Pagkauwi ko ng bahay ay dumiretso ako sa katabi naming computer shop at nag-Facebook. Nasira kasi ang internet connection sa bahay. Pagbukas ko ng Facebook ay laking gulat ko nang nakitang kasama sa 3 bagong friend request ay ang picture ni Zach.
Omo! Nag-friend request siya sa'kin!
Pagkatapos kong i-confirm iyon ay dumiretso ako sa profile niya at isa-isang tinignan ang mga profile pictures niya. Sh*t. Bat ang guwapo ng isang to?
In-exit ko iyon at tinignan ang timeline niya. Let's see kung anong pinagpopost ng isang to.
Scroll lang ako ng scroll nang mapagawi ako sa isang post.
Mikaela Eunice Rivera with Zach Melendez
First picture with him ♡
*insert photo*
Halos i-zoom in ko sa computer ang picture. Hindi ko nga napansin ang pangalan nung nag-post dahil masyado akong na-absorb ng picture. Si Zach iyon na naka-side view at isang babaeng naka-braid ang buhok pero nakatalikod.
In-exit ko rin kaagad iyon. Oh my gosh. This is the first time that I stalk someone and iyon ang makikita ko? Oh my God, my heart is throbbing fast! Is this what attraction feel?
I'm new with this feeling even though 4th year na ko, hindi pa naman kasi ako nagkaka-crush. Just like Irene. Sila Dianne at Rica lang naman itong may experience pero nakakahiya magtanong. Mangangasar lang ang mga iyon.
Pinalipas ko lang iyon hanggang Intramurals. Plano naming mag-attendance lang at umuwi na kaagad (more like gala) pero itong si Irene, hindi makakasama dahil may service siya.
"Hindi ba pwedeng sabihin natin dyan sa service mo na maggagala tayo?"
Umiling si Irene,"Hindi eh. Mommy will surely find out."
Nag-pout ako at malungkot na tumango,"The problem with strict parents."
Nagngitian na lang kaming apat hanggang basagin ni Rica ang katahimikan,"O sige 'Rin, alis na kami ah?"
"Bye! Ingat!"
Siksikan sa corridors dahil sa mga nagkakagulong estudyante. Sabay-sabay kasi ang tournaments ngayon tulad ng basketball (kung saan nagpupunta lahat ng babae at mga dyowa nila. Yung iba ay para makakita ng abs), badminton (babae rin halos nanonood dito), volleyball (marami ring nanonood usually magtotropa para sa mga pustahan nila) at syempre ang pageant (well, lahat naman ata gustong manood nito).
Pero kami? Maggagala kami. Hindi naman siguro required ang bilang namin sa mga audience hindi ba?
Malapit na kami sa may labasan ng building nang may nakita kaming pinagkakaguluhan ng mga tao. Pumunta kami doon at halos maglupasay si Rica sa kakatili.
"God! It's Sam Palacio! Yung reigning na Mr. Intramurals! Oh my God!!!!" Humarap siya sa'min ni Dianne habang inaayos ang buhok niya,"Maganda na ba? Okay na?"
Tinanguan na lang namin siya ni Dianne dahil tumakbo na ito papasok sa crowd. Sinundan namin siya ni Dianne at habang naglalakad ay may narinig akong pag-uusap ng kung sino.
"Waaaah! Ang guwapo ni Sam!" Tili ng isang babaeng naka-braid. Wait...naka-braid?
"Naku! Isusumbong ka namin kay Zach!" Ani ng isa niyang kasama kaya nagtawanan sila.
YOU ARE READING
Story of Us
Narrativa generaleI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...