Chapter 36: Happiness

24 2 0
                                    

Hailey's POV


1 month. Isang buwan. Yep, isang buwan na ang nakalipas simula nang nireject ko ang lalaking unang nagpatibok sa puso ko. Yung lalaking unang nagparamdam sa'kin nung tinatawag nilang 'something'. Yung lalaking nagngangalang Zach.


Pero kahit na isang buwan na ang nakalipas, hindi ko pa rin malimutan yung gabing nagtapat siya sa'kin at tinanggihan ko siya.


"Hindi ko alam Hailey. Hindi ko talaga alam. Pero handa akong makipaghiwalay sa kanya," Tinignan niya ako,"Yun ay kung sasabihin mo na may nararamdaman ka para sa'kin."


"Sorry Zach." Tinignan ko siya gamit ang cold expression na madalas ko lang gamitin,"Hindi kita gusto."


Sh*t. Why? Bakit kahit isang buwan na ang nakalipas ay pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat? Bakit sariwa pa rin ang nararamdaman kong sakit?


Marami rin naman ang nagbago. Si Matt at Rica, sila na. Hindi na M.U kaya ang saya-saya na naman ni Rica. Sila Irene at Mark, nasa ligawan stage pa rin. Buti nga at napagtiyatiyagaan ni Mark si Irene eh, at least malalaman talaga na sincere ang nararamdaman ni Mark para kay Irene.


Si Dianne naman, ayun, sila pa rin ni Migs. At ako? Ako yung may pinakatahimik na buhay. Wala eh, wala namang dumadating. Mag-ma-March na lang pero wala pa rin talaga.


Bukod doon sa 'kung sinong' nagpapadala ng libro sa'kin, wala na, as in wala talaga.


Pero hindi ko naman hinihiling na may magbago. Kung tutuusin, masaya naman ako. Masaya. Sobrang saya. Kasi wala akong iniintindi ngayon kaysa noong close pa ako masyado kay Zach, that's the time noong palagi akong conscious sa sarili ko.


Naisip ko tuloy kung tama yung desisyong ginawa ko noong sinabi sa'kin ni Zach ang nararamdaman niya. I mean, siguro kung tinanggap ko iyon at sinabi kong gusto ko rin siya, malamang ay kami na.


Kaso mali pa rin, maling-mali lalo na at mayroon siyang Mika.


"Kams bakit? Anong iniisip mo?"


Napalingon ako kay Dianne na kasalukuyang nakatitig sa'kin habang hawak-hawak yung cellphone niya. Napairap ako. Paniguradong katext na naman niya si Migs.


"Wala lang Kams. Yung dati kasi..." Napabuntong-hininga na lang ako,"Si Zach. Iniisip ko lang siya."


"Alin doon? Yung desisyon mo?"


Tumango ako kaya napailing si Dianne. Actually, kay Dianne ko lang nasabi ang lahat. Simula nung pagkasalo ni Zach sa'kin sa canteen hanggang sa pagsisinungaling ko ukol sa nararamdaman ko towards him.


Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko masabi kaila Rica at Irene. Siguro talagang mas komportable akong magdrama kay Dianne kaysa doon sa dalawa.


"Yung totoo Kams, kinausap ako ni Migs eh."


"Tsk. Palagi mo namang kausap yon kasi boyfriend mo yon."


"No, hindi yon. I mean, yung usap tungkol dyan..."


Nanlalaki ang mata ko ng tinignan ko siya. Ibig sabihin ba ay alam din ni Migs? Tsk. For sure naman ay nagdrama rin si Zach sa bestfriend niya.


"Nalilito daw si Zach sa inyo ni Mika. Litong-lito daw. Hindi nga niya alam kung sinong pipiliin niya eh."


"Hindi ko naman siya pinapapili."


Story of UsWhere stories live. Discover now