Hailey's POV
It's been days after nung nangyari. Alwyn is kicked out. Hindi naman kasi kinukunsinti ang ganoong gawain dito sa school.
Buti nga at mabilis akong mag-move-on at hindi na inintindi yon. But I think I'm traumatized. Sino nga ba ang hindi?
Sobrang thankful ko kay Zach. Ang bait niya pala. Even though kasi na tinatarayan ko siya ay nagawa niya pa rin akong iligtas. And every man should be like that.
Ang ibang lalaki kasi ngayon ay wala ng pakialam sa surroundings nila. Ang mahalaga lang ay kung hindi computer ay mga girlfriend nila. Tss. Puro paguwapo lang.
Ilang araw ko na ring napapansin ang pagtitig sa'kin ni Zach. Sa tuwing Flag Ceremony, pag naglilinis ako sa corridor, pag nagkakasama-sama kami dahil nagda-date si Dianne at Migs at tuwing recess. I don't know. Basta palagi kaming nagkakatagpo ng tingin.
Tulad ngayon...
Kasalukuyan kasi akong nagtuturo sa section nila. Ako kasi yung pinagbilinan ng teacher namin sa Math. Pilit pa nga iyong inagaw ni Rona pero hindi ko ibinigay.
Nadi-distract ako sa titig ni Zach. His eyes are weird! I'm feeling like his looking at me as if he can see through the insides of my soul! It's distracting! Idagdag pa ang ngiti niya.
"What's wrong?" Bulong sa'kin ni Irene.
Dapat ay ako lang ang magtuturo dito pero sinama ko si Irene. Siya kasi iyong maaasahan ko makatulong dito sa pagtuturo. Not that I'm saying na hindi makakatulong sila Dianne but I think Irene's better.
Umiling ako ngunit ngumiti lang si Irene.
Tapos na kaming magpaliwanag ng lesson. Nakatayo na lamang kami sa gilid habang pinapanood ang section nila Zach sa paggawa ng seatwork. Kailangan kasi naming kunin yon.
"I know that something's wrong Hailey. Is it...Zach?"
Mabilis akong umiling at naka-pout na tumingin kay Irene. Tumawa siya at tinitigan ako na para bang may ginawa akong masama.
"What?" Tumaas ang kilay ko.
"Gusto mo siya ano?"
"Hell no!" Napatakip ako sa aking bibig dahil napasigaw ako. Bumulong ako,"Hindi no. Hindi naman ako magkakagusto sa taong FC."
"But he saved you remember?"
"Oh yes." Napasimangot ako,"Ewan ko Irene. It's weird. Something's different about Zach. Sa lahat ng lalaking nahuli kong nakatitig sa'kin, sa kanya lang ako nakaramdam ng awkwardness. Sa kanya lang din ako hindi makatingin ng diretso. And secret lang ah? But when he first patted my shoulder, I felt something..."
"You like him."
"No, I don't."
"Tss. Ako pa ba 'ley? Ako pa ba lolokohin mo?" Nakataas ang kilay ni Irene.
"Okay fine. I like him. Phew. I never thought admitting it would feel this way."
Tinawanan lang ako ni Irene bago pumasok sa classroom nila Zach. Nag-stay lang ako sa labas at pinanood si Irene. Now that I admitted it, alam kong mas ma-a-awkward ako kay Zach and I hate that feeling.
Pinabayaan ko na lang si Irene at nag-earphones na lang dito sa labas. Nasa kalagitnaan ako sa pakikinig ng paborito kong kanta nang may nagtanggal ng earphones sa tainga ko.
YOU ARE READING
Story of Us
Ficción GeneralI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...