"Mahal mo na di'ba? Mahal mo. Aminin mo na kasi Hailey. Wala na namang problema doon dahil mga 4th year na tayo." Napairap ako sa kawalan. Actually, pang-ilang irap ko na to dahil sa mga pinagsasasabi ni Rica.
Sabay kaming pumasok ni Rica at kasalukuyan niyang ipinipilit sa'kin na mahal ko na daw si Zach. And damn! I so hate the idea! Magkaiba naman ang gusto sa mahal!
First day ng pasukan ngayon taon. Buong Christmas vacation ay magkatext lang kami ni Zach. Minsan nga ay aayain niya akong maggala kaso hindi ako napayag. Ang weird naman kasi lalo na't may girlfriend siya.
MAY GIRLFRIEND SIYA.
At hindi ko akalaing ganito kasakit ipagpilitan sa utak ko ang mga katagang 'may girlfriend siya'.
"Napaka-in denial mo Hailey. Tignan mo nga to." Ipinakita niya ang picture namin ni Zach noong Christmas Ball at tinuro ako,"Halatang-halata kaya sa mata mo na in love ka sa kanya."
Umiling ako.
I know myself too well at alam kong hindi ako maiinlove agad-agad kay Zach. I mean, gusto ko lang naman siya and hindi na iyon lalalim pa.
Tinignan ko ang picture na yon at napangiti. Naalala ko kasi yung oras na kinunan ito. Ito yung pagkatapos naming sumayaw.
Nakasalampak ako sa upuan sa may corridor kaya takang-taka akong tinignan ni Irene. Tinanggal ko kasi ang heels na suot ko, masakit eh.
"Anyare? Hindi ka sinayaw?" Aniya habang minamasahe rin ang paa niya. Masakit siguro, wala ba namang upo yan kakasayaw kanina.
Umiling ako,"Sinayaw. Kaso naman, nag-switch agad yung kanta from sweet music to party music. Bastos amp."
Tumawa siya kaya kunot-noo ko siyang tinignan. Anong nakakatawa doon? Nasira kaya yung magical moment ko!
Naabutan kaming ganon nila Dianne at Rica kaya naman nag-suggest sila na mag-picture kami ni Zach. Tumanggi ako. Baka naman kasi makita ako ng kung sinomang kaibigan ni Mika at masabunutan pa ako ng disoras.
So ayun, nagkuwentuhan na lang kaming apat. Kinikilig si Dianne at Rica samantalang si Irene, ayun, straight-faced. Ganoon lang kami nang biglang sumabat sa'min si Zach.
"Hailey." Nilingon ko siya,"Uhmm...picture tayo?"
Halos mapasigaw ako nang sinabi niya yon. Dammit! He's asking for a picture! I wonder kung may nagbigay sa kanya ng idea o may nagsabi sa kanya?
"Sino nagsabi sa'yo na mag-picture tayo?" Tumingin ako kay Migs,"Si Migs ba?"
Mabilis namang umiling si Migs,"Hala? Paano ko sasabihin eh kasama ko to?" Itinuro niya si Dianne.
Nag-pout naman si Zach sa gilid ko,"Please Hailey? Sige na?"
"Ayan naman pala Hailey eh! Tara na! Mag-picture na kayo!" Hinila na ako ni Rica at itinabi kay Zach.
Awkward. Hindi ko alam kung paano ako ngingiti pero nagulat ako nang bigla niya akong akbayan kaya naman ngumiti na ako.
And ta-daa! May first picture na kami ni Zach!
Napailing naman agad ako nang maalala iyon. Mali kasi, may girlfriend na nga yung tao. Makikiepal pa ba ako sa love story nila ni Mika? Bawal makiapid di'ba?
Nagsimula din naman ang klase. Ang epal-epal nga ni Rona at kung hindi lang talaga ako nag-iingat na ma-guidance, baka sinabunutan ko na talaga ang impaktang to.
Kaso hindi eh, mahirap ma-guidance lalo na't graduating na ako at running for valedictorian. Saka ko na lang siguro sasabunutan si Rona pagka-graduate namin.
Napapansin ko din ang pagkakalabuan ni Rica sa ka-MU niya at pati si Dianne at Migs. Buti nga kami ni Irene, walang pinoproblema.
Tulad ngayon, nagdadrama si Rica.
"Eh kasi naman! Ano bang mali ko?! Ano bang mali sa'kin? Sa mukha ko? Sa ugali ko? Sa pagkatao ko? Ano ba? Wala naman di'ba?! Pero bakit parang pinagpapalit niya ako sa Arang yon! Linga kayong tatlo! Sabunutan natin yung babaeng yon!"
Pinakalma namin siya nila Dianne dahil warfreak talaga tong si Rica. Away kung away. Pag sinabi niya, gagawin niya. Kaya kapag sinabi niyang sasabunutan niya si Ara, paniguradong mangyayari yon.
Kailangan lang siguro nating maghintay ng mga....kalahating araw?
"Hoy Rica! Maghunos-dili ka nga!" -Dianne
"Rica naman.." -Irene
"Whooo! Rica! Kaya mo yan!" See? Ako lang ang supportive sa'ming apat.
Kaya nga ayun, tulad ng sinabi niya. Sinabunutan nga ni Rica si Ara at pinipigilan siya nung dalawa habang chini-cheer ko pa siya. Hayst. Napakasama ko na nga ba talaga?
Nang nahila na nila Irene at Dianne si Rica ay halos matawa ako sa itsura ni Ara. Ang gulo kasi ng buhok niya and para siyang hinabol ng isandaang taon. Aww, masyado na ba akong bad?
"Ano ba naman yan Hailey! Imbis na tumulong ka aish!" Saad ni Rica. Hindi ko daw kasi siya tinulungang manabunot.
Tumawa ako,"Baliw. Edi nalagas na ng tuluyan yang buhok ni Ara kung dalawa tayong nanabunot?"
Tumawa siya sa isinagot ko habang si Dianne at Irene ay napailing na lang. Pinagalitan pa ako.
"Kasama ka sa student council. You shouldn't tolerate Rica's act."
"Secretary ako Irene, hindi peace officer."
"Hay nako kams, ewan ko sa'yo, ayusin mo nga yang logic mo. Kinunsinti mo pa si Rica."
Binalewala na lang namin ni Rica yon dahil mahal pa rin naman kami ng dalawang yan. Sabay kaming umuwi at iyon nga, ipinipilit na naman niyang mahal ko na si Zach.
"Hindi nga sabi. Kulit mo eh no?" Umirap ako.
"Hay nako Hailey. Sige i-deny mo lang kasi sigurado akong mahal mo na yon. Baka hindi mo nga lang nare-realize sa sarili mo." Ngumiti siya,"Iba kaya ang spark sa mata mo."
"Hindi nga sabi. Isa pang pilit tamo."
"Hayst. Bahala ka na nga." At umalis siya.
Hay nako Zach, nagtampo tuloy si Rica. Pero di'ba? Hindi ko naman mahal si Zach? Ang hirap naman kasi siguro nun kung mamahalin ko siya samantalang may mahal siyang iba.
YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...