Chapter 28: Community Service

14 1 0
                                    

"What?! Community Service?!"


Napalingon ako sa pagmumukha ng tatlong diyosa na to. Naka-taas ang kilay ni Rica. Si Dianne naman naka-pout at si Irene...ugh...edi malamang her usual expression again.


STRAIGHT-FACED.


Malungkot akong tumango sa harapan nila kaya sabay-sabay silang napabuntong-hininga. Akala ko tatagal ang ganoong atmosphere pero hindi pala, bigla kasing tumili itong si Rica.


"Oh my God! Hailey!! Makakasama mo si Ryan! OMG Hailey! You won a life!" Niyugyog ako ni Rica,"Pwede ba akong sumama? Please Hailey plea---aray ko naman Irene! Bakit mo ako binatukan?"


"Eh malamang babatukan kita! Pag yan narinig ng ka-MU mo."


Lumingon sa'kin si Rica at nag-pout,"Hindi mo naman ako isusumbong sa kababata mo di'ba?"


Napailing na lang ako sa parang batang si Rica habang si Dianne ay tumawa. Si Irene naman ay umirap lang, tss, kahit kailan talaga to.


Oo, ka-MU na ni Rica si Matt. Nakakatuwa din yung dalawang yan. Dapat kasi nung nalaman ni Rica na may gusto rin sa kanya si Matt, mag-boyfriend-girlfriend na sila. Hindi naman kasi pakipot tong si Rica. Hindi rin pabebe. Basta ba nalaman niyang mutual sila ng taong gusto niya, automatic, sila na. Wala ng ligaw-ligaw.


Hindi ganon si Matt. Dapat daw 'take it slow'. Ayun tuloy, nauwi sila sa M.U.


"Atsaka yang M.U na yan, abangan niyo at magiging boyfriend ko yon!"


Napairap na lang kaming tatlo kay Rica dahil kung ano-ano nang sinasabi nito. Eh parang ang nangyayari nga, si Rica ang nanliligaw kay Matt para maging sila na.


"Basta ah? Hindi ako makakasabay sa inyo pauwi kasi...alam niyo na."


Malungkot na tumango si Dianne. Isa pa to na masaya eh, binalikan niya kasi si Migs.


Actually, hindi ko alam kung tamang desisyon yung pinili niya. Kasi para sa'kin, hindi na dapat binabalikan yung mga taong nanakit sa'yo. Para saan pa? Para saktan ka ulit? At kung sasaktan ka rin nila, bakit mo pa babalikan?


Pero iba si Dianne. Deserve din naman daw kasi ni Migs ng second chance at hindi naman daw niya yon ipagdadamot.


Ganoon din yung opinyon ni Mommy nang ikwento namin sa kanya. Parehas sila ni Dianne, ako lagi nagko-contradict. Kaya nga di na ako magtataka kung kapatid ko pala yang si Dianne, baka magpa-party pa ako pag nangyari yon.


Sana lang talaga maayos na yung lovelife ng bestfriend ko. Ayoko na siyang makitang umiyak. Kaya pag sinaktan pa siya ulit ni Migs, hahampasin ko na yon ng bakal.


"Bakit ka nga ulit magko-community service?"


"Kasi nga nakipag-away ako kay Rona. Tsk."


Nakakainis talaga. Gustong-gusto ko na takagang maabutan si Rona ngayon at masabunutan siya. Pero hindi bale, mas matindi naman daw ang kakaharaping parusa ni Rona kaysa sa'kin dahil mas mataas ang posisyon niya.


I think special project yon. I don't know? Basta mahirap at hindi basta-basta.


Si Zach naman, kaya siya magko-community service kasi nakita ni Ryan sa CCTV yung ginagawa nilang SPG ni Mika. Ang nakakapagtaka lang ay hindi sinama si Mika sa Community Service.


Hmmm? Ano kayang meron? Ang unfair naman. Kami magpapakahirap sa Community Service tapos si Mika hindi? Napakaganda naman ng pagtarato tsk. O baka magkakilala si Ryan at Mika kaya may special treatment?


"Tss. Bakit mo pa kasi pinatulan? Hindi ka tuloy makakasama ngayon. Nakakatampo na." Nag-pout si Rica kaya napangiti ako.


"Sorry na! Babawi na lang ako next time."


"Wews. Sawang-sawa na kong umasa Kams! Hindi mo ba alam na napakasakit umasa?"


Tinitigan ko siya,"Hoy Dianne ang mema mo. Sa pagkakaalam ko ay si Migs ang naghabol sa'yo, ang pag-asa mo doon?"


Nagtawanan na lang kami dahil sa sinabi ko at nagkuwentuhan tungkol sa kung ano-ano at kung sino-sino hanggang sa mai-topic ang lovelife ng pinaka-misteryoso kong kaibigan.


"Wala nga sabi, sinabi niyang gusto niya ako, oo." Namula si Irene,"Pero hindi pa niya alam na gusto ko rin siya."


Nagulat naman ako nang nakita si Mark na nakatayo sa likod ni Irene. Nakita rin yon nila Rica pero pinabayaan na lang namin at hinayaan si Irene na magsalita.


"Nakakakilig yung time na nagkapareho kami ng damit, hindi naman kasi namin napag-usapan yon. Wala lang...para kasing destiny."


"So sinasabi mo bang 'destined' tayo?"


Biglang sumingit si Mark sa usapan at agad na namula si Irene. Nakakatuwa ang mga reaksyon nila.


"Tss! Hindi naman! Alam kong coincidence lang yon! Co-in-ci-dence!"


Nagtawanan ulit kami dahil kay Irene, ito kasi yung pinaka-unpredictable sa'min. Minsan masaya, madalas seryoso.


Ang saya rin. Ang saya ng ganitong buhay na kahit wala kang lovelife ay may mga totoong kaibigan ka. Totoo yung quote na:


"Friends will make you realize that you can love life without a lovelife."


"Parang masyado naman tayong masaya?" Biglang singit ng isang pamilyar na boses. Nagtaka naman ako lalo na sa reaksyon nila Dianne.


=_=  -Irene


^.^  -Dianne


*♡o♡*  -Rica


Dahil sa reaksyon ni Rica ay napalingon ako sa likuran ko...at nakita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako magko-community service ngayon.


"Oh? Bakit ka nandito?"


"Malamang sinusundo ka." Titili na sana si Rica kaya lang naunahan siya ni Ryan magsalita,"Pupunta tayong headquarters. Kakausapin ko muna kayo ni Melendez."


"Oh, okay." Tumango ako sabay kuha ng bag,"O sige, bye guys! Ingat kayo!"


Di kl na sila nakitang tumango dahil hinila na agad ako nitong Ryan na to. Pvta talaga. Hindi ako aso para hilain!


"Ano ba! Wag mo nga kong hinihila!" Naiirita kong saad. Nilingon lang niya ako at nagtaas ng kilay. Wow, siya pa may ganang magtaas ng kilay?


"Ayaw mong hilain kita?" Long pause,"Edi hahawakan ko na lang ang kamay mo hanggang makarating tayo sa headquarters."


At isang ngisi ang pinakawalan niya sa'kin, napairap na lang ako.

Story of UsWhere stories live. Discover now