Chapter 10: Heartfail

16 1 0
                                    

3rd week na ng January at ganoon pa rin ang scenario namin ni Zach. Ang magkatext. Magkakasama kaming apat pero magkatext kami.


At ngayon, papasok na ko, actually hindi ko na alam. Ayoko na kasing maging crush pa si Zach. Ang hirap-hirap kasing magka-crush sa taong may girlfriend na! Feeling ko ay nagiging kontrabida lang ako sa love story nila!


Tulad kahapon, monthsary nila ni Mika tapos ako pa yung pinapili niya sa kulay ng Teddy bear na ibibigay niya. Pati nga kung anong uri ng flower, ako pa rin ang pumili.


"Hailey ano?" Taas-kilay niya akong tinignan kaya napa-pout ako. Seryoso ba siyang ako talaga ang tatanungin niya tungkol sa mga ganitong bagay?!


Eh kung sabihin ko kayang bigyan niya na lang ng ipis at uod si Mika?


"Eto oh, cute." Tinuro ko ang kulay pink na Teddy Bear na may hawak na puso. Wala eh, kahit gusto kong maging selfish, hindi ko magawa.


"Sige. Yan na lang ang kukunin ko."


Pagkabili niya nun ay dumiretso kami sa flower shop. Halos mabahing pa ko sa halo-halong amoy ng mga bulaklak. Hindi ko pa alam kung amoy ba talaga nila yon o may iniispray pa ang tindera.


Nagpahanda siya ng isang dosenang roses sa cashier. Teka, cashier nga ba ang tawag doon? Florist ba? Hindi ko alam eh.


"Eh bat kasama mo yung girlfriend mo? Akala ko surprise?" Rinig kong sabi nung cashier. Namula naman ako dahil ako lang naman tong kasama ni Zach.


And did she just say 'girlfriend'? Ohmy! How I wish!


"Ahh eh...h-hindi ho siya. Iba po yung girlfriend ko." Nauutal si Zach.


Humingi ng paumanhin yung babae sabay sabing,"Naku sayang naman. Bagay kasi kayo eh. Akala ko tuloy--haaay eto na oh."


Sh*t! Ano daw?! Anong sinabi nung babae? Pa-rewind!


"Naku sayang naman. Bagay kasi kayo eh. Akala ko tuloy--haaay eto na oh."


Akala niya ano? Akala niya kami ni Zach dahil ano? May chemistry kami? May sparks? Is that what she means? Omg. Bagay kami ni Zach! Ay teka, tao kami di'ba?


Pero kung wala lang talagang tao ay nag-gimme gimme na ko sa sobrang kilig. Sh*t talaga.


Umalis din naman kami sa Flower shop at napadaan sa bookstore. May bench doon at pinaupo ako ni Zach dahil baka daw pagod na ako. Hayst. Buti nga naisip niya yon.


Ako ba naman kasi ang gawing tagapili ng ireregalo niya sa girlfriend niya?! Buti sana kung para sa'kin yon kaso hindi naman.


"Dyan ka muna ah? Pasok muna ako sa loob." Saad ni Zach at pumasok kaagad sa loob. Hindi man lang hinintay ang pagtango ko tsk.


Napatingin ako sa mga librong naka-display at naalala yung kung sinomang nagbibigay ng libro sa room na may pangalan ko. Sino kaya yon? Huminto kasi eh. Baka mamaya na-bankrupt na pala yon dahil binibilhan ako ng libro. Kawawa naman.


Pero bakit naman kaya ako bibigyan ng libro ng someone na yon?


At etong si Zach, hindi ba niya ako bibilhan ng kahit isang libro man lang? Wala man lang bang pambawi sa'kin ang isang to? Tsk! Sinamahan na nga siya mamili sa panregalo sa dyowa niya eh!


"Hailey oh."


"What the--Zach! Bakit ba bigla-bigla kang nasulpot?" Napahawak ako sa dibdib ko,"May lahi ka bang mushroom?"


Story of UsWhere stories live. Discover now