Chapter 25: Cousins

13 1 0
                                    

Zach's POV


Napangiti ako. Ang swerte ko kasi sa girlfriend kong si Mikaela Eunice F. Rivera. Di'ba nga nagalit siya sa'kin kasi biglaan kong nasambit yung magandang pangalan ni Hailey?


"Sino si Hailey?"


"Ah...eh..." Takte, pinagpapawisan ako. Ano bang sasabihin ko dito?


Mariin niya akong tinitigan,"Zach?" Tinaas niya pa ang kilay niya.


*ting* (lighbulb yan 💡)


Ayan! Alam ko na! Alam ko na kung paano paamuin itong si Mika! Gagawin ko ang Migs' Hokage Styles no.3!!


"Baby? Wag ka ng magalit. Mahal naman kita eh. Kita mo tong juice na ito?" Tumango siya,"Ganyan kita kamahal, tikman mo dali."


Iniabot ko sa kanya ang juice pero hindi ko ito binitiwan. Hinayaan ko na inuman niya iyon habang hawak ko.


"Anong lasa?"


"Matamis." Walang emosyon pa rin niyang sabi.


"Talaga? Titikman ko ah?"


*tsup* (kiss yan 😘😚)


Namula si Mika pagkatapos ko siyang halikan sa labi. Kailangan ko talagang pasalamatan si Migs dahil sa mga Hokage Styles na natututunan ko sa kanya!


"Z-Zach..." Ayan, nabubulol na.


"Hmmm?"


"Bati na tayo."


Oh di'ba? Napakagaling ko hindi ba? At napakabait ng girlfriend ko! Pero okay lang naman yon kahit na first kiss niya yun. Mas mahalaga pa rin naman ang last di'ba?


Saka alam ko namang nagustuhan ni Mika yung kiss. Aba, kung hindi niya naman nagustuhan yon ay di naman siguro niya ako patatawarin.


"Pvtang*na talaga."


Napalingon ako sa kung sino mang nagsalita at napasimangot. Bakit ba umuuwi yan dito sa bahay kung ang katumbas ng 'hi' para sa kanya ay mura?


"Problema mo?"


"You don't fvcking care."


Isa sa ito sa mga dahilan kung bakit ayokong umuuwi yang si Ryan dito sa bahay. Napaka-englishero kasi! Hindi ko naman sila naiintindihan! Para siyang si Hailey saka yung Irene!


"Problema mo Ryan?"


"Can't you just shut your mouth? Tang*na. Nakakairita."


Ito talaga yung pinaka-nakakainis pag nandito yan. Magtatanong ako ng maayos tapos mumurahin ako. Gandang kausap no? Kung alam ko lang ay bitter pa rin yang si Ryan sa mga nangyari noon.


"Bitter ka pa rin ba Kuya?" May halong panunuya ang boses ko.


"Fvck you Zach." Napangisi ako sa naging reaksyon niya,"And don't call me Kuya."


"Bakit? Kasi hindi mo matanggap na ako yung pinili ni Mika kaysa sa'yo? Na ako yung sinagot at hindi ikaw?" Ngumisi ako,"Sayang naman yang kaguwapuhan mo kung hindi ka rin naman pinapatulan."


Tatalikod na dapat ako nang bigla akong sinuntok ni Ryan. Masakit kasi naramdaman kong pumutok yung labi ko pero pvtang*na niya rin kaya ginantihan ko siya.


Para quits.


"Magsama kayo ni Mika. Tignan ko lang kung magtatagal kayo." At tumalikod siya habang ako ay tumatawa lang.


Ginamot ko na lang yung sugat sa labi--ay wag na pala! Tatawagan ko na lang si Mika para may libreng kiss! At may libreng pampaligaya pa ng araw! Sakto namang nasa bahay kami.


For sure, maaasar at maiirita yang si Ryan. Tss, kawawa namang presidente, perfect na sana kaso walang lovelife.


3 months ago...


"Mika please...mahal na mahal kita." Lumuhod siya sa harap ng babaeng yon,"Please Mika, wag mo akong iwan."


"Ryan, hindi ko na kaya. Wag mo nang ituloy yung panliligaw mo kasi mapapaasa lang kita..." Tatalikod na sana si Mika kaya lang hinawakan ni Kuya Ryan ang kamay niya para pigilan siya. That time, sumingit na ako.


"Kuya, hayaan mo na si Mika. Baka talagang..." Nagtagpo ang mga tingin namin ni Mika,"Baka talagang hindi na niya kayang saktan ka. Baka...hindi ka talaga niya gusto."


"Bakit? Mika bakit? Pumayag ka naman noong una di'ba? Ginawa ko lahat ng kondisyon mo! Pero bakit?" Tinignan niya si Mika at kita ko ang pangingilid ng luha sa mata ni Kuya,"Bakit hindi ka makasagot?"


Tumalim ang titig ni Kuya kay Mika,"May iba ba? Mika, may iba ka bang gusto?"


Hindi nakasagot si Mika. Ako naman ay parang nanonood sa taping ng isang Break-up scene. Kulang na nga lang talaga ay popcorn.


Naputol ang lahat ng iyon ng sumagot si Mikaela.


"Meron."


Tila huminto ang ikot ng mundo nang sinabi ni Mika ang mga salitang yon. Pati ako ay nagulat. Syempre kasi, gusto ko rin si Mika at umaasa akong ganito ang mangyayari...pero hindi ko naman alam na magkakatotoo.


"Mika! Ano ba? Minahal kita! Mahal kita! Bakit may iba? Binigay ko na sa'yo ang lahat! Ginawa ko na ang lahat! Ano pa bang kulang? Mika!" Halos maglupasay na si Kuya Ryan sa mga sandaling yon.


Isang iling lang ang itinumbas ni Mika sa kanya saka nagsalita,"I'm sorry Ryan pero si Zach talaga ang gusto ko."


At doon nga nagsimula ang sigalot sa pagitan namin ni Ryan. Gusto ko rin naman kasi si Mika kaya kinuha ko na ang pagkakataong yon at niligawan ko siya and I know na walang makakatibag sa'min.


Napailing ako sa salamin. Kawawa nga talaga itong pinsan ko. Tch. Wala eh. Tinalo ko ang bro code pero okay lang, si Mika naman yon. At isa pa, si Mika naman ang namili at pinili niya ako.


Kawawang Ryan.


Hanggang sa hapag-kainan ay damang-dama ang coldness namin ni Kuya Ryan sa isa't-isa. Hindi na nga siguro maaayos ito at ang pangit pa pakinggan na dahil sa isang babae lang to. Parang mababaw na rason.


Hindi na rin naman nagrereklamo ang mga kasama namin dito sa bahay, siguro kasi nasanay na sila o baka wala lang talaga silang mga pakialam.


Pagkatapos naming kumain ay nakita ko si Ryan na dumiretso sa balcony pero may nahulog siya kaya dinampot ko yon saka binasa.


Target list:

1. Hailey Shanelle T. Castillo


Anong ginagawa ni Hailey sa list na to?

Story of UsWhere stories live. Discover now