part 40

78 5 0
                                    

Nakita ko si Jenny mula sa kinauupuan ko habang naghahanap siya ng mauupuan sa isang resto na sinabi kong pagkikitaan namin. Bakit ko alam na siya yun? Dahil tinanong ko kung anong suot niya. Naka mini skirt daw siya na pula at isang tank top dress na white.  Ng nakita ko siya, I knew it na siya ang hinahanap ko.She's pretty and hot. Blond hair, tall and slim.

Kung noon lang ito, kung ang nandito lang ngayon ay ang ako 9 months before, malamang sinali ko na siya sa mga nakacollection kong babae, i mean if type din niya ako di ba? Sabi pa ni Mika, ako yung hinahabol. Ria is prettier pa din naman pagdating sa looks, a model kind of pretty. But itong si Jenny? She's kinda hot.

Pero don't get me wrong, di naman ako attracted sa kanya. It's just that, as a guy ganun lang talaga normal na reaction namin pag nakakita kami ng mga ganitong babae.

Isang paraan na lang kung pano ko makoconfirm na siya nga si Jenny. Hinintay ko siyang makaupo at pagkatapos,kinuha niya cp niya at nagtext ata. Maya-maya ay nagvibrate na nga ang phone ni Kyla.

From: Jenny

Here.

Napangiti ako at nagreply.

'Coming.'

Tumayo na ako at lumapit sa mesa niya habang inaayos ang buhok ko. Ayoko namang takutin siya tulad sa nangyari kay Mika sa Japan.

Agad akong umupo sa harapan niya. Nagulat naman siya syempre, pero pagkaraan ng ilang sandali na pagtitig sakin, napataas ang kilay niya. Minsan alam ko ang ganitong klase ng body langguage, it's either mataray siya at di niya ko type, or mataray siya at type niya ko. But i'm sure it's the second one, kasi never ko pa na experience ang first.

C'mmon! Hambog na kung hambog but totoo lang minsan ang mga sinasabi ko.

Ngumiti naman ako. "Hi.", sabi ko.

"Excuse me but I'm waiting for someone.", sabi niya.

Plinano ko na kagabi pa ang mga dapat kong sabihin at dapat kong gawin kaya kahit kinakabahan ako kung tatakbo ba ito sa plano ko, pinilit kong magpaka cool sa harapan niya. Chillax lang...whew!

"Yeah?", sabi ko pa, "You think she would come?"

"Yeah. She told me so.", sabi niya habang nagcross ang mga kamay niya sa dibdib niya. At mas lalong nagpa define sa boobs niya. Di ko maiwasang mapatingin.

Is she flirting with me?

Wala ata to sa plano ko.

Napa igham ako at iniwas ang tingin doon.

"By the way i'm Lance Vertiges.", sabi ko saka inilahad ang kamay ko sa kanya.

Tiningnan niya iyun habang naniningkit ang mga mata. Parang inaanalize pa niya ang nangyayari at ang mga sinabi ko. Dapat kilala na niya ko ngayon. Hello?? Lance Vertiges? Ang mahal ni Kyla??

"Jenny Brown.", at inabot niya kamay ko.

Teka...ganun lang?? Hindi ba siya magtatatalon sa tuwa like Letty or bubuhusan ako ng tubig tulad ni Mika?? Ganun lang yun??

Di ba niya ko kilala? Di ba ko naikwento ni Kyla sa kanya? O di ba niya pinakita picture ko? Ano to?? Kinalimutan na ba ko ni Kyla?

Pakshet ha! Ang sakit ha! Lintik!

So ano? Naka move on na siya,ganun?

Di ko mapigilang magalit. Parang kinalimutan na nga niya ako ng tuluyan.

Kilala ko si Kyla at alam ko na pinapanindigan lang niya ngayon ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Tulad nga ng sabi nitong si Jenny, she was not in love with him, she's not happy with him. At ito lang ang kaya kong panghawakan kaya ako nandito  ngayon. Para akong nakalambitin sa isang bangin at isang kakapiranggot na sanga lang ang hawak-hawak ko. Sa oras na bitawan ko ito, mahuhulog ako...mahuhulog habang buhay sa isang walang katapusang kadiliman. Kaya kahit anong mangyari, kailangan kong hawakan ang sanga na ito... message ng Jenny na ito ang tanging pinanghahawakan ko para di ako mawalan ng pag-asa at mahulog ng tuluyan.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon