Hailey's POV
"Bukas ang start ng Community Service ha? Garden, after class. Don't worry at sasamahan ko naman kayo ni Melendez doon."
Yan yung mga eksaktong salitang sinabi sa'kin ni Ryan pagkatapos ko silang gamutin. Nakakaasar kasi at kung makipag-usap siya sa'kin ay parang walang utang na loob.
Fvck! If I'm not there, malamang ay nagkapatayan na sila ni Zach!
But nevermind though, ang mahalaga lang dapat para sa'kin ngayon ay ang matapos ang 2 weeks na Community Service para maging malaya na ako at hindi ko na makita yung presidente namin.
Pagdating ko ng garden ay nagulat ako nang naabutan sila Zach at Ryan na nagsusuntukan na naman. I was like: What the fvck?! Hobby niyo ba talaga yan?
"Stop it!!!" Awat ko na agad naman nilang sinunod.
Good. Buti naman at isang sentence lang ay nasunod na kaagad sila. Kunot-noo ko silang tinitingnan. Buti na lang at walang nasugatan sa kanilang dalawa, at least walang gagamutin.
"So ano yan? Warm-up exercise niyong dalawa?" Tinitigan ko lang silang dalawa na kapwa hinihingal pa.
Walang nasagot kaya patuloy lang ako sa pagtitig. Naputol lamang iyon nang pumalakpak si Ryan. Bumalik tuloy ako sa wisyo.
"Okay, start na. Hailey, eto ang lilinisin mo at Zach, yung parteng yon naman ang sa'yo."
Habang abala si Ryan sa pagsasalita tungkol sa mga area na dapat naming linisin ay hindi ko mapigilan ang mapaisip. Bakit community service ang tawag dito gayong garden naman ng school ang lilinisin namin?
Hindi ba dapat ay School Service ang tawag at hindi Community Service?
"Excuse me Ryan." Sabi na hindi ko talaga mapipigilan itong bibig ko.
"Oh?"
"This is supposed to be community service right?" Tumango naman siya,"So...bakit kami naglilinis dito sa school if it's COMMUNITY service?"
"Two weeks Hailey. One week for the school and another week para sa bakanteng lote na nandoon sa labas. You understand?"
Sh*t. Ang dami palang lilinisin kung ganon. Maglilinis na nga ako--wait, eto ba ang lilinisan kong area?
"Sandali Ryan." Napalingon siya sa'kin,"Eto ba ang lilinisin kong area?"
Napangiti ako habang sinasabi iyon. Malinis kasi dito sa kinatatayuan ko. Walang kalat, walang nalaglag na dahon. In short, malinis.
Ngumisi siya,"Syempre hindi yan. Kita mo yon?" Itinuro niya yung area kung saan maraming mga nalaglag na lagas na dahon at mga puno,"Yon ang lilinisin mo."
Halos malaglag ang panga ko. Siguro mahigit one acre ang itinuro ni Ryan. Seriously? Ako ang paglilinisin niya non? Wow! Just wow!
"Yes Hailey, ikaw ang maglilinis niyan. Si Zach kasi doon sa side na yon." Itinuro niya yung area na mas maraming puno at mas maraming wawalisin,"Iyon ang lilinisin niya kaya eto ang lilinisin mo. Okay?"
Tumango na lang ako kahit na gustong-gusto ko na siyang saksakin nitong walis tingting na hawak ko. Grabe lang! Babae ako tapos magwawalis ako ng ganitong kalawak na lugar?
Kahit naman na mas kaunti ito kaysa doon sa kay Zach ay unfair pa rin! Baka mamaya sandamakmak na ipis ang nag-aabang sa'kin dito o di kaya mga uod. Just eww.
"Seryoso ba talaga na ito yung lilinisin ko?"
"Oo Hailey. Bakit? May reklamo ka ba?"
