Chapter 14: Unrequited Love

20 1 0
                                    

February na! Buwan na ng mahaharot! Actually, Monday ngayon at nandito kami ni Irene sa tambayan. Nagulat nga ako at napaaga ata siya ng pasok. Ako kasi palaging nauuna dito.


Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa'kin. Hala? Anong nangyayari? May rebelasyon bang dapat kong malaman?


"Bakit? Anong meron?" Nanlaki ang mata ko nang may pumasok sa utak ko,"Oh my God! Wag mong sabihing nakapatay ka ng tao! Ohmy Irene! Bakit? Bakit mo nagawa?!"


Binatukan niya ako bago pa man ako nag-hysterical,"Baliw! S-si Mark kasi..."


"Oh? Ano namang meron sa kanya?"


Namumula si Irene nang tumingin siya sakin,"Nagtanong siya kung may chance ba daw..." Yumuko ito,"Kaso ano...kaso hindi ko masagot."


Paktay ka Mark. Si Irene kasi yung tipo na wala sa utak ang lovelife. Studies at anime lang sapat na.


"Pero ano? May chance nga ba?"


"Alam mo 'Lei, honestly speaking wala talaga. I mean, hindi ko naman sinasabing malabo na magustuhan ko siya, pero kahit na gaano ko pilitin na magkaroon...wala eh."


Tumango ako,"I understand 'Rin. Wag kang mag-alala, kakausapin ko na lang mamaya."


"Thank you 'Lei ah?" Tinanguan ko na lang siya dahil dumiretso na kami sa loob ng school. Hindi na namin inantay yung dalawang makupad.


Magkatabi kami ni Ryde ng upuan kaya ayun, panay kami kuwentuhan. Nakakatuwa din itong kasama eh. Maya-maya lang ay tumabi sa'min si Mark. Natahimik tuloy ako dahil naalala ko yung pinagsasabi ni Irene kanina.


Paano ko ba ipapaliwanag yon kay Mark?


Naglolokohan lang kaming tatlo pero hindi ako makatawa ng maayos. Naaawa kasi ako kay Mark dahil unrequited ang pagmamahal niya kay Irene, parang yung akin kay Zach.


Pagka-recess ay hinila ko si Mark palabas ng room. Delikado kasi sa room at baka may makarinig kaya balak kong dalhin si Mark sa may bakanteng building at doon na lang kakausapin.


"Anong meron?" Clueless niyang tanong. Ako naman ay napabuntong-hininga muna bago nagsalita.


"Uhmm, alam kong dapat hindi ako nangingialam. Alam ko dapat nakikinood lang ako sa love story niyo pero alam ko ring magkakasakitan lang kayong dalawa kapag kayo ang nag-usap....and knowing Irene? Pranka yon, baka diretsong tumama yung palaso diyan sa dibdib mo."


"Nasaksak na naman talaga ako nung pana eh...yung panang galing kay Kupido. Ang lalim nga eh." Itinuro niya yung dibdib niya saka ngumisi,"Nagegets ko Hailey. Wag kang mag-alala."


"Gusto kasi niya sana...uhmm, friends lang."


"Alam ko pero di'ba...kung ikaw tatanungin ko, may tsansa bang magustuhan niya ako?"


"I dunno. Ask her, para malaman mo. Ito lang naman yung role ko sa love story niyo, the rest is up to the two of you." Pagkasabi ko nun ay umalis ako ng nakangiti. Bravo Hailey, you did a good job!


Sa paglalakad ko ay nabunggo ko si Rona na may kausap na babae. Oh sh*t! Iyon yung sinabunutan ko!


"Oh. Andito ka pala." Pa-cool kong sabi kahit deep inside ay kinakabahan na ako dahil anytime ay maga-guidance ako. At ayoko nun!


"Oo, andito nga kami at balita ko, sinabunutan mo daw itong si Janelle. Seriously Ms. Castillo?"


Vice President si Rona ng school at ako naman ang secretary at under pa rin ako sa kanya. Bullsh*t talaga. Baka ipahamak ako nito at isumbong sa presidente naming si Ryan. Tch. Bakit ko nga ba sinabunutan ang Janelle na yan?


