Chapter 44: Soon

5 1 0
                                    

Hailey's POV


Smile Hailey. Good morning! :) (996)


Automatic na kumunot ang noo ko pagkabasa doon sa note na nakadikit dito sa bagong dating na libro. Hindi na rin naman masyadong big deal sa'kin yon, aba naman kasi. Ilang buwan na rin yong nagpapadala, malamang ay masasanay na ako.


Pero wait, parang may kakaiba doon sa note. Binasa ko ulit and shoot! Yung 996. Anong ibig sabihin nun? Is that a code name?


Hmm. If 996 will be substituted as letters... it will be IIF. Tsk. Makes no sense. Ano naman yon? Initials? Pero