"Oo, may reklamo ako." Tumaas ang kilay niya nang sinabi ko yon,"Babae ako pero halos isang range ng building ang palilinisan mo sa'kin? Labag yon sa school law!"
Tumawa si Ryan pagkasabi ko nun habang ako ay nagpipigil na sapakin siya. Ang yabang. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?
"Oh? Anong nakakatawa?" Pataray kong tanong.
"Seriously Hailey? You're asking that stupid question? Parusa to Ms. Castillo, don't expect it to be easy." Ngumisi siya,"Hindi basta-basta ang parusang galing sa presidente."
"But the school law! You know that!"
"Oh c'mon Hailey, I can revise the school law anytime. And by this time, the school law does not affect someone named Hailey Shanelle Tolentino Castillo."
Napairap na lang ako sa kanya at napatingin sa lilinisan kong area. Ugh. I really should not expect that I'll finish this soon as expected.
***
"Hayst. Nakakapagod." Umupo ako sa damuhan na malinis na ngayon dahil sa'kin. Buti na nga lang at naka-jogging pants ako para na rin di ko ma-touch yung mga allergens dito sa damo.
Tinitigan ko yung nalinis ko ng area. Siguro wala pa yon sa kalahati ng pinapalinisan sa'kin. Ni wala pa nga ata to sa one-fourth.
Bahala na nga. Gusto ko lang naman mamahinga kahit sandali. Hindi ba nila alam na ang hirap-hirap magwalis at maglinis dito?
Naupo na lang ako at tinusok-tusok ang isang dahon. Wala akong magawa eh saka para isipin ko na lang na si Ryan itong tinutusok ko. Napatingin ako kay Zach na nagwawalis pa rin doon sa kabila. Buti pa siya, may kasipagang taglay.
"Castillo? Anong ginagawa mo?"
Napalingon ako sa kung sinong nagsalita at nakita si Ryan. Tsk. Ano na namang kaartehan ang sasabihin nito?
"Ano na naman?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi porket babae ka at napagod ka na ay hihinto ka na lang dyan. This is your punishment Hailey. And hindi ka pinarusahan para magpahinga lang dyan."
Mas lalo lamang akong napairap dahil sa sinabi niya. Ang dami-dami talagang arte nitong presidente namin. So ano? I-o-overuse ko ang katawan ko para lang sa paglilinis dito?
"Eh ano--" Napatigil ako sa pagsasalita nang pagtayo ko ay may naapakan akong madulas. Napapikit ako at ine-expect na ang pagkahulog ko sa damuhan, pero bakit parang hindi nadating?
Nagulat ako nang pagtingin ko sa itaas ay nakita ko ang mukha ni Ryan. Sh*t, ang guwapo nga naman nito.
Pero teka, parang nangyari na yung moment na to ah?
Bumili ako ng isang sandwich at paalis na sana kami ni Irene nang bigla niya akong pinatid. Oo, pinatid ako ni Irene!
Nabigla ako sa ginawa niya pero di ako sumigaw at napapikit na lang. Inaabangan ko ang masakit na kahihinatnan ko pagbagsak ko sa sahig.
Pero sandali...bakit parang hindi naman ako bumabagsak sa sahig? Bakit wala akong sakit na nararamdaman?
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita si Zach. Hala? Pinikit-pikit ko itong muli pero hindi pa rin siya nawawala! And damn! Naaamoy ko rin ang pabango niya, it's damn attracting!
Oo nga. Yung sa canteen at nasalo ako ni Zach. Ang pinagkaiba lang ay si Ryan naman ngayon ang sumalo sa'kin.
Napatingin ako kay Ryan na nakatitig lang sa'kin. Fvck. Ang guwapo din talaga nito. Kamukha niya si Zach, bakit ganon? Related ba sila o sadyang si Zach lang ang iniisip ko kaya siya ang nakikita ko?
"Ryan..."
And for the first time, I saw our cold-hearted president smiled. That true smile.
YOU ARE READING
Story of Us
قصص عامةI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...