Hailey's POV
"Oo na Ange, papunta na nga. Sandali lang." Sigaw ko sa cellphone na nasa harapan ko.
May gagawin kasi kaming project ngayon at ako ang leader nila. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero para kasing ayoko munang umalis ng bahay ngayon. Baka kasi makasalubong ko si Zach lalo na't sa iisang village lang kami nakatira.
Ang weird pa naman nun dahil tumawag siya sa'kin kagabi.
Patulog na nga ako ng mga oras na yon kaso nag-ring ang phone ko. Agad naman akong napabalikwas nang nakitang si Zach ang tumatawag.
"H-Hello?"
[Hailey?]
"O-oo. B-bakit?" Sh*t. Why am I stuttering? Simpleng tawag lang ito Hailey! Walang dapat ikabahala!
[Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita. At seryoso ako dito. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin sa'min ni Mika dahil nahulog na ako sa'yo. Hulog na hulog.]
Napatingin ako sa paligid ng kwarto pagkarinig sa mga sinabi ni Zach. It's like someone flickers light but then I don't know if it'll cause fire or cause light.
[Hailey--]
Pinutol ko ang tawag. Ang weird. At saka halata sa boses niya na lasing siya. At alam kong wala siyang ibig sabihin sa mga sinabi niya. Dahil wala siyang alam doon.
"Oy Hailey!" Napalingon ako kay Mark na naka-white tees at naka-red na pants. Sabay na kaming pumasok sa loob ng café dahil doon ang meeting place naming magkakagrupo.
Napasimangot ako nang mapagtantong lagpas na ang oras sa meeting time pero kaming dalawa pa lang ni Mark ang nandito. Nakakaasar talaga tong mga group mates ko. Filipino time af.
Nakipagkuwentuhan na lang tuloy ako kay Mark para na rin pamatay inis at oras namin, baka dumating rin naman yung mga pa-late kong group mates. Ganon naman kasi talaga di'ba? Kailangan busy ka pag naghihintay para hindi ka mainip.
"Haileeeeeey!!" Tumatakbo si Angelica papunta sa table namin ni Mark. Binatukan ko naman siya dahil ang ingay niya, ayun tuloy, nagsilungunan sa'min ang mga tao sa café.
"Peace." Nag-peace sign pa ang g*ga. Kasama niya sila Julie at Anne. Sinabi rin niya na yung ibang group mates namin ay didiretso na sa paggagawaan nung project.
"Pati sila Ryde, doon na didiretso?" Tumango si Ange sa tanong ko. Wow, so that means...
Si Irene na lang ang hinihintay namin dito.
"Mark, samahan mo muna ako sa department. Please?"
Ang saya siguro maging cupid ngayong araw! May plano ako at paniguradong maganda yon! At magagawa ngayong araw!
Pumayag naman si Mark kaya sabay na kaming pumunta sa department store. Pinabili ko siya ng mga kakailanganin namin sa shoot at syempre pati pagkain. Mahirap na at baka magutom kami. May pinag-ambag-ambagan naman kasi kaming magkakagrupo at ito yung gagamitin ko pambili.
To: Irene
Irene? Pwede dito ka na dumiretso sa department store na katabi nung café? Nandito kami eh. Sigee, hihintayin ka namin dito.
Abot-tainga ang ngiti ko nang sinend ang message na yon kay Irene. I'm really sure that this plan will work!
"Uhmm, Mark. Pupuntahan ko lang sila Ange. Pakihintay na lang ako dito."
YOU ARE READING
Story of Us
Ficción GeneralI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...