Hailey's POV
"Ang FC niya kasi! Kung siguro ibang babae pa ako baka sinabi kong wala pero argh! Ang FC niya! Naiirita ako!"
Nagpaliwanag ako kaila Dianne. Hindi daw kasi tama yung ginawa ko kay Zach, ugh, Zach is his name right? Basta yun, rude daw ako. Saka hindi daw dapat ako nagsinungaling na may boyfriend ako kahit na wala talaga. Ewan ko nga rin kung bakit sinabi kong mayroon pero basta natarayan ko siya, sapat na yun.
"Nako kams, tinapik ka lang nung isang araw tapos nagkaganyan ka na?"
"Hindi naman kasi yun lang! Kanina, nakasabay ko siya sa tricycle and he's too nosy! Ang daldal niya! Ang daming sinasabi and I was like: Ano kuya? Close ba tayo?"
"Okay. We understand." Mahinahong sambit ni Irene.
"Oh! Maraming salamat Irene! Kaya mahal kita eh!" Sumandal ako sa braso ni Iren at nagtawanan kaming apat.
Ang fc-fc naman kasi ng lalaking yon! Tapos kometang nagdadasal? The heck is that nickname?! Ang ganda kaya ng pangalan ko!
Nag-start na ang klase kaya umupo kami sa kanya-kanya naming upuan. Kami na lang ni Rica ang magkausap dahil magkatabi kami. Magkasunod lang kasi kami ng surname, Castillo ako samantalang Cayabyab siya.
Maya-maya ay tumabi sakin yung kaklase kong magaling sa Math. Lumipat kasi si Rica ng puwesto, doon sa upuan ng crush niya na crush din siya. So ayun, naiwan ako.
Ang sad nga eh. Palagi na lang akong naiiwan.
Nagpatulong na lang ako kay Ervin kung paano i-compute yung mga problem sa board. Medyo mahirap kasi yung lesson ngayon. Puro Trial-and-Error at nakakalito yon.
Akalain mo yon, kailangan mo pang subukan ang lahat bago mo makita ang sagot. Parang sa love, kailangan mo munang maranasan ang lahat ng hirap bago mahanap si 'The One' at makita ang 'Happily Ever After' ng buhay mo.
Maya-maya ay may biglang humigit sa'kin kaya napatayo ako sa upuan. Umalis kasi yung teacher namin kaya nagkagulo na naman.
Ganun naman kasi talaga, pag may naalis, nagkakagulo. Tsk. Parang pag umalis yung pusa, nagkakagulo ang mga daga. Hayst. Mga mapagsamantala sa pagkakataon.
"Ano Ervin? Akala ko ba ang gusto mo ay si Salilas? Eh bat inaagaw mo si Castillo sakin? Ha? Sino ba talaga ang gusto mo?"
Bumalik lang ako sa Earth nang biglang kinuwelyuhan ni Alwyn si Ervin. Nanlaki ang mata ko at agad silang inawat. Nagsimula na rin kasing magkagulo ang mga kaklase ko at natatakot akong umabot to sa guidance. Damay ako for sure.
"Al tama na!" Sigaw ko sabay hila sa kanya. Nahila ko naman siya kaya naglayo sila ni Ervin.
Tinuro niya si Ervin,"Don't. Ever. Get. Near. To. My. Girl. Again."
Umalis si Alwyn kaya nag-sorry ako kay Ervin.
"Ervin sorry! Naku naku! Nasaktan ka ba niya?"
Umiling lang si Ervin at bumalik sa upuan niya. Tahimik na lang din akong naupo sa upuan ko nang tabihan ako ng tatlong diyosa (shh lang ha? Lalaki ulo ng mga to)
Hindi ko na sinundan si Alwyn dahil baka iba na naman ang isipin nun. Assuming kasi eh, di ko naman siya gusto. At mas lalong di ako paasa. Halos taguan ko na nga ang lalaking yan pero wala eh, iba ang ibig sabihin para sa kanya kaya umaasa siya.

YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...