"Wow! Si Matthew! Shocks!"
"Waaaah! Tumingin siya sa'kin! Handa na akong mamatay!"
"Nginitian niya ko! My God!"
Ilan lang yan sa mga litanyang maririnig mo sa mga tao dito sa university sa tuwing papasok si Matt. Magmula kasi nung lumipat siya dito, ganyan na ka-wild ang mga tao.
Pero di ko rin naman sila masisisi kung bakit ganyan sila ka-wild, guwapo naman kasi talaga itong kababata ko. In the first place naman, hindi siya titilian ng ganon kung hindi siya guwapo.
"Oh my God Hailey! Kababata mo siya?!" Napairap ako dahil sa sigaw ni Rica. Diretso tainga kasi.
"Oo nga. Paulit-ulit?" Mataray kong sagot. Agad naman siyang nag-pout.
"Eto naman! Tinatanong ko lang!"
"Pwede namang hindi isigaw di'ba?" Tinaas ko lalo ang kilay ko kaya naman natahimik si Rica. Ako naman, eto, nakokonsensya.
Nakakakonsensya naman kasi talaga! Sigawan ko ba naman ang isa sa mga greatest friends ko? Hayst Hailey, tanga-tanga. Paano ka magso-sorry ngayon? So childish!
"Uhh Rica..." Medyo awkward ang tono ko kay Rica. Marahan naman siyang lumingon sa'kin.
"Ano?"
"Uhmm, ano kasi..." Nakataas lang ang kilay niya kaya nilunok ko na ang aking pride at dire-diretsong nagsalita,"Sorry..."
Tch Hailey! Ang lame! Argh! Paano ba dapat mag-sorry? Tch. Hindi naman kasi ako pala-sorry na tao! And now I hate na ganoon ako! Ang taas kasi ng pride ko kaya hirap na hirap ako sa mga ganitong bagay.
And damn! Hindi sumasagot si Rica! No response! Tinitigan niya lang ako! Tsk. Ayoko na talaga maging ganito!
"Hayst. Sorry na...ui..." Nakanguso ako. Feeling ko kasi unti-unti ng bumababa ang pride ko.
Swear! Hindi talaga ako sanay mag-sorry!
"Okay." Ngumiti si Rica kaso nga lang ay hindi ko alam if that's genuine or not. Kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano? Okay lang? How would I know if that's genuine or not?"
Tumawa si Rica,"Hay nako! Malditang childish! Bakit nga ba hindi ka namin natitiis? Lika nga!"
Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya. Phew. Masarap din pala sa pakiramdam yung nakapag-sorry ka at nag-apology. Nakakagaan ng loob.
"So ano? Ipapakilala mo na ba ako kay Mathew?"
"Oo na!"
Pagka-break ay mabilis kaming lumabas ni Rica at pinuntahan si Matt sa room nila. Kinakabahan pa ako habang papunta doon, naman kasi, napasubo pa ako!
"Okay, class dismiss." Sakto lang pala ang dating namin dahil kaka-dismiss lang kila Matt. Nag-greet ako doon sa teacher nila paglabas as a sign of respect syempre.
"Sila Castillo at Cayabyab! Sh*t!" Sigaw ng isang lalaking nakaupo sa bandang likuran. Napataas tuloy ako ng kilay. Anong meron?
"OMG Hailey!" Napanganga naman yung isang babae sa harapan namin ni Rica,"Shocks. Rica Cayabyab."
Naguluhan kami ni Rica. Anong meron? We've never been in this part of school since nung pumasok kami dito kaya naman medyo nakakagulat ang mga reaksyon nila sa'min.
Are we banned or something? Or baka sh*t! Kagagawan ba ito ng presidente namin?! Is this because of that crying Janelle?
Na-awkward tuloy ako nang may lumabas sa room nila Matt. Doon ka pa lang kasi pwedeng makipag-usap. Hindi kasi pwede yung nasa labas ka tapos makikipag-usap ka sa taong nasa loob ng room.
