Ryan's POV
Pagkatapos ng klase ay naglibot na agad ako sa school grounds. Ibinaba ko lang ang bag ko sa lounge at sinimulan na ang paglilibot. Nakagawian ko na ito mula nang nahalal ako bilang president ng Student Council.
Dati, kasama ko si Mika pag naglilibot. She's my companion everyday. Hindi naman nakakasawa iyon lalo na't makita ko lang siyang nakatingin sa'kin nang panahong iyon ay para na akong nanalo sa lotto.
Pero ngayon, hindi ko na alam kung anong nangyari. Ang dating paglilibot ko na kasama siya, ako na lang mag-isa ngayon.
Masakit, I mean, it'll always be painful. She's my first and great love. She's where I experienced the sparks and rainbows. She's my world.
Cheesy.
Napailing na lang ako habang naglalakad. Ano ba itong iniisip ko? Bakit si Mika na naman? Palagi na lang ba talagang siya ang stucked dito?
I'm intelligent, as they may say. Pero hindi ako na-inform na sobrang bagal din palang maka-gets ng hypothalamus ng tao. Also the neurons, they're too slow.
Actually, the brain is slow.
At kung likas na mabagal ang brain, siguro mas mabagal pa sa mabagal ang utak ko. It's been less than a year at eto pa rin ako, hindi maka-move on kay Mika.
Ilang beses ko nang pinaulit-ulit sa utak ko na wala na. Mika's already with Zach. They're happy, they're having a perfect fairy tale.
Isa pa rin yun... si Zach. He's already a brother to me. Ewan ko nga lang ba at talagang mapagbiro ang kapalaran, parehas pa kami ng babaeng minahal.
Mas swerte nga lang siya kasi siya ang pinili. Kahit pa nauna ako.
Gusto kong makalimutan si Mika. I need to divert my attention to another. Kaya naman buti at nakita ko si Hailey, I remember when I bumped into her, I immediately wrote her name sa target list na gawa-gawa ko lang.
That list is purely shammed. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yon basta I just start to list names in there.
Muntik na rin naman akong mahulog kay Hailey eh. Stories about her is really true, she can really deceive guys. She is a femme fatale in her own way.
Kaso, sobrang swerte ni Zach. Siya rin ang gusto ni Hailey.
Nagtataka na ako. Same ancestors kami ni Zach. What genes had he adapted? Bakit wala man lang ata akong genes na ganoon?
Or pwede ring baka busy ako sa pag-aaral ng nagpaulan ng kaswertehan. Baka sinalo ni Zach lahat.
Nagseselos ako kay Zach, like honestly speaking. Para kasing lahat na lang ng gusto ko ay napupunta sa kanya. It's like when I'll pursue a star, Zach always comes and divert that star to him.
Nakakaselos. Nakakainggit. Nakakainis.
It is jealousy that ripped my brotherly affection towards Zach. Naging kaaway ang tingin ko sa kanya. Isang karibal. Na-realize ko na kung hindi ako lalayo sa kanya, maaagaw niya lahat.
Those perspectives only appeared when that misery happened.
I was happy that night. Papasagutin ko si Mika and that'll be our first night as an official couple. Pinlano ko yun, every small detail. Lahat-lahat.
I made sure na that night will be the most perfect night for the both of us. Not knowing that an almost perfect night can change me.
Natatandaan ko pa nun, her smile is the most beautiful thing on Earth for me. Kaya lang na-realize ko nung gabing yon na hindi talaga para sa'kin ang ngiti niyang yon.
I still remember her words. Her words that stung the happiness in me and killed it.
"Mauna na ko Ryan. Sorry," Iyon agad ang sinabi niya nang tinanong ko siya kung pwede na ba kaming maging official.
At first, hindi ko pa maunawaan kung ano ang sinabi niya pero nang nakita ko ang pagkuha niya sa purse niya at tumalikod. Hinabol ko siya.
"Mika please... mahal na mahal kita," Lumuhod ako sa harap niya,"Please Mika, wag mo akong iwan."
"Ryan, hindi ko na kaya. Wag mo nang ituloy yung panliligaw mo kasi mapapaasa lang kita..." Tatalikod na sana siya ulit kaya lang hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. That time, sumingit na si Zach.
"Kuya, hayaan mo na si Mika. Baka talagang..." Nagtagpo ang mga tingin nila ni Mika na labis kong ipinagtaka pero hindi ko na pinansin pa,"Baka talagang hindi na niya kayang saktan ka. Baka...hindi ka talaga niya gusto."
Imbis na pagtuunan ng pansin ang sinabi ni Zach ay hindi ko inintindi yon at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Mika. For me, holding Mika is strength.
"Bakit? Mika bakit? Pumayag ka naman noong una di'ba? Ginawa ko lahat ng kondisyon mo! Pero bakit?" Napatingin ako kay Mika. Alam kong nangingilid na ang luha sa mata ko pero hinayaan ko lang. For me, what matters most is Mika... not my pride. It's Mika.
"Bakit hindi ka makasagot? May iba ba? Mika, may iba ka bang gusto?"
Nang tumahimik si Mika ay para akong nakampante. Pero ang pagka-kampante ni Mika... dahil ba sasabihin niyang mahal niya ako o dahil ba... may iba nga talaga?
"Meron."
Tila huminto ang ikot ng mundo ko. Nawalan na ako ng kontrol sa sarili ko at nag-hysterikal.
"Mika! Ano ba? Minahal kita! Mahal kita! Bakit may iba? Binigay ko na sa'yo ang lahat! Ginawa ko na ang lahat! Ano pa bang kulang? Mika!"
Isang iling lang ang itinumbas ni Mika saka nagsalita,"I'm sorry Ryan pero si Zach talaga ang gusto ko."
Pathetic. I'm pathetic. Nagmahal ako ng taong hindi ako mahal. So so pathetic.
Napatingin ako sa garden. Hindi ako pumupunta doon kapag rumoronda but then, I want relaxation. And alam kong ang garden lang ang makakapagbigay nun.
Habang naglalakad sa garden ay napahinto ako nang may narinig na boses. Boses na akala ko'y hindi ko na maririnig pa.
"Zach! Mahal na mahal kita Zach!"
Si Mika. Nag-aaway ba sila ni Zach? Patuloy lang akong naglakad at sinundan ang pinanggagalingan ng boses. Ang lakas ng mga sigaw ni Mika, hindi ko marinig kung anong meron.
"Zach!"
Sa tunog pa lang ng boses na yun ay napatakbo ako. Buti na nga lang at nakita ko sila. Hindi ko marinig kung ano ang sinasabi ni Zach, pero teka...bakit nandoon si Hailey?
At umiiyak si Mika?! Fvck! Yung damit ni Mika!
May sinabi ni Zach kay Mika sandali saka umalis. Hinila pa niya si Hailey na sobra atang concern kay Mika, hindi kasi nito inaalis ang tingin niya.
Pagkaalis nila ay mas lalong humagulgol si Mika. Napakuyom ako ng palad. Bakit pinapaiyak siya ni Zach ng ganito?
Hindi ko na kayang pakinggan ang mga iyak ni Mika kaya hindi na ako nagdalawang-isip para lapitan siya.
"Mika... maybe things have to be ripped apart for you to be happy..."

YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...