Chapter 31: Jealous

22 1 0
                                    

Zach's POV


Tahimik lang akong nagwawalis doon nang biglang nagsalita si Ryan. Napalingon ako sa direksyong iyon at nakita si Hailey na nakaupo sa damuhan habang sinisita siya ni Ryan.


"Castillo anong ginagawa mo?"


"Ano na naman?" Mataray na sambit ni Hailey. Napangiti ako, iba talaga tong babaeng to.


Kung akala ko ay hindi na magsasalita ulit si Ryan, nagkamali ako. May bala pa pala para isagot kay Hailey.


"Hindi porket babae ka at napagod ka na ay hihinto ka na lang dyan. This is your punishment Hailey. And hindi ka pinarusahan para magpahinga lang dyan."


"Eh ano--"


Kitang-kita ko ng dalawang mata ko ang pagtayo ni Hailey at ang pagtapak niya sa balat ng chichiria. Kitang-kita rin ng dalawang mata ko ang muntikang pagkahulog ni Hailey at ang pagkakasalo ni Ryan sa kanya.


Nag-slow motion ang paligid. Kahit ako naramdaman din yun.
Pero sa tingin ko ay mas naramdaman yon nila Hailey at Ryan.


"Pvta." Mahina akong napamura nang napagtanto ko kung gaano kalapit ang mukha nila sa isa't-isa.


Pvtang*na talaga. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang pagpula ng mukha ni Hailey at ang panginginig ni Ryan. Sh*t. Baka magka-developan sila. Hindi pwedeng mangyari yon.


Napailing na lang ako. Alam ko kasi kung gaano kaganda si Hailey lalo na kapag nakita mo yung mukha niya ng malapitan. Alam ko yun syempre kasi naranasan ko na.


Lumapit pa lalo ang si Hailey sa'kin kaya naman natitigan ko siya ng maayos. Yung mukha niya, napakaputi pero hindi naman nilagyan ng pulbos. Kitang-kita ko rin ang mahahaba niyang pilikmata tapos yung matangos niyang ilong. At syempre, yung mapupulang labi niya na tila napakalambot. Pvta, anong lasa niyan?


Pero ano kaya ang nasa isip ni Ryan ngayon? Ganon rin ba? Ang nasa utak ba niya ngayon ay katulad din ng nasa utak ko nung mga oras na iilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin ni Hailey sa isa't-isa?


Ang ganda niya talaga. Hindi kataka-takang ang daming gustong manligaw sa kanya. Ilong pa lang nga, nakaka-inlove na. Paano pa kaya yung labi niya?


Hindi ko alam kung saan kumuha si Hailey ng ganitong kagandahan. Ganito ba kaganda ang Mama niya? Ganito ba ang nagagawa ng lahi ng Tatay niya?


Kung naiisip niya ngayon ang mga naiisip ko noon, posible na mahumaling siya kay Hailey. Pvta. Hindi yon pwede.


At kung si Hailey naman ang magkakagusto kay Kuya. Pvtang*na. Mas lalo namang hindi pwede yon.


Selfish nga ba? Selfish nga ba itong iniisip ko? Ang selfish ko na nga ba? Gusto kong hindi sila magkagustuhan pero ako mismo ang dahilan ng pagkawasak ng puso ni Kuya Ryan. Hindi ko naman pwedeng ibigay sa kanya si Mika. At mas lalo namang hindi pwedeng ipaubaya ko sa kanya si Hailey.


Ibang usapan na yon.


Iba si Hailey. Hindi siya yung tipo ng babae na gugustuhin mong balewalain. Kometa eh, di'ba ang kometa, palaging napapansin kahit saan mapunta?


Haaay Hailey. Bakit ka nga ba ganyan?


Ilang minuto na ang nakalipas pero ganon pa rin sila. Hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nila habang ako eto, masama ang tingin. Halos patayin ko na nga si Ryan sa titig ko.


"Ano?! Magalalandian na lang ba kayo dyan?" Inihampas ko yung walis tingting na hawal ko sa pinakamalapit na puno sa'kin saka sila tinignan ng seryoso,"Nagpunta tayo dito para maglinis, hindi maglandian."


Agad naman silang naghiwalay nang sumigaw ako. Good. Gusto pa nila ng nasisigawan. Eh kung sana pinabayaan ako ni Ryan na saluhin si Hailey kanina, edi sana hindi sila masisindak ngayon.


"S-Sorry..."


Fvck! Bakit namumula si Hailey?! Hindi pwede to. Wag lang talaga siyang magkakagusto sa Kuya ko.


"Walang problema Hailey." Ngumisi si Ryan saka tumingin sa'kin,"Pero para siguro sa iba, meron."


Halatang nagtaka si Hailey sa sinabi ni Ryan pero mas pinili na lang niyang manahimik at pinagpatuloy ang pagwawalis kaya ganon na lang din ang ginawa ko.

Story of UsWhere stories live. Discover now