"A-ate, si Matthew po?" Mautal-utal kong tanong sa nakasalubong kong nakasalamin. Siya lang kasi yung nakita kong hindi kami masyadong pinapansin ni Rica. Halos lahat kasi ng tao nakatingin sa'min ngayon.
"Uhmm, nasa loob pa." She smiled so I smiled back at tinanguan siya. Hinila ko na si Rica para mag-abang sa pintuan at doon ko pa lang nakita si Matt na mukhang may kinkopya pang notes galing sa cartolina.
"Kyaaaa! Ang guwapo niya talaga!" Ipit ang boses ni Rica. Siguro ayaw ipangalandakan dahil bukod sa maririnig ni Matt ay baka maasar pa ako sa kanya at hindi na siya ipakilala sa kababata ko.
Hindi naman nagtagal ay napatingin din dito si Matt at nang makita kami ay tumayo na para pumunta dito. Si Rica naman ay automatikong naging alupihang inaasinan sa sobrang gaslaw.
"OMG! May lumalapit na demigod!" Inirapan ko na lang siya at pinabayaan. Idineretso ko ang tingin kayMatt na nakataas ang kilay.
"Anong meron?"
"May ipapakilala kasi ako sa'yo." I felt Rica stiffend while she's at my back,"Pero wait lang pala, may tanong ako."
Naramdaman ko ulit si Rica na parang batang naglilikot sa likuran ko. Siguro ay nagpapawi ng kilig at kaba? Phew. Ganyan ba talaga kapag nagkaka-crush? Hindi naman ako ganito kay Zach di'ba? Ah, siguro depende sa tao.
"Anong itatanong mo?"
"Uhmm..." Tumingkayad ako para bumulong kay Matt,"Bakit ganon makatingin ang mga kaklase mo sa'min ni Rica?"
Kuryoso akong tumingin sa kanya kaya naman napataas ang aking kilay nang tunawa siya. Mukha bang joke ang ibinulong ko sa kanya?
"Kasi elite ang tingin sa inyo dito. Sige, pati ako kasama. We are elites." Mayabang na paliwanag ni Matt. Nag-pout tuloy ako. Para kasing siya pa ang mas matagal na nag-aaral dito.
"Paanong elites?"
"Kasi students in lower sections tend to respect you. Us. Aside kasi na medyo may utak tayo...I'm not saying na wala sila noon but then beside of that, we have the looks. We are popular. We are well-respected. Lalo na at bawat galaw mo at natin, lumalabas sa bulletin board or school newspaper."
Napa-pout ako. How could I not know that? Officer ako pero ni hindi ko alam kung anong meron dito? These students are respecting us in our higher spots...and everyone's watching our moves!
"Ano ba iyan Hails? Popularity!"
Inirapan ko si Matt,"Oo na!"
"Ehem ehem." Ay oo nga pala, si Rica!
Ngumiti ako iminuwestra si Rica para makita ni Matt. Ngumiti naman itong si Matt at si Rica ay kinikilig na. Phew. Hindi pa nga sila magkakakilala!
"Rica, si Matt. Uhmm. Matt, si Rica...kaibigan ko." Pagpapakilala ko sa kanila. Mabilis na iniabot ni Matt ang kamay niya at shinake-hands naman yon ni Rica.
Nakangiti ko silang tinitigan. Halata naman kasing kinikilig na itong si Rica at si Matt naman ay na-a-awkward na. Sa palagay ko ay kailangan ko munang iwanan itong dalawang to.
"Punta muna ako doon ha?" Nagpaalam ako pero parang hindi ako narinig ni Rica dahil kinikilig. Si Matt naman ay nilingon ako at parang nagmamakaawa. Nginitian ko na lang siya at umalis na ako.
Isang pagsisimula na kaya ng magandang storya iyong nagawa ko?
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...