Zach's POV
"I love you Hailey. Mahal kita."
Pagkatapos kong sabihin lahat ng nararamdaman ko para sa kanya ay kinabahan ako. Alam ko na kasi. Alam ko na bibiguan niya lang ako. Alam kong muling sasakit ang puso ko dahil sa kanya.
Pero tila nag-iba ata ang ikot ng mga mundo namin nang nagsalita siya...
"I love you too Zach."
Nanlaki ang mga mata ko pagkasabi niya nun. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin alam kung anong nangyari lalo na nung naglapit ang mukha naming dalawa.
Pvta.
Nakikita ko na naman ang mapupula niyang labi. Pati na rin yung ilong niyang matangos at yung makinis niyang mukha. At kahit alam ko sa sarili ko na kayang-kaya ko na siyang halikan ngayon, mayroon pa ring pumipigil sa'kin.
Respeto.
Siguro ganoon nga kapag totoo ang nararamdaman mo para sa isang tao. May respeto... at para sa akin, ayokong kunin ang first kiss ng babaeng mahal ko.
Kaso bigla siyang pumikit. T*ng*na. Paano ko pipigilan ang sarili ko kung nakapikit na si Hailey at mukhang handang-handa na? T*ng*na lang talaga.
Nilabanan ko ang buong sistema ko at tinitigan lang siya. Naputol lang iyon nang bigla siyang dumilat at nagtaas ng kilay.
"What?"
Tumawa ako. Ang cute kasi tignan ni Hailey. Para siyang nabigo. Akala ko ay mapuputol na ang kung anumang kakaibang pakiramdam ko nang dumilat siya kaso bigla na namang ngumuso.
Aba t*ng*na! Hindi ko na ito mapipigilan pa!
Napailing na lang ako at ngumiti. Bahala na. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya saka siya hinalikan.
Agad niyang sinuklian ang halik na yon. Hindi ko na tuloy mapigilan ang sarili ko lalo na't alam kong gusto ko to at gusto rin niya. At pvta, ang sarap halikan ni Hailey.
Naramdaman ko ang pag-angkla ng dalawang kamay niya sa batok ko. Nanghihina na siguro ang isang ito. Pero pvta, talagang hindi siya tumitigil sa paghalik sa'kin!
Bumaba din ang kaliwang kamay ko patungo sa likod niya habang ang nasa buhok niya ang kabila kong kamay. T*ng*na. Nararamdaman ko ang kurbada ng baywang ni Hailey at fvck! Natu-turn on ako!
Hinalikan ko ang leeg niya. Nagulat tuloy ako nung umungol siya. T*ng*na. Iyon na ata ang pinaka-sexy na ungol na narinig ko.
"Zach~~"
Alam kong nabigla rin siya nang marinig ang sariling boses dahil napatakip siya ng bibig. Mas lalo lang akong na-turn on dahil doon.
"Hindi ko alam na napakaganda mo pala kapag umuungol."
Dinilat niya ang mga mata niya at siguro'y napagtanto kung anong itsura namin ngayon. Nakapatong na rin kasi ako sa kanya. Akala ko ay hihinto na siya pero nagulat ako nang hinigit niya ang collar ko at parang gusto pa ulit akong halikan.
"Aggressive," Komento ko.
Naghalikan pa ulit kami doon. Hindi ko na alam basta kakaiba ang pakiramdam ko at hindi tulad ng nararamdaman ko kapag kahalikan ko si Mika.
Iba nga talaga si Hailey.
Napahinto lamamg kami sa paghahalikan nang may biglang nagsalita sa likod namin.

YOU ARE READING
Story of Us
Genel KurguI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...