Naghihinagpis pa rin ako dahil sa pagkawala ng wish list ko. Kasi naman! Nandoon kaya yung mga wish ko tapos mawawala lang? Nakakaiyak.
Paano kung ang ibig sabihin ng pagkawala nun ay ang hindi pagkatupad ng mga wish na nakasulat doon?
Birthday ko na sa isang araw pero nawawala pa rin yon! Tapos sinagot na rin ni Mika si Zach. Hayst. Wala na nga talaga akong chance. Tss. Minsan na nga lang magkaka-crush tapos unrequited pa?
Masaya naman ako kahit papaano. Malapit na rin kasi ang Christmas Party at Christmas Ball, actually sabay nga nung birthday ko.
December 17 ngayon at nakatanggap ako ng dalawang libro. Ewan, palaging may nagpapadala sa'kin ng libro sa room simula pa early November. Hindi ko nga alam kung sino eh.
"Castillo! May libro mo dito oh!" Napataas ang kilay ko nang narinig yon. Anong libro?
Pagpunta ko doon ay iniabot niya sa'kin ang libro. Pagkabasa ko ng title ay napakunot ang noo ko. Wala naman kasi akong libro ng 'Metal'. Gusto ko nga yon eh kaso hindi ko naman mahanap sa bookstore.
"Hindi akin to." Binalik ko kay Maya yung libro. Kahit na gusto kong kunin yon, hindi naman pwede kasi hindi sa'kin.
"Kahit? Kahit nakalagay ang pangalan mo dito?" Itinuro niya yung tag na nakadikit sa may gilid,"Oh. Hindi ba Hailey Shanelle Aquino ang basa niyan?"
This is the property of Hailey Shanelle Aquino
Lalo lamang kumunot ang noo ko. Paano naging akin to? Eh hindi nga ko nakakapamili sa bookstore ngayon.
Nasundan pa ang pangyayaring yon kinabukasan. Bulyaw ng bulyaw si Maya sa'kin dahil kung saan-saan ko daw ikinakalat ang libro ko gayong nahihirapan siya maglinis.
"Hindi nga kasi sa'kin yan."
"Tsk! Hindi sa'yo pero may pangalan mo?" Ipinakita niya na naman sa'kin ang tag sa gilid ng libro na may pangalan ko kaya kinuha ko na lang yung libro sa kanya at nagpasalamat.
At nagtuloy-tuloy ang ganon. Palaging may libro ako sa may pintuan o sa corridor. Minsan naiinis ako pero madalas mas natutuwa pa ako lalo na't yung mga genre ng libro eh yung mga gusto ko ring genre.
Kaso...sino kaya yung nagbibigay sa'kin ng libro?
Pagkarating ng birthday ko slash Christmas Party, nagkasabay kami ni Zach sa tricycle. Hirap na hirap pa nga akong sumakay dahil naka-palda ako at kailangan ng poise. Inalalayan pa tuloy ako ni Zach pasakay.
"Bagay sa'yo." Bulong sa'kin ni Zach kaya hindi ko mapigilang mapangiti habang nagte-thank you sa compliment niya.
Naka-polo siya na checkered at naka-clean cut ang buhok. Napaka-swerte naman masyado ni Mika sa boyfriend niya. Napakaguwapo.
Inalalayan din ako ni Zach pababa ng tricycle kaya naman inasar kami nila Dianne. Napairap pa ako dahil may girlfriend na nga itong si Zach eh baka magselos sa'kin si Mika.
Oooh. Girlfriend Hailey. Girlfriend. Ouch.
Humingi na lang tuloy ako ng paumanhin kay Zach saka hinila sila Dianne na humahagikgik sa likuran ko. Para talagang mga timang tong mga to!
Pagkadating namin sa room ay agad akong binati nitong tatlo. Tig-dadalawa sila kasi yung isa pang-Christmas tapos yung isa pang-birthday ko. Nakaka-touch.
YOU ARE READING
Story of Us
Narrativa generaleI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...