Chapter 29: Comet

15 1 0
                                    

Zach's POV


Inilibot ko ang paningin sa loob ng lounge. Ang sarap din pala tumambay dito. May aircon, may refrigerator, may sofa, may T.V. Ayos! Pampa-relax nga talaga!


Kaso, office to ng mga Student Council dito sa University. Tsk. Ang sarap mahiga sa opisina nila ah.


Kumuha ako ng kakakunting biscuit sa ref at sinamahan ko na rin ng isang bote ng juice. Ang daming pagkain. Pakiramdam ko ay pwede kang mag-stay dito ng matagal at hindi lumabas.


Paikot-ikot lang ako sa buong lounge habang kumakain hanggang sa mapadako ako sa isang parte ng dingding na puro pictures. Nakita ko doon yung picture ni Ryan, pa-boss eh. Sarap tusukin. Iginala ko pa ang tingin ko doon at nakita ko si Hailey.


Wow? Kasama pala sa Council si Hailey? Tinitigan ko ang litrato niyang nakasabit sa dingding kasama ang iba. Angat siya kahit saang anggulo ako tumingin. Palagi niyang nahahagip ang mata ko.


Hailey, ano ba itong ginagawa mo sa'kin?


Nakatitig lang ako doon kaya nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto ng lounge. Nakita ko si Ryan na hawak-hawak sa kamay si Hailey at palapit na ako kaso napahinto rin nang nakita ang natatarantang si Hailey at ang pagmamakaawa niya na tanggalin na ni Ryan ang pagkakahawak sa kamay niya.


"Fvck! Naiwan ko kay Irene yung cellphone ko! Bitawan mo ako!"


Tinignan siya ni Ryan,"Pano ako makakasiguradong babalik ka dito? Ha?"


"Eto oh!" Ibinigay ni Hailey kay Ryan ang bag niya,"Ayan! Hindi kita tatakasan! Tsk."


Tumakbo na kaagad si Hailey kaya agad kong hinarap itong si Ryan. Nakangisi pa rin siya habang hawak-hawak yung bag ni Hailey.


"Bakit mo hinahawakan ang kamay niya?"


Tinaasan niya ako ng kilay,"Bakit? Nagseselos ka?"


"Hindi ah. Nagtataka lang ako. Akala ko kasi si Mika pa rin ang mahal mo." Ako naman ngayon ang ngumisi,"Di'ba nga nabi-bitter ka sa'ming dalawa?"


Inilapag niya ang bag ni Hailey sa sofa at hinarap ako,"Hindi totoo yan."


"Talaga? Eh di'ba iyon nga ang dahilan kaya mo ako pinag-ko-Community service? Saka...bakit nga ba ako lang? Bakit hindi kasama si Mika?" Ngumisi ako,"Kasi mahal mo pa di'ba?"


"Hindi sabi eh!"


Para siyang pikon na batang nanuntok bigla kaya naman napahiga ako. Tang*na, hindi ako handa. Syempre, bumangon ako at binawian ko siya.


"Pvtang*na mo Zach." Bulong niya nang suntukin ko siya sa may panga.


"Pvtang*na mo rin."


Nagsuntukan kami doon. Puro murahan lang naman ang lumalabas sa mga bibig namin kaya nang may nagsalita sa gilid ay napatigil kaming dalawa.


"Oh my God! What the fvck are you doing?!" Inawat kaming dalawa ni Hailey.


Napaupo ako sa sofa at si Ryan ay nandoon sa isa, kaharap ko. Ang sama pa rin ng titigan namin at may sarili kaming mundo kaya siguro hindi namin napansin si Hailey na kanina pa salita ng salita sa gilid.


"Ano ba kasing ginagawa niyo? Kinuha ko lang yung cellphone saglit tapos pagbalik ko nagsusuntukan na kayo?" Tumigil siya sa pagsasalita,"Andito pala tsk."


Dala-dala niya ang First Aid Kit ng lumapit siya samin at mukhang namimili pa kung sino sa'ming dalawa ni Ryan ang uunahin niya. Napagpasyahan niya sigurong si Ryan ang uunahin kaya naman buong lakas ko siyang hinila.


"Ouch."


"Sorry." Ngumiti ako,"Ako na lang muna unahin mo?"


Tumango na lang siya at sinimulang gamutin yung sugat ko sa labi. Masakit, pvtang*na talaga niyan ni Ryan.


"Masakit?" Tumango ako sa tanong niya. Siya naman ay ngumiti lang,"Ayan kasi, sige, magsuntukan pa kayo."


Lumapit pa lalo ang si Hailey sa'kin kaya naman natitigan ko siya ng maayos. Yung mukha niya, napakaputi pero hindi naman nilagyan ng pulbos. Kitang-kita ko rin ang mahahaba niyang pilikmata tapos yung matangos niyang ilong. At syempre, yung mapupulang labi niya na tila napakalambot. Pvta, anong lasa niyan?


Ang ganda niya talaga. Hindi kataka-takang ang daming gustong manligaw sa kanya. Ilong pa lang nga, nakaka-inlove na. Paano pa kaya yung labi niya?


Hindi ko alam kung saan kumuha si Hailey ng ganitong kagandahan. Ganito ba kaganda ang Mama niya? Ganito ba ang nagagawa ng lahi ng Tatay niya?


Hindi ko mapigilan ang mga mata kong tignan siya. Ang ganda niya sh*t. At rinig na rinig ko ang puso kong tila lalabas na sa dibdib ko.


Naririnig din ba niya yon?


"Hailey..." Nanlaki ang mata ko nang nabanggit ko ang pangalan niya. Sa utak ko lang dapat yon eh.


Nagulat din siya doon kaya nilingon ako,"Bakit?"


Umiling ako,"Ah...wala...masakit kasi."


"Ah okay..." Tumango siya,"Sige, hindi ko na lang masyadong didiinan."


Kagaya ng sinabi niya ay naging mas maingat siya sa paggamot ng sugat ko. Bukod kasi sa labi, medyo namaga rin yung pisngi ko. Tang*na kasi nito ni Ryan, napaka-bitter.


Habang tinititigan ko si Hailey ay hindi ko maiwasang maisip s Mika. Pagtataksil na ba itong ginagawa ko? Nagtataksil na ba ako kay Mika dahil kay Hailey?


Fvck Hailey. Anong ginagawa mo sa'kin?


Hindi eh. Walang ginagawa si Hailey sa'kin. Ako itong kusang nahuhulog sa kanya. Ako itong may-ari ng pusong tumitibok para sa kanya. Ako itong...unti-unting naaakit sa kanya.


Nakakainis na kahit wala siyang ginagawa para akitin ako ay eto ako, kusang nagugustuhan siya. Tang*na! Mali to eh, mali dahil may girlfriend ako.


Pero tang*na, hindi ko mapigilan si Hailey. Si Hailey na tuloy-tuloy kung pumana sa puso ko. Si Hailey na unti-unting pinupuno ng mga ugat ko.


Si Hailey na isang kometang biglang bumagsak sa puso ko.


At ako eto, parang kometa ring nahuhulog sa kanya...habang may iniiwang mga bagay sa kalawakan....

Story of UsWhere stories live. Discover now