"PVTANG*NA RYAN! SINABI KONG WAG MONG LALAPITAN SI HAILEY!"
Napatingin ako sa kung sinong sumigaw. Nakita ko si Zach sa may pintuan. Namumutla, maginginig, nagpupuyos sa galit. Teka, bakit siya nagagalit?
Tumingin ako kay Ryan at bakas rin sa mukha niya ang pagkagulat. Oh yes, sino nga ba ang hindi magugulat kung biglang may magmumura sa may pintuan?
"Z-Zach---"
Hindi na natapos ni Ryan ang pagbanggit sa pangalan ni Zach dahil sinuntok na siya nito. Kitang-kita ko ang pagtalsik ng dugo mula sa labi ni Ryan kaya hindi ko napigilan na sumigaw.
"Fvck Zach! Stop it! Stop!" Pagpipigil ko sa kanya pero nagpupumiglas pa rin ito. Napatingin ako kay Ryan na akma namang gaganti kay Zach.
Napapikit ako. They're cousins for God's sake. Hindi dapat sila nagkakaganito.
Siguro napaluwang ang pagkakakapit ko kay Zach kaya nakaalis siya at muling hinarap si Ryan. Sakto naman na sinuntok siya ni Ryan kaya ginantihan niya iyon.
Fvck. Anong gagawin ko?
Muling nag-aamba ng suntok si Zach kaya niyakap ko siya mula sa likod. Hindi ko na alam pero nagsimula nang umagos ang luha ko sa likod niya. Siguro nadadala ako sa mga pangyayari. Siguro naaapektuhan ako sa pag-aaway ng dalawang to.
"Z-Zach...tama na." I told him between sobs. Tumigil naman si Zach nun at humarap sa'kin.
"Fvck. Hailey, u-umiiyak ka." Tumango ako,"S-sorry."
Sa mga sandaling yon, pakiramdam ko ay napipi na ako dahil hindi ako makapagsalita. Pinupunasan ni Zach ang mga umaagos na luha galing sa mata ko habang ako ay patuloy lang sa pag-iyak.
"Shh. Tahan na..." Mula sa pagkakaharap niya sa'kin ay nilingon niya si Ryan,"Ilalayo ko sa'yo si Hailey, Kuya. Anuman ang ibig sabihin ng list na yon, ilalayo ko pa rin siya sa'yo."
Kinuha ni Zach ang bag ko mula sa may sofa at hinatak na ako palabas ng lounge. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin basta ang alam ko lang, masaya ako ngayon na kasama ko si Zach...
Kahit pa may Mika na siya. At kahit pa alam kong nakaya niyang saktan ang pinsan niya para sa babaeng yon.
Tumigil kami sa may garden. Doon sa garden na una naming nilinisan. Inilapag niya sa isang bench ang bag ko at pinaupo ako. Tumabi siya sa'kin.
"Anong ginawa ni Ryan sa'yo?"
"Wala. Wala siyang ginawa sa'kin."
Tumingala lang siya at tumango. I wonder kung anong iniisip niya? Is it about Ryan? About Mika? Or about Mika and Ryan?
"Pvta Hailey. Kung sana kasi nagparaya na ako nung una, edi sana hindi ako natatakot ng ganito ngayon."
"N-Natatakot?"
Tumango siya,"Kung sana sinabi ko kay Mika na pag-aralan niyang mahalin si Kuya. Kung sana sinabi ko sa kanya na hindi ko siya gusto. Kung sana mas pinahalagahan ko ang samahan namin ni Kuya.
"Kaso hindi eh, kabaligtaran pa ang ginawa ko. Sinira ko ang 'bro code'. Kaya eto, natatakot ako na anytime ay pwedeng-pwede siyang maghiganti sa'kin..." Tumingin siya sa'kin,"...na pwede ka niyang gamitin laban sa'kin."
Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi dahil sobrang hina nito. Hindi ko na rin naman inusisa iyon. Alam ko kasing sobra-sobrang kalungkutan ang nararamdaman ni Zach dahil sa sigalot nila ni Ryan ngayon.
"Paanong maghihiganti?" Tinignan ko siya,"Hindi mo alam kung gaano kalungkot si Ryan kanina habang nagkukwento sa'kin kaya paanong maghihiganti? Zach, magpinsan kayo. Hindi dapat kayo nagkakaganito ng dahil lang sa isang babae. Zach, patawarin niyo na ang isa't-isa."
"Hailey kasi...hindi mo naman naiintindihan eh."
"Bakit? What do you mean na hindi ko naiintindihan? Zach! It's all clear! Si Mika ang puno't-dulo ng gulong ito!"
