Chapter 21: Pain

12 1 0
                                    

Sa'min natulog si Dianne buong weekend. Wala daw kasi siyang ganang umuwi sa kanila, kahit sino naman siguro lalo na't broken ka at walang may alam ang pamilya mo.


Sa kaso naman ng family ko na halos family na rin ni Dianne ay alam ang lahat. Pati nga siguro sinusuot kong panty araw-araw ay alam ni Mommy. At eto namang si Dianne, special treatment sa bahay kasi nga heartbroken.


"Naku Iha, napakatanga naman kasi niyang ex mo. Biruin mo! Ipinagpalit ka pa niya samantalang wala pa sa kuko ng hinliliit ng paa mo yung ganda ng babaeng yon!" Komento ni Mommy habang kumakain kami sa Dining.


Tumawa lang kami nila Daddy dahil sobrang affected si Mommy na akala mo'y siya itong ipinagpalit at nasasaktan. Si Dianne naman ay malungkot lang na ngumiti.


"Next time kasi Iha, ipakilala mo rin samin yang si Migs. Ikaw rin Hailey--"


Pinutol ni Mommy si Daddy at sumabat,"Oo nga anak! Halos dasalan ko na nga lahat ng santo para lang magka-boyfriend ka pero wala eh! Lahat ng manliligaw at nag-co-confess sa'yo, nire-reject mo. Wala ka ba talagang nagugutuhang lalaki?"


Meron po kaso may girlfriend na kaya no choice kung hindi umatras. Gusto ko sanang sabihin kay Mommy pero alam kong inappropriate.


In short, si Zach.


"Wala po eh." Tumatawa ako pero nakahawak ako sa kamay ni Dianne dahil nagsisinungaling ako.


Hindi naman kasi ako sinungaling. Marahil bitch ako but I never told a lie. Ito pa lang siguro at ang malala ay sa magulang ko pa ako nagsinungaling! Ugh. Bad girl.


Pagkatapos naming mag-dinner ay sabay na kaming umakyat ni Dianne sa kuwarto. Ramdam ko pa rin ang lungkot niya kahit na ngumingiti siya. Ganoon naman talaga di'ba?


Minsan pinepeke natin yung nararamdaman natin sa ibang tao para makibagay sa kanila. Hindi naman kasi tayo dapat manghawa ng emosyon sa iba at minsan, ramdam natin na wala tayong nasasandalan kaya tinatago na lang natin sa mga sarili natin.


Sad part of being a teen.


Kaya naman pagkaupong-pagkaupo niya sa kama ay kinausap ko na siya agad. Hindi ko naman hahayaan yung best friend ko na ganito lang. Syempre kailangan kong patatagin at palalakasin yung loob niya.


Sasamahan ko siya sa pagmo-move on. She's not alone and that phrase must be kept in her mind.


"Pwede ka namang umiyak sa kama ko kung gusto mo. Kahit nga sa balikat ko eh, pero mas the best pag sa music room tayo."


"Music room?"


Nginitian ko na lang siya at dinala sa music room ng bahay. Masaya dito kasi soundproof, walang makakarinig sa'yo.


"Ano namang gagawin natin dito?" Ayan, nahawa na siya sa ex-boyfriend niya. Parehas na silang slow.


Inirapan ko siya,"Dito mo ibuhos lahat ng nararamdaman mo. Lahat ng kinikikimkim mo. Magsisisigaw ka, humagulgol ka. Basta ilabas mo lahat. Kasi alam mo, kung itatago mo lang yan sa sarili mo, walang mangyayari. And worst, baka mautot ka pa."


Tumawa si Dianne sa huli kong sinabi pero maya-maya ay unti-unti na siyang nag-breakdown. Pinanood ko lang siya doon at pinakalma noong oras na ng pagtulog. Ganon naman kasi talaga dapat, kailangan ilabas mo lahat para gumaan yung pakiramdam mo.


Ang hirap kaya na may dala-dala kang heavy luggage sa chest mo kahit saan ka man magpunta!


Pagka-Monday ay sabay kaming pumasok. May uniform din sa bahay si Dianne kaya okay lang. Actually, pwede na nga siya ditong tumira.


"Ryde! Ryde!" Hala? Bakit hindi nagsasalita ang isang to? "Ryde! Uyy?"


Hindi pa rin ako pinapansin ni Ryde kaya tinapik-tapik ko siya sa braso niya at pinakukurap ko pa ang mata niya pero bakit ayaw pa rin? Bakit parang walang epekto? Sinampal ko tuloy siya.


"Aray Hailey!"


"Ayan!" Whoo! Effective ang sampal! Nag-pout ako sa harap Nita,"Hindi ka kasi nagsasalita! Hindi mo ko pinapansin. Anong problema mo?"


"Iniisip ko lang si ano...siya. Iniisip ko lang siya."


"At sino naman itong 'siya'?" Nginisian ko siya,"Ayieee! Si Ryde, binata na!!"


"Tss. Eh ikaw ba? Sino yung lalaking nagpapalito sa iyo?"


Hindi ako sumagot sa tanong niya. Eh alangan na sagutin ko, edi nalaman niya! Mabuti na lang na manahimik ako dito kaysa dumaldal.


"Oh? Bakit tahimik ka?"


Nag-pout ako,"Hindi ko naman kasi masabi sa'yo eh."


Nagliwanag ang mukha ni Ryde at ngumisi,"Alam ko na! Sabay na lang nating sabihin yung mga taong nagpapagulo sa utak natin!"


"Good idea Ryde! Sige sige!"


Bibilang ako ng 1, 2, 3 ha?" Tumango ako,"Tapos sabay nating sabihin. Okay game! 1, 2, 3!"


"Ikaw/si Zach."


Sabay kaming nagsalita pero mukhang hindi naman niya naintindihan yung sinabi ko at di ko rin naman naintindihan yung sinabi niya. Nagtawanan na lang kami.


Pero ilang segundo ay bigla ring naglaho yung tawa ni Ryde. Hala? Eh kadalasan pag nagtatawanan kami, siya pa itong O.A na tumatawa. Pero ngayon...hindi kaya may problema ang isang to?


"May problema ka ba Ryde?"


Malungkot akong nilingon ni Ryde. Confirmed. May problema nga ang isang to. Ano naman kaya yon?


"Anong meron Ryde?"


"Wala."


"Wews. Dali na, makikinig naman ako sa'yo eh. Ano yon?"


"Sabihin na lang natin na sobrang nasasaktan ako ngayon dahil nalaman ko na iba pala yung gusto nung taong gusto ko." Ngumiti siya,"Pero okay lang, sabi nga nila, hindi ka nagmamahal ng libre. Palaging may bayad. At iyon ay ang sakit gawa ng pagmamahal."


"Ryde..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi...teka...ano nga ba ang mga dapat sabihin tuwing may ganitong pagkakataon at sitwasyon?


"No Hailey,wag ka ng magsalita. Okay lang ako." At umalis siya. Napatunganga na lang tuloy ako sa upuan ko buong klase.

Story of UsWhere stories live. Discover now