Zach's POV
To: Mika my Labs ♥♥♥
Mamaya baby ah? I love you. Wag kang magpapagutom ha? Gusto ka healthy ka para sa future natin. Ganon ka rin ba? I love you talaga 'by! Mahal na mahal kita!
Napakunot-noo ako at binura ang tinype kong 'good morning message' para kay Mika. Para kasing masyadong gay eh baka ma-turn off yon sa'kin. Hayst. Ano kaya magandang message para sa kanya?
Ah! Alam ko na kung kanino ako magtatanong!
To: Comet Hailey 🌠
Hailey! Ano magandang 'good morning' message?
Click 'Send'
Sa totoo lang ay alam ko namang gumawa ng 'good morning' message para kay Mika pero parang gustong-gusto kong itext si Hailey. Papansin lang.
Pagkalipas ng ilang minuto ay wala pa ring reply si Hailey. Siguro walang load yon, matawagan na nga.
[Oh?]
Wow. Napakaganda naman ng bati niya sa telepono. Pero bakit imbis na mainis ako eh napapangiti pa? Madalas kasi pag ganito ang bungad sa'kin sa telepono eh nagagalit ako, bakit iba ang reaksyon ko kay Hailey?
Kakaiba nga talaga siya.
[Ano? May balak ka bang magsalita?]
Ang high blood talaga. Mainipin nga naman.
"Meron naman po ma'am." Tumawa ako pero nagsalita ulit dahil parang nawala si Hailey at hindi na nagsasalita,"Hello Hailey? Andyan ka pa ba?"
[O-oo naman!]
Hala? Bakit nabulol ang isang to?
"Bakit nabubulol ka?" Tumawa ulit ako.
[WALA!]
Inilayo ko ang phone sa tainga ko nang sumigaw si Hailey. Pvtang*na. Napakalakas ng boses niya! Naka-mic ba siya? Kawawa naman yung eardrums ko kung hindi ko naiwas sa tainga ko yung phone.
Magsasalita pa sana ako ulit kaso nakita kong biglang nag-end yung call. Hala? Napikon si Hailey?
Maya-maya ay tumunog ang aking cellphone ko at napangiti nang nakita ang pangalan ni Hailey sa screen.
From: Comet Hailey 🌠
Wag ka na ngang tumawag kung wala kang matinong sasabihin!!!
Natawa ako lalo. Nai-imagine ko kasi yung pagmumukha at reaksyon ni Hailey habang tina-type yon. Ang cute siguro niya habang gigil na gigil sa harapan ng cellphone at naka-pout habang namumula ang buong mukha. Pero hindi ko rin maitatanggi sa utak ko na ang ganda niya kahit ganoon.
Nag-beep ulit ang phone ko. Hala! Baka si Hailey ulit!
Mabilis kong binuksan ang cellphone pero parang nadismaya nang pangalan ni Mika ang naroroon at hindi kay Hailey.
From: Mika my Labs ♥♥♥
Good morning baby! Bakit wala kang 'good morning' message today? Tulog ka pa ba? Awiiee. Sige, tulog ka muna...basta magpaguwapo ka para sa date natin mamaya ha? I love you :)
Napanguso ako nang mabasa iyon. Oo nga pala, may date kami ni Mika mamaya kasi 2nd monthsary namin. Kailangan kong bumili ng regalo para sa kanya.
YOU ARE READING
Story of Us
Ficción GeneralI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...