Hailey's POV
Hindi ako makapaniwala. Napahawak pa ako sa labi ko. Have I... really kissed someone? And in the persona of Zach?
Oh my God.
"Bakit Hailey?"
Napalingon ako kay Zach na nakangiti habang nakataas ang kilay. Napairap ako. Nagtatanong pa siya samantalang obvious naman kung anong iniisip ko.
It's that darn kiss! Actually hindi lang kiss yon! That's a torrid one! Argh! And it's my first kiss!
Well, I'm not actually regretting it but hey! It's my first kiss. Malamang ay naninibago ako sa feeling.
"Iniisip mo pa rin yung kiss? Gusto mo pa ba ng isa?"
Napataas ako ng kilay at binatukan siya. Tumawa naman si Zach. Aba, nag-eenjoy pa siya samantalang ako ay hiyang-hiya na sa nangyari. Hindi ko pa rin kasi talaga makalimutan yon.
His kisses were soft. Ramdam ko iyon sa aking labi kaya napapikit na ako. In fact, I'm enjoying this. Kaya naman nang bumaba ang kanyang halik sa aking leeg ay hindi ko mapigilang makiliti at mapaungol.
"Zach~~"
Napatakip ako ng bibig nang marinig ang tunog na aking pinakawalan. Fvck. That sound is so foreign. He only chuckled.
"Hindi ko alam na napakaganda mo pala kapag umuungol."
Napadilat ako sa sinabi niya kaya nakita ko ang posiyon namin. Nakahiga na kaming dalawa sa damuhan at nakapatong siya sa'kin.
Pero ewan, I can't think clearly. Hinigit ko ang collar ng polo niya at hinalikan ulit sa labi.
"Aggressive," He commented.
Hindi ko na binigyang-pansin ang sinabi niya at patuloy lamang siyang hinalikan. What we're doing is addicting and I don't know how to stop. I feel like I'm drunk and his kisses are drugs. Para bang kung titigil ako sa paghalik sa kanya, I'll die.
Hayst. Nakakainis. Where's my decent manners? Pinalaki akong disente nila Mommy and I'll end up kissing a guy? Tapos torrid pa?
What a dissapointment!
Paano ba ako haharap kaila Mommy nito? Paano ako ngingiti sa harap ni Daddy? Hayst. Napakalaking kasalanan nito. How could I let myself give in to Zach that easy?!
But hey, it's just a kiss. It's not like I gave my whole self to him. But still, IT'S A KISS!!!!
"Hailey? Hailey? Yoohoo?"
Napabalik ako sa realidad dahil sa kamay ni Zach na wumawagayway sa harap ng mukha ko. Napabalikwas ako at napatingin kaagad sa kanya.
"A-Ano yon? Sorry..."
"Ang lalim ng iniisip mo. Sabihin mo naman sa'kin."
Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya. Baka mamaya ma-discourage si Zach sa'kin... pero hindi ko na naman problema yon. Problema niya na yon.
"Sigurado ka na pupunta ka sa bahay?"
Tumango siya at proud na ngumiti,"Oo. Magpapakilala ako sa Mommy at Daddy mo---"
"Yeah, para ma-interrogate ka nila and lalabas ka ng bahay with injuries." Sarcastiko kong sabat sa sinasabi niya.
Tumawa lang si Zach pero ramdam pa rin ang uneasiness niya. Sabi na nga ba natatakot din ang isang to, hindi lang pinapahalata.
Hindi naman totoo yon. I mean, oo at ii-interrogate talaga siya sa bahay especially ni Mommy pero sigurado naman akong hindi siya bubugbugin ni Daddy. Kung tutuusin, baka magpa-party pa iyon sa bahay ngayong magdadala ako ng lalaki.
"Joke lang Zach. Natatakot ka masyado eh."
"Eh kasi... ilang manliligaw mo na ba ang nadala mo sa bahay niyo? Shet, sinisimulan na akong kabahan." Sabi niya nang matanaw ang logo ng subdivision namin sa gate.
