Prologue

8 1 0
                                    

"Waaah kams! Ayun oh!" Sigaw ni Dianne, hindi niya tunay na pangalan. Hindi joke lang, pangalan niya talaga 'yan.

Agad naman kaming nagsilingunan. Si Rica ay napangiti at tila nag-hugis-puso ang mga mata. Si Irene, straight-faced lang at ako, nakataas lang ang kilay.

Nag-pout si Dianne,"Suportahan niyo naman ako. Minsan ko na nga lang ipakilala yung crush slash manliligaw ko tapos ganyan kayong dalawa? Buti pa si Rica."

"May pake kami Yan, hindi lang namin alam ni Lei kung paano magre-react," Diretso pa rin ang tingin ni Irene, kahit kailan talaga. Siya ang pinakaseryoso sa aming apat. Kahit kaming tatlo nila Dianne eh bihirang makitang humagalpak sa tawa 'yan.

"Oo nga. Hindi naman kasi guwapo," Mataray ko pa ring sabi. Ewan ko kung totoo pero ako daw pinakamataray at pinakasarkastiko sa kanila. Di naman ako naniniwala. Psh.

Napatingin agad sakin si Rica,"Hoy Hailey! Ang guwapo kaya ni Migs! Tingnan mo ng mabuti!" Inanggulo niya ng maayos yung kamay niya para maging square at tinapat kay Migs,"Chinito eyes, fair skin and ayun oh! Yung tawa niya! Kung hindi lang talaga property ni Dianne yan, malamang nalandi ko na yan."

Si Rica naman ang pinaka-inlove sa'ming apat kahit walang lovelife. Actually nagkaroon naman siya. Sangkatutak pa nga. Mahilig siya sa pogi and madami rin namang nafaFall sa kanya. Sa kulot palang niyang buhok at sa height niya, hindi na talaga kataka-taka.

"Psh. Kailan mo sasagutin yan?" Pag-iiba ko ng topic.

Napasimangot si Dianne,"Hindi ko pa alam eh. Siguro sa 14 para February 14 ang monthsary namin. Valentines," Tumawa siya.

At iyon nga, sinagot din naman ni Dianne si Migs. Hindi ko nga alam kung paano niya sinagot yon basta binalita niya na lang na sila na and yun. Okay naman. Mabait naman si Migs at naku, subukan lang niyang saktan si Dianne malalagutan siya ng hininga dahil sa'ming tatlo nila Irene.

"Congrats!" Ngumiti si Irene. Wow ngumiti, ibig sabihin boto talaga ang isang 'to kay Migs.

Boto naman kaming lahat dito. Yung family lang ni Dianne. Hindi naman kasi nila gustong mag-boyfriend to, kaso ayun, dahil sa kuryosidad nitong bestfriend ko, nag-boyfriend na.

Curiousity can kill the cat right?

"Pa'no yun kams?" Tanong sakin minsan ni Dianne nang tumambay kamk sa may stage. Nasa room pa kasi si Irene at Rica, gumagawa ng assignment.

"Ewan ko ba naman sayo kams eh. Bakit kasi sinagot mo na? Kung mahal ka talaga niyan, maghihintay siya."

"Ayaw ko na rin naman kasing mahirapan siya kams. Isang taon na rin naman siyang nanliligaw."

Oo, totoo yun, last year pa siya nililigawan ni Migs. Tibay eh 'no? Maganda rin naman kasi tong si Dianne. Mahinhin pa saka pabebe. Good catch talaga sa mga lalaki. Chix kumbaga.

Sa totoo lang, maganda silang tatlo. Ewan ko nga kung bakit at paano ko naging mga bestfriend tong tatlong timang na to. Basta nagkakilala na lang kami once tapos nag-click.

Brigada. Nakaupo lang ako sa may pinakadulong upuan ng room kasi kakatapos ko lang maglinis nang may tumabi sakin. Isang babaeng naka-long sleeves at pantalon. Like seriously? Long sleeves sa kainitan ng panahon? Ay, baka takot umitim.

Napalingon ako sa kanya. Black yung buhok as in pure black na medyo maiksi, same length lang ng buhok ko na hanggang balikat and infairness kay ate ah, she's beautiful. Maganda yung mata, medyo katangusan yung ilong and yeah, maganda talaga siya. Makipagkilala kaya ko? New friends ugh.

Story of UsWhere stories live. Discover now