Chapter 24: Sana

15 1 0
                                    

Hailey's POV


Nakakaasar na Zach iyon! Pero mas nakakainis ang sarili ko! Argh! Bakit nga ba ako pumayag na samahan siyang bumili ng regalo para sa girlfriend niya?


Bakit nga ba Hailey?


Fine! Sumama ako sa kanya dahil gusto ko siyang makasama! Argh! Ang landi ko namang pakinggan! Nakakasar talaga. Ganito ba pag nagkaka-crush? Or let's just say na kapag nagkakagusto sa isang tao?


At bakit ang sexy niya tumawa over the phone? Na-mental block pa tuloy ako habang kausap ko siya kahapon. Hanggang ngayon nga ay paulit-ulit na nagre-rewind yung tawang yon. Bakit nga ba napaka-sexy?


Or baka ako lang ang naseseksihan?


"Hailey, tara na! Pasok na tayo!"


"Ay sexy!" Napatalon pa ako sa kama. Ito naman kasing si Dianne, bigla-biglang pumapasok ng kwarto.


Ngumiti siya ng napakalawak,"Oo kams! Tanggap kong sexy ako!" Hinila niya ako,"Tara na nga!"


Inirapan ko na lang. Nasaan kaya ang sexy sa kanya? Sa imagination niya?


Pero syempre joke lang yon. Sexy naman kasi talaga itong si Dianne. Ayoko nga lang sabihin sa kanya kasi lalong kakapal ang mukha.


"Ano Kams? Tulala ka na lang forever?" Natigilan siya sa pagsasalita,"Ay wala palang forever."


"Ang bitter mo. Kung kayo talaga, kayo talaga."


Nanahimik na lang si Dianne nang sabihin yon ni Irene. Ako? Eto, nakatingin sa kawalan. Hinihintay kasi namin si Rica dito sa tambayan, at mamumuti na lang ata ang lahat ng uwak, wala pa rin siya.


"Oh! Andyan na pala kayo!" Bungad ni Rica sa'min. Kami naman ay halos irapan siya.


"Hindi ah! Wala pa kami dito!" Pilosopo kong sagot sa kanya.


Nag-pout si Rica,"Sorry na nga. Ililibre ko na--"


"Naku Rica, wala yon! Pinapatawad ka na namin! Tara na at ilibre mo na kami!"


Napailing na lang kaming dalawa ni Irene dahil sa sinabi ni Dianne. Ewan ko ba dyan. Magmula nung break-up nila ni Migs, ayan, naging sabog at baliw na. Minsan nga ramdam kong pinepeke na lang niya ang mga ngiti niya.


At iyon ang nakakalungkot pag nagmahal ka: PALAGI KANG MASASAKTAN.


At ang tendency nun ay ang pagbabago mo. You see, pag ka nasaktan ka, automatic na magbabago ka. Hindi man buong pagkatao mo pero maaring parte ng personality mo. Tulad nitong kay Dianne, mas nagiging kalog siya ngayon di tulad noong dati.


Change is overtaking her. Hindi naman din kami against doon, we're her friends at tanggap namin siya. Maging kalog man siya o maging iyakin o maging anuman, siya pa rin naman si Dianne na kaibigan namin...that's permanent.


"Carbonara sa'yo Irene? Eh ikaw Hails? Anong gusto mo?"


Napaisip ako. Ano nga ba ang gusto ko? Hindi ba ang gusto ko lang naman ay hindi maging unrequited love itong nararamdaman ko? Kaso nga lang imposible yon. Kahit saang anggulo mo man kasi tignan, unrequited pa rin ang kalalabasan.


Una sa lahat, may girlfriend siya. Pangalawa, sobrang labo na magkagusto siya sa'kin...at pangatlo, yung rason ko nung una. Ang hirap naman kasi takagang magkagusto sa may girlfriend na.


Story of UsWhere stories live. Discover now