Sa buong buhay ko ay ngayon lang akong nahila ng tulad nito at take note: isang lalaki pa ang humihila sa'kin. Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta.
At kung ano ang gagawin ko kapag nakarating kami sa lugar na pagdadalhan niya sa'kin.
Sasabihin ko ba agad-agad ang gusto kong sabihin? O magpapaligoy-ligoy muna ako? Ano bang dapat kong gawin? Fvck. I hate thinking about this things!
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko mapigilang hindi mapatingin at ma-amaze sa likod ni Zach. Ano bang mayroon at bakit parang likod niya palang ay dumadagundong na ang puso ko?
Nalipat ang tingin ko sa mga kamay naming magkahawak. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako sa bandang dibdib ko. Ganito ba? Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag may gusto ka sa isang tao?
Dumaan kami sa main school grounds ng university. Andaming tao at nakaramdam na ako ng pagkahiya. Pinisil ko tuloy ang kamay ni Zach.
Nilingon niya ako,"Bakit?"
"D-Dapat hindi tayo dito..." Napatingin ako sa mga estudyante sa gilid. Andami na nila palibhasa uwian na.
"...dumaan."
Ngumiti siya,"Wag kang mag-alala. Wala na namang problema."
"Huh?"
Imbis na klaruhin ang ibig niyang sabihin ay ngumiti lang siya. Mas lalo lang tuloy akong naguluhan. Bakit niya nasabing wala ng problema eh napakadami nga noon?
Dinala niya ako sa parte ng garden na nilinisan namin noong nag-community slash school service kami. Umupo siya sa damuhan kaya ganoon din ang ginawa ko.
Ang lamig ng hangin. Nakakaginhawa sa pakiramdam.
Idagdag pa ang halimuyak ng mga tanim na bulaklak sa parteng to. I feel like I'm in too much comfort, ni hindi ko matandaan kung ano ang sadya ko kay Zach."Anong sasabihin mo?"
Napalingon ako sa lalaking katabi ko ngayon. Nakatingin siya sa'kin habang nililipad ng hangin ang buhok niya. He's indeed really fuckin' freakin' handsome.
"Aaa..."
Ang totoo niyan ay hindi lang sa ambience ng lugar na ito ako naii-intimidate. Pati kay Zach. Siguro ay dahil sa lakas ng tibok ng puso ko kapag kasama ko siya.
Tulad ngayon. I can already hear the thumping up to my eardrums. And it's foreign to me. For I never felt this way before.
Not until now. To think pa na this guy confessed his love for me but I rejected him for another person's happiness.
"Hailey?"
"A-Ano nga yon?"
"Uhmm... ano yung gusto mong sabihin sa'kin..." Tumingin siya sa mata ko,"Na tungkol sa'tin?"
Imbis na sabihin ko ang pakay ko sa kanya ay mas pinili kong hindi yon pansinin. Tumingin ako sa langit kung saan ang mga ulap ay gumagawa na ng sari-saring images.
Isang ulap ang namataan ko na may distinct shape. Naisip ko na baka mali ang posisyon ko kaya hindi ko makita ng maayos ang hugis ng ulap na yon.
Parang kami ni Zach. Mayroon namang nararamdaman para sa isa't isa pero hindi maipapahayag kasi wala pa sa tamang anggulo ng buhay. Madaming nakaharang at syempre... kasi may mga masasaktan kapag pinilit na ayusin.

YOU ARE READING
Story of Us
Aktuelle LiteraturI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...