk..hehe,pero ok lng!.
Hay sa wakas nakatapos na din ako ng story! Abangan niyo na lang nxt story ko huh!,Tnx!
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3