Chapter 34: Paano si Mika?

33 1 0
                                    

Hanggang ngayon ay di ako makaget-over sa sinabi ni Zach. Kahit yung mga librong pinapadala ng kung sinong anonymous ay hindi ko na napagtutuunan ng pansin dahil doon.


I was caught off-guard by his words. And hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko ma-gets.


May gusto siya sa'kin? Mahal niya ako? That damn words are so surreal! Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan o dapat bang baliwalain kaso pag binalewala ko yon, masasaktan ako...dahil syempre, umaasa akong totoo ang mga sinabi niya.


Pero paano si Mika? Paano kung gusto ko rin si Zach? Paano yon? Hindi ba mag-M.U kami kung ganon? But having a relationship with someone committed is a mortal sin...


Pero di naman kami! Pero kahit na! Pag gusto ng dalawang tao ang isa't-isa, it's mutual. Mabuti sana kung wala siyang girlfriend kaso meron naman.


"Hoy Hailey! Bakit ba tulala ka dyan? Ngayon ka na nga lang sumama eh."


Napalingon ako kay Rica na umiindayog kasabay ng tunog sa bar (eto yung bar na pinuntahan namin ni Dianne noon). Kasabay ng pagsayaw ni Rica ay ang pagtaas-baba ng ruffles sa damit niya. Kasama niya si Dianne doon na nage-enjoy habang kami ni Irene ay nandito at umiinom ng cocktail habang pinapanood silang dalawa.


"Bakit ka nandito Hails?" Biglang nagsalita si Irene,"Nakakapanibago. Nasanay kasi akong ako lang ang mag-isa dito at tatlo kayong nagsasayaw sa dance floor."


Mariin niya akong tinitigan.


"May nangyari ba noong nagko-community service kayo at pinatigil ni Ryan iyon? It's weird." Tinaasan niya ako ng kilay,"Mind to tell me what happened?"


Hindi ako makatingin ng diretso kay Irene. Ni magsalita, hindi ko magawa. Pano ko nga ba sasabihin sa kaibigan ko ang isang bagay na kahit sa sarili ko ay hindi ko lubusang matanggap?


"Ano?"


"Sorry Irene ha? Pero may mga bagay siguro na kailangangang ako muna ang makaalam. M-Masyadong intense eh. Masyadong...surreal."


Surreal in a way because how can someone love another if he's in a relationship? How can he love someone that only loves him from afar and never made a move? How can he betray his partner by loving someone else?


How can Zach say that he loves me when he's currently in a ralationship with Mika?


Napatingin ako kay Irene na nakatitig sa'kin. Akala ko ay magtatampo siya ngunit ngumiti pa ito,"Madami ka ng nalalaman Hails. I'm proud though...pero kung kailangan mo ng tulong o masasandalan, nandito lang kami ah?"


Tumango na lang ako. Sa aming apat kasi, ako lang talaga ang walang lovelife kaya ako ang sa tingin ko na pinaka-fragile at pinakabobo pagdating sa pag-ibig and I guess it's right. It's really right, proven and tested pa nga.


But I swear to change that perspective starting today.


***

Takot na takot ako habang naglalakad patungong storage room ng school namin. Anak ng tokwang tinola naman kasi! Bakit ba ako ang nautusan dito?


"Castillo, pakikuha mo itong mga gamit na to ah? Tapos ibigay mo na lang kay Manong." Nginitian ako ni ma'am sabay abot ng isang papel,"Salamat."


Syempre no choice ako kundi sundin yon! Mabait kaya akong estudyante. Kaso sobra naman kasing nakakatakot ang daan papunta ng storage room. Malamig at madilim, samahan pa ng mga tsismis na may multo daw na pagala-gala dito.


Story of UsWhere stories live. Discover now