Zach's POV
Ang daming weird na kaganapan sa sarili ko ngayon. Nalilito na nga eh. Tulad nung ball, t*ngina, hindi ko alam kung bakit ko inaya si Hailey na makipag-picture sa'kin at kung bakit ko ginamit ang picture na yon bilang background ng keyboard ko sa phone.
Hindi ko rin alam kung bakit binibilhan ko siya ng mga libro. Para kasing may nagtutulak sakin na kumpletuhin yung 1001 books na isinulat niya sa wish list.
At hindi ko rin alam kung anong nakain ko para itext siya na i-confirm na crush niya ako! Pvta Zach! Ano bang iniisip mo?
Hay nako! Mababaliw na talaga ako! Hindi ba ay dapat na kay Mika lang ang buong atensyon ko? Pvta Zach, sinagot ka na nga nung babaeng pinapangarap mo tapos ngayon ka pa nagkakaganyan?
Napailing na lang ako sa harap ng salamin. Kailangan ko na nga talaga siyang iwasan. Nalilito lang ako ng dahil sa kanya.
At fvck! I don't even have to say her name! (Wow Zach, English yan!)
Pagpasok ko ng school ay napasimangot ako sa naabutan ko sa may tapat ng gate.
Si Hailey tapos may kasama siyang lalaki. Ang saya nila habang kumakain ng ice cream. Tsk. Bakit ang saya nila? Bakit ganoon ang mata niya sa harapan ng lalaking yan? Akala ko ba ay ako ang crush niya? O iyan talaga iyon at tsismis lang ang naririnig ko?
Pvta naman.
Pero teka, bakit nga ba ako naiinis?
Napailing na lang ako at pumasok sa loob ng school. Sinalubong ako ni Mika doon kaya nginitian ko siya. Sino ba naman kasing hindi mapapangiti kung isang anghel ang sasalubong sa'yo?
"Hi baby. Good morning." Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi. Namula naman siya kaya napatawa ako,"Ang ganda talaga ng Ms. Right ko."
"Bolero ka Mr. Right ah! Tara na nga!"
Pagkatapos kong ihatid si Mika sa room niya ay pumasok na rin ako sa room ko at nagklase. Pagkadating ng recess ay lumabas agad ako papuntang corridor.
Baka kasi...maabutan ko siya.
"Kams samahan mo ako!" Narinig ko ang boses ni Dianne. Napalingon ako at nakita si Dianne at Hailey. Tumango si Hailey kaya naman hinila na siya ni Dianne.
Hindi ko alam kung anong magnet ang mayroon siya dahil ang sarap niyang titigan. Nagbabasa kasi siya habang naglalakad. Damn, hindi ba siya natatakot mabunggo?
Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong nagpunta sila sa kinakapatid ni Dianne. Pansin kong OP si Hailey. Puntahan ko kaya?
Umiling ako dahil ang weirdo ng naisip ko. Tsk. Nakakailang iling na ba ko ngayong araw? Maya-maya lang ay nakita ko siyang naglalakad pabalik ng room nila at dadaan siya sa room naming kaya napangiti ako.
Fvck yeah, gusto kong magpapansin!
Kaya naman pagkadaan niya dito ay hinarangan ko siya at hinablot yung librong binabasa niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Sino nga ba ang hindi?
"Akin na nga yan!" Ang sama ng tingin niya pero bakit ang cute niya pa rin?
Napangiti ako at tinignan ang title ng binabasa niya. 'The One'? Wait, isa ito sa mga binili kong libro para sa kanya ah? Talagang na-appreciate niya nga iyon. Nakakatuwa naman.
"'The One' huh?" Pang-aasar ko sa kanya at sinamaan niya lalo ako ng tingin.
"Ano bang pake mo?" Pagkasabi niya nun ay kinuha niya agad mula sa kamay ko ang libro at umalis na. Samantalang ako ay napatulala lang. Ang taray niya eh.

YOU ARE READING
Story of Us
Fiction généraleI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...