"Hindi naman si Mika eh. Wag mo siyang sisihin!"
Nangunot ang noo ko at tumayo,"Bakit hindi? That girl is blinding you for Pete's sake! Bakit hindi mo yon ma-realize?! Bakit pinagtatanggol mo pa rin siya? All this time ba, siya pa rin ang mabait para sa'yo when in fact, siya talaga tong sumira sa inyo ng pinsan mo?
"Kung kasi sana maayos siyang tao at pinag-isipan niya ng maayos lahat ng desisyon niya noon. Kung sana ay ipinagtapat niya ang nararamdaman niya sa'yo in a good way. Kung sana'y pinagbati niya kayo. Kaso hindi! Hindi niya ginawa! And now you're still protecting her?"
Bakas ang frustration at galit sa tono ng pananalita ko,"Fvck! Siya lang ang may kakayahang umayos sa gusot niyong tatlo nila Ryan pero hindi niya ginawa! Anong klaseng babae ba siya?!"
Lahat ng sinabi ko ay tila isang recorded piece dahil dire-diretso iyon. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng palad ni Zach pero wala na akong pakialam. Tutal naman ay nasimulan ko na, bakit hindi ko pa tatapusin?
"Ayan ba talaga ang gusto mo sa isang babae Zach? My God! Can you please wake up? Iyong babaeng mahal mo ang sumisira sa pamilya mo! Ganon ba talaga ang gusto mo?"
Pagkatapos kong magsalita ay tinignan ko siya dahil hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. Nakatitig lang din si Zach sa'kin, nakaka-intimidate yon. Para bang nag-aabang lang siya ng tiyempo para magsalita at salungatin ako.
"Ano Hailey? Tapos mo na bang laitin si Mika?" Bakas ang galit sa mga mata niya,"Wag mo siyang sisihin dito. Wala siyang kasalanan."
"Fvck Zach! Can't you see?! Nasa harapan mo na oh! Siya--si Mika ang punong dahilan ng pag-aaway niyo--"
"Oo, siya nga! Siya ang dahilan ng lahat ng to pero wala siyang kasalanan! Tahimik ang mundo namin ni Ryan kahit ganoon. Hindi kami nagsusuntukan dahil kay Mika!" Tinuro niya ako,"Ikaw Hailey! Ikaw ang dahilan kung bakit mas tumitindi ang galit ko kay Ryan. Ikaw at hindi si Mika!!"
Napatitig lang ako sa kanya. Nangingilid ang mga luha ko. Sinigawan ako ni Zach. Galit sa'kin ang taong gusto ko. Pvtang*na. Ako ba talaga ang may kasalanan?
Nagsimula nang tumulo ang luha ko at unti-unting nagiging blurry ang eyesight ko. Kita ko rin ang biglaang paghina at pagkalma ni Zach nang nakita ang mga mata ko. Hinawakan niya agad ang mukha ko at pinunasan ang luha galing sa mga mata ko.
"Shh. I-I'm sorry. Hi-Hindi ko sinasadya..."
Marahan lang ang pagsasalita niya para siguro mapakalma ako pero hindi eh, nasaktan na ako. Nasaktan ako sa mga binitiwan niyang salita. In short, naapakan ang pride at ego ko.
"No Zach. Tell me! Paanong ako?! Anong ginawa ko sa inyo ni Ryan? Anong ginawa ko para magkagulo kayo? Ano?!"
"Hailey...no...hindi ko sinasadyang sabihin yon." Hahawakan sana niya ulit ang kamay ko pero iniwas ko iyon.
"Hindi! Sabihin mo ngayon lahat! Sabihin mo kung bakit lumabas lahat ng salitang iyon sa bibig mo! Wag mong bawiin Zach! Gusto kong sabihin mo lahat!"
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko na alam. Unang beses ito na nasigawan ako. Unang beses rin na naramdaman kong wala na akong laban. Sa pinakaunang pagkakataon ay naramdaman kong may kahinaan din pala ako.
"Fine." Tinitigan niya ko,"Ikaw. Ikaw ang dahilan ng lahat. Natatakot kasi ako, natatakot na baka gawin din ni Ryan ang ginawa ko sa kanya. Natatakot akong gagawin ka niyang kabayaran dahil sa ginawa ko sa kanya. Natatakot ako."
Sa pagkakataong ito, tumigil ang pagtulo ng luha ko. Pakiramdam ko rin ay tumigil sa pag-ihip ang hangin. Kami lang. Ako at si Zach, wala ng iba.
"Natatakot akong maagaw ka niya kasi mahal na kita."
*******
(A/N: Sorry for the looooooong wait 😊✌)
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...