Napangiti ako. Kinakabahan talaga siya? Like seriously? Hindi ba niya ito nagawa kay Mika before? Hindi ba siya nagpupunta sa bahay ng isang yon?
"Ikaw pa lang..." Pinanliitan ko siya ng mata,"Pero hindi ka naman nanliligaw sa'kin kaya... wala pa."
Natahimik si Zach at tumitig lang sa'kin. Nagtaka pa ako nang bigla siyang sumenyas ng 'wait'. Napatayo lang tuloy ako doon sa gilid at inaantay siya. Nang makita ko siyang pabalik, maglalakad na sana ako kaya lang bigla niya akong hinatak.
"Zach---"
Napahinto ako sa pagsasalita nang inabutan niya ako ng flower. Halatang pinitas lang mula sa kung saan, hindi ko nga lang alam kung saan galing.
"Para saan to?"
"Hailey..." Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.
"Sa ngalan ng bulaklak na yan, sumusumpa akong liligawan kita kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako sa'yo Hailey... kahit ilang buwan o taon man. Mahal kita Hails."
Napangiti ako. Ang sweet din pala talaga ni Zach. Kinuha niya yung bulaklak at inilagay sa tainga ko habang bumubulong,"I love you..."
"O siya, may manliligaw na akong dadalhin sa bahay at ikaw yon."
Naglakad na kami papunta sa bahay. Hindi pa rin matanggal ang kaba ni Zach at syempre yung kaba ko. First time kong magdadala ng lalaki sa bahay. Anong magiging reaksyon ng parents ko?
Saka kakayanin ko bang humarap sa kanilang dalawa ngayon na hindi na virgin ang lips ko?
"Uhmm Zach, sa tingin mo. Okay lang ba talaga si Mika?" Nasabi ko out-of-the-blue.
"Oo Hails. Sinisigurado ko sa'yong nakangiti na ulit yon bukas. Wag ka na ma-guilty, wala ka rin namang kasalanan doon. Saka matagal na kaming break."
"Matagal na? Kailan pa?"
"Mga last week pa. Hindi ko na kasi kaya... ikaw rin naman palagi kong nababanggit tuwing kasama ko siya. Ang unfair naman sa kanya nun, yung tipong siya kasama ko pero ikaw yung nasa isip ko."
Napatango na lang ako. Ibig sabihin last week pa? So hindi ko na pala talaga ko dapat nakipag-usap kanina kasi ayos na?
Pero in a case, kung hindi ako nakipag-usap sa kanya, marahil hanggang ngayon ay nagtataguan pa rin kami ng feelings sa isa't-isa.
Siguro nga tama si Dianne. Panahon ko naman ngayon para sumaya. I deserve to be happy... and that's with Zach.
"Sorry pala Hails."
"Huh? Para saan? Bakit ka nagso-sorry?"
"Kasi hinalikan kita... pinipigilan ko kasi talaga yung sarili ko nun kaso ayun, ngumuso ka tapos pumikit. Hindi ko na mapigilan."
Namula ako. In the first place kasi ay alam kong ako rin ang nag-initiate. Damn! I even pulled him for a deeper kiss!
Anong klaseng babae ba ako?!
"Sorry Hailey---"
"Eh yung totoo naman, ako ang may kasalanan. Ako naman yung..." Tumingin muna ako sa kanya bago dinugtungan ang sasabihin ko.
"Ako rin yung nag-initiate. Wala ka namang kasalanan." Nginitian ko si Zach.
"Kahit na---"
"It's okay nga lang. Don't feel guilty."
Tumango na lang si Zach at nagtanong,"So... asan na yung bahay niyo?"
Tinuro ko yung bahay na nasa tapat namin,"Ayan. Yan yung bahay namin."
YOU ARE READING
Story of Us
Ficção GeralI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...