Isang oras ko na atang pinag-iisipan yung connection ni Zach sa kung sinong book sender na iyon. Parehas kasi yung writing at yung klase ng sticky note na ginamit.
Mas lalo lang talagang lumalakas yung kutob ko na they're one.
Pero how come? That mysterious book sender started giving me books last October! At that time, Zach is serious about Mika. There's no way in hell that he'll mind my wishes that time!
Kinuha ko yung isang libro sa nightstand at ipinag-compare yung mga sticky notes na ginamit. Yes, the sticky notes can be coincidentally identical pero hindi ang writing ng tao!
Kung magkaibang tao sila, dapat mayroong kahit katiting na diperensya ang mga sulat-kamay pero wala! Ilang minuto ko na ata ito tinititigan pero wala talaga akong makitang pagkakaiba.
They're just the same. Identical as carbon copies intend to be.
[Ano Kams? Ang tagal ah!]
Natauhan ako nang sumigaw si Dianne over the phone. Naka-loudspeaker pa naman siya. Tinawagan ko kasi may itatanong ako.
"Ay sorry!" Nagpa-panic kong sigaw,"May ginagawa ka ba?"
[Wala naman. Nacu-curious din kasi ako sa itatanong mo.]
"Ayun nga..." I lowered my voice. Masyadong weird kasi yung tanong ko,"Uhmm, gaano kataas yung posibilidad na may isa kang taong kaparehas ng writing sa isang city?"
There was a long pause before Dianne answered. Pinag-isipan din ata ni Dianne yung tungkol sa itinanong ko.
Kaisip-isip din naman kasi di'ba?
[Actually Kams, hindi ko alam.] I can imagine Dianne frowning while playing on something.
[Kasi ang daming variances nung reasons para sa situation. Pwede silang maging magkaparehas ng sulat kung ginaya ng isa yung sulat ng isa---]
"Pero imposible naman silang maging magkakilala eh..."
[Eh ayun naman pala eh. Kams, imposible. Kahit medyo magkaparehas yung sulat, makikitaan mo yan ng kahit katiting na diperensya... But there are some instances that two people have exactly the same handwriting...]
Napanguso ako,"Oo nga. Yun din yung iniisip ko... Pero parehas yung klase ng pinagsulatan nilang papel eh."
[Then it must really be the same person---?] Napatigil si Dianne sa pagsasalita nang may mukhang napagtanto.
[OMG Kams! Don't tell me na it's about your book sender? Sino yung kaparehas ng sulat? A guy? Oh, of course it's a guy. Pero sino? A friend? Kaklase ba natin? Taga-school? Guwapo ba?]
Nasapo ko na lang ang noo dahil sa pagka-excited ni Dianne. Nakakaloka 'tong babaeng 'to. Andaming tanong. Di ako magtataka pag naging HR 'to.
"Kams easy..." I laughed,"It's not like kilala ko na siya... I'm just thinking of the possibilities."
[Oh. Eh sino nga?]
Matamis ang ngiti ko bago sinagot si Dianne,"Si Zach..."
Natawa ako ng isang malakas na tili ang sagot ni Dianne. Kinikilig ata. Maya-maya'y nagsalita rin siya.
[Ay Kams, ite-text ko lang si Migs ah. Maga-alas otso na tapos wala pa ring text eh. Baka mamaya nag-bar yun.]
"Ay sige, tapusin ko lang muna itong mga files ng Council for this year."
Oo, ang dami rin kasing files ng Council. As a secretary, halos lahat ng gawain ko ay puro taking down ng meetings and such. Nakakalahati pa iyon dahil madalas, inaako ni Ryan ang responsibilidad. But these files over here, hindi na kayang akuin pa ni Ryan dahil mas maraming files ang nasa kanya.
Mahirap din talaga mag-secretary. Kailangan organized lagi. And time-management is one of the skills a person must yield. Hindi uso ang 'maya na' habit!
I indulged myself in those files at hindi muna inintindi ang paligid. I need to focus. I need to think...
Bubuksan ko na sana ang ikatlong folder ng accomplished projects ng Council nang maalala ko si Zach. I was caught in the memory of our date hours ago when I remembered something that he told me.
I sweetly smiled and looked at the bracelet,"Thank you so much."
"Alis na ko ah? I'll text you when I get home."
Tumango ako,"Ingat ka."
I'll text you when I get home.
Mabilis kong kinuha ang cellphone kong nasa kama at chineck kung may text si Zach. Napasimangot ako dahil wala akong nakita, siguro nagloloko lang ang network ko so I opened my messenger. Baka kahit papaano eh online siya, that can comfort my growing panic.
Nangunot na ang noo ko nang nakita kong naka active 17 hours ago siya. Ibig sabihin eh hindi pa siya nag-o-online since kanina?
Gosh. Nakalimutan lang ba niya akong itext or nasa gimmick siya kasama sila Migs?
Ite-text ko na sana si Dianne when a chathead popped on my phone. Si Ryan. I quickly opened his message dahil baka related sa documents na nasa akin... and tatanungin ko rin siya if Zach got home safely.
But the content of his message sent a chill in my body as soon as I read it. Binasa ko pa iyon ng paulit-ulit para lang makasiguradong hindi ako namamalikmata.
Nang nasiguro kong hindi ako namamalikmata ay gumawa kaagad ako ng mensahe para sa sinabi ni Ryan. Just God... What is happening? Sobrang panic, self-frustration at guilt yung nararamdaman ko.
Maya-maya'y nagreply si Ryan:
Don't worry Hailey. I got everything under control. Okay na siya, bisitahin mo na lang bukas.
I heaved a sigh pero hindi pa rin ako kumakalma. I'm worried as hell. Hindi ko ata kakayanin kung may mangyayaring masama kay Zach.
Pero may nangyari ngang masama. Tsk.
Zach was caught in a hit-and-run incident earlier. Patawid daw siya when a car hastily drove into him. Hindi agad siya nakaiwas kaya nabangga siya nung sasakyan.
Unfortunately though, the driver left. Siguro nag-panic, akala niya ipapademanda siya ni Zach. Well, gustong-gusto ko siyang ipahanap ngayon sa authority and file an argument.
Napanguso ako nang masulyapan ang mga files na ginagawa ko pa. Kailangan tapusin ko na yon, kailangan bisitahin ko si Zach sa ospital. I'll just ask Ryan about it.
Yung katamaran na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala nang maisip kong kailangan ko ito tapusin para mabisita si Zach bukas.
Maybe this is really love. I'm really in love.
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...