May mga panahong kailangan nating maghintay. May mga panahong kailangan magtiis. At may mga panahong kailangang tumunganga at tumingin sa malayo.
Tulad ngayon, kailangan kong tumunganga at tumingin sa malayo. Sobrang dami kasing bumabagabag sa utak ko ngayon. Ang daming panggulo. Nakakainis.
Una, si Zach. Naguguluhan ako. Kasi! Nilalandi lang ba niya ako? His texts are really...really ugh! Ewan! Bakit nga ba kasi magkaka-crush na lang ako eh doon pa sa taken?! And why did I even give my number to him?
Darn me.
Pangalawa, kakatapos lang ng Essay Writing at dahil nga nagugulumihan ako. Ni hindi ko alam kung maayos ang naisulat ko at kung papasa na ba yon para manalo. And I really like to win! Nakakahiya naman kung hindi.
At pangatlo, yung surprise para kay Dianne. Hindi ko talaga alam kung paano isu-surprise ang isang yon! Ayaw ko kasi ng common, gusto ko kakaiba.
And my head is rocking! It's throbbing like hell because of those things!
"Kyaaa!" Napatili ako dahil may sumundot sa tagiliran ko. Inis akong humarap at pinalo si Ryde, isa sa mga ka-close ko sa room.
"Bat ba ang aga mo?" Asik ko sa kanya. Tama ba kasing gulatin ako?!
Nag-pout siya,"Tss. Grabe ka talaga Hailey. Naggala kasi ako kanina eh hindi na ko pwedeng bumalik sa bahay kaya dumiretso na lang ako dito." Binatukan ko siya,"Ano ba Hailey! Masakit!"
"Tsk. Tumakas ka na naman."
"Nag-DOTA kasi kami eh. Ayun, nanalo naman kami sa pustahan." Nilabas niya yung notebook niya sa English,"Nga pala Hailey, pano 'to?"
Napailing na lang ako nang tinuruan ko siya. Baliw talaga tong lalaking to. Puro DOTA, wala pa palang assignment. Pagkatapos kong gawin ang assignment niya ay nagkuwentuhan kami. Tinanong ko rin siya kung anong maganda pang-surprise kay Dianne.
"Ipis na lang o daga." Tumawa siya,"Hindi, joke lang Hails. Alam mo kasi, sarili mo dapat ang tinatanong mo. Bestfriend ka ni Dianne, mas kilala mo siya. Pero syempre, dapat yung surprise niyo ay kaya niyo ring gawin. Hindi puro drawing."
Napaisip ako sa sinabi ni Ryde at napapalakpak nang nagets ko na ang ibig niyang sabihin. Nginitian ko siya.
"Tumpak Ryde! Ang galing mo talaga! Thank you!" Inapiran ko siya habang tuwang-tuwa sa naisip kong surprise kay Dianne.
Masyado akong na-preoccupied kaya naman biglang kumabog ang puso ko nang pinisil ni Ryde ang pisngi ko.
"Ang cute mo talaga!!"
Nag-pout ako dahil doon pero tinapik-tapik niya lang ang ulo ko saka umalis. Weird. Ah! Basta pagpaplanuhan ko na ang surprise namin para kay Dianne!
***
Ito na nga talaga! Birthday na ni Dianne!
Umagang-umaga ay magkakasama na kami nila Rica sa bahay nila Irene. Actually, overnight nga ang nangyari pero walang tulugan. Naghanda kasi kami. Kailanga kasi bongga yung party ni Dianne mamaya.
Sabay-sabay kaming pumasok at sinalubong kami ni Dianne na naka-pout.
"Ano? San kayo galing? Di niyo ko sinama." Nag-pout siya lalo,"Birthday ko pa naman."
Nilagpasan lang namin siyang tatlo at hindi inimikan. Talk to the air kumbaga. Hindi rin namin siya kinausap buong klase kahit na magkakatabi kami. Panigurado talaga akong iiyak si Dianne mamaya.
YOU ARE READING
Story of Us
Ficción GeneralI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...