"Why not ask her?" Taas-kilay kong tanong sa kanila. Ang arte naman nitong Janelle, may paiyak-iyak pang nalalaman.


"Pinaalam ko na kay Ryan. Anytime ay baka ipatawag ka." Ngumisi si Rona,"Ayaw mo nun? Mabibigyan ka ng punishment ng disoras!"


Inirapan ko na lang siya saka umalis. Just dammit! Terror president si Ryan. Gwapo, chinito tapos may salamin lagi. Argh! Pag talaga ako hindi nagkaroon ng magandang record sa school ngayong taon, humanda sa'kin yang Rona na yan.


Nakalipas ang dalawang araw pero wala naman. Hindi naman ako pinatawag ng presidente namin. Buti na nga lang.


Ngayon naman ay may program, yung mga nag-cosplay at kasali si Dianne at Cerlyn. Ang ganda ni Dianne sa suot niyang angel na costume (na hindi ko alam kung saang anime galing) at si Cerlyn ay nakadamit bilang Miku, yung sa Vocaloid.


Napapa-buntong hininga na lang kami ni Rica dahil naging dakilang photographer kami nung dalawa at syempre hindi namin pinalagpas ang pagkakataong mag-picture na apat, aba, goals kaya yon!


Sinuot ko yung pakpak ni Dianne at nag-picture. Nagulat na lang ako nang binulungan ako ni Zach sa tainga. Nakakakiliti pa nga.


"Hindi mo naman kailangan ng pakpak para magmukhang anghel Hailey kasi ikaw na yon. At alam iyon ng lahat. Iyon ang pinagkaiba mo."


Kinulit ako nila Dianne na sabihin sa kanila kung anong sinabi ni Zach pero syempre, hindi ko sinabi. Para saan pa ba kung sasabihin ko sa kanila? Eh kahit ako nga hindi na-gets kung anong ibig sabihin ng lalaking yon.


Saka aasa na naman ako lalo na't ginagatungan nila ng kung ano-anong salita yung sinasabi ko tungkol kay Zach. Katulad na lang nung nagkwento ako sa kanila once.


"Guys alam niyo ba...si Zach eh...kanina pa nagpapapansin." Naka-pout kong sabi.


Humagikgik si Rica at Dianne habang si Irene ay ngumisi,"Alam mo 'Lei, may alam akong ganyang kwento tulad ng sa inyo. Yung girl nagkagusto sa boy na may girlfriend na and then sa hindi inaasahan, magkakagusto rin yung boy doon sa girl."


Nalunok ko ang laway ko. Paano kung ganoon ang mangyari? Hindi ba sulutera ang dating ko? May girlfriend kasi siya. Hayst. Siguro nga mas maayos kung titigilan ko na ito.


"Woi. Ano namang iniisip mo?" Tumabi si Ryde sa'kin at ngumisi ako. Nasa corridor kami nakatambay ngayon.


"Ano nga?"


Napabuntong-hininga ako,"Hindi ko na alam Ryde. Ang hirap magkagusto sa may girlfriend na. Nagiging sulutera ako lalo na pag nai-imagine ko na magiging kami and I don't like it...ayokong mag-isip ng ganon. Kaya lang...hindi ko mapigilan. At hindi ko alam kung paano pipigilan kasi...masakit eh."


Tumahimik si Ryde at suminghap muna bago sumagot,"Alam mo Hails, obserbahan mo yung lalaki. Tingnan mo kung ano ka talaga para sa kanya. Kasi sarili mo lang ang pinapahirapan mo kakaisip. Na-iistress ka lang Hails."


"Salamat Ryde. Thank you ah?"


"Salamat na nga, thank you pa?" Napangiti ako sa sinabi ni Ryde at napa-aww nang pisilin nito ang pisngi ko,"Ang cute moooo! Pero sigurado akong malalagpasan mo rin kung ano mang nasa utak mo ngayon...kaso parang hindi ka maaalis sa utak ko."


"Ano yun Ryde?" Hindi ko kasi narinig yung huli niyang sinabi.


"Wala Hails. Tara pasok na."

Story of UsWhere stories live. Discover now