Pagpasok ko kinabukasan, tinadtad ako ng tanong ng dalawa kong kaibigan dahil maaga nga akong umuwi kagabi. Di ko daw naabutan yung iba pang magagandang babae.
"Pare ang dami ng naghanap sayo kagabi.", sabi ni Pit, "You don't mind naman siguro kung kinuha ko yung iba mong babae."
Natawa naman ako, "I don't mind. Di naman sila sakin."
May itsura naman talaga itong dalawa kong kaibigan,lamang lang talaga ako ng konting ligo.
"Sinasabi ko sayo Lance. Kailangan nating bumalik mamaya. Magdadala daw sila ng iba pang chix pare. Kailangang may mabingwit din ako.", sabi naman ni Brad.
"Hmm..Let's see.", sabi ko, "Siya nga pala...pwde bang change na tayo ng upuan?", di na nakasagot sakin ang dalawa dahil pumasok na ang guro namin. Ang galing talaga palagi ng timing ng gurong ito.
Napatingin ako sa bakanteng upuan na katabi ko. Tingin ko absent yung babae.
Nagsimula ng magteach ang guro namin. Basic of mathematics. Basic of civil engineering. Kakatamad makinig.
Fifteen minutes later at biglang may pumasok na babaeng buhaghag ang buhok. Para itong si sadako na nakatakip ang buhok sa mukha niya. Hinihingal pa ito. Dun ko napansin na siya yung babaeng katabi ko ng upuan.
"Sorry po maam.", sabi nito, at hinawi ang buhok niya.
Nagulat ako ng nakita ko ang mukha ng babaeng nakita ko kagabi sa club. Si Kyla...
Naglakad siya palapit sa upuan niya habang di ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang may magnet ang babaeng ito sakin. At siya pa la ang seatmate ko???
Pero umupo siya ng di man lang tumitingin sakin. I wonder if nakilala niya ko last night. Sigurado akong tumingin siya sakin. Ugh! Oo nga pala, while nakikipaghalikan ako. Siguradong mahihiya siya sakin nito.
Pagkatapos idissmiss kami ng guro namin, may ilang babae na lumapit sakin at may tinanong na kung ano-anong bagay na wala namang kwenta.
"Ahh..sorry ha.", sabi ko sa kanila at tiningnan ang dalawa kong kaibigan saka kinindatan ko sila at pasimpleng nginuso ang babaeng nakaupo pa din sa tabi ko. Agad naman nilang naintindihan ang senyales ko dahil ginagawa namin yun sa isa't-isa kapag may gusto kaming babae at gusto naming kausapin ng sarilinan.
"Girls, bakit di tayo pumunta muna sa canteen. Libre kayo ni Pit.", sabi ni Brad.
"Anong ako? Bakit ako??", gulat na sabi nito.
"Wag nang maangal. Halina kayo.", at hinatak ni Brad ang mga babae palabas.
"Bayaran mo ko mamaya Lance ha.", pahabol ni Pit bago lumabas ng kwarto.
May iilan pa ding tao sa loob ng room. Bigla namang tumayo ang babae at paalis na sana ito ng tinawag ko.
"Kyla."
Huminto siya sa paghakbang at dahan-dahan akong liningon na may pagtataka sa muka nito.
Ngumiti ako.
"Hi.", sabi ko.
Yun na ang pinakamagandang ngiting pinapakita ko sa mga babae at wala pang di nahuhumaling sa killer smile ko na yun.
Pero sa gulat ko, bigla na lang itong kumaripas ng takbo. Naiwan ako na parang tanga dun. Ano bang problema ng babaeng iyon?
Huling check ko sa salamin gwapo naman ako. Kung ganun bakit niya ko tinakbuhan? Fine! Akala niya hahabulin ko siya? Bakit siya lang ba ang babae sa mundo? Ang dami kayang naghahabol sakin.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3