Iyong dalawang lalaki kanina... may malaking posibilidad na isa sa kanila yung mysterious book sender ko. Pero what if hindi? Assuming lang ako and it's just pure coincidence.
Saka masyadong maliit yung possibility na sila yun. Hindi naman porket namimili sila ng libro at nagdikit ng sticky note sa libro ay sila na agad yung mysterious book sender ko.
Masyado naman ata akong feelingera at assuming. Napakaraming babae sa mundo, imposible namang ako lang ang binibigyan ng libro.
Kaso... Ano namang ginagawa ni Zach dito? Bakit para siyang galing sa bookstore?
Awkward siyang ngumiti at napakamot sa batok niya,"W-Wala lang..."
Napaisip ako pagkakita sa kanya. Ano namang ginagawa ni Zach sa may bookstore samantalang nandoon yung café sa kabila?
At saka bakit biglang lumakas ang instincts ko na siya iyong si mysterious book sender?
"Saan ka galing?"
He stiffened for a moment na para bang nag-isip pa. Saka pa lamang siya sumagot,"Uhmm... Galing ako sa café tapos wala ka doon so naisipan kong mag-ikot-ikot... Then ayun na, I saw you.
"Para ka ngang may hinahabol eh," Sumimangot siya ng bahagya,"Meron nga ba?"
I was stunned for a moment. I just followed that guy who puts sticky notes on the book, it's not like I chase---no... Hinabol ko kasi hoping akong siya iyong mysterious book sender ko.
I slowly bowed. There's no sense of hiding it anyway.
Buong akala ko ay mag-iiba ang mood niya pero ngumiti lang si Zach,"Okay lang."
"Sure ka?" Kumunot ang noo ko at kuryosong tumingin sa kanya,"H-Hindi ka galit?"
Isang iling ang isinagot ni Zach sa tanong ko,"Bakit pa ba ako magagalit eh alam ko namang sa akin ka na? Wala namang makakaagaw sa'yo hangga't nandyan ako sa puso mo eh."
Akin ka na.
Well, that sentence did made my heart skipped a beat. I was mesmerized with the effect of my adrenaline with my whole system. Para akong binuhusan ng malamig at mainit na tubig ng sabay... Nakakatulala kasi and at the same time...
Nakakapula ng pisngi.
Tatango na lang dapat ako sa sinabi niya kaso napansin ko yung bitbit niyang paper bag. Itatanong ko na nang bigla siyang nagsalita.
"Hailey? Tara na," Ngumiti siya,"Saan mo ba gustong kumain?"
Zach threw off his familiar mannerism. Kinamot muna niya ang batok niya saka awkward na ngumiti sa'kin. I felt my heart fluttered with that.
"Hailey?"
Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at pinagpatuloy lang ang pagtitig sa kanya.
Zach's wearing a simple black T-shirt paired with denim pants. His hair is just as the same style as before. But his face, something has changed in it...
Or maybe his face changed because I'd already noticed how that face makes my heart flutter like a butterfly with just one look. It seems like his face is drawing me within him and making me fall harder than harder.
"Hailey..." Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. The sparks just sparked.
I stared at our hands with my eyes wide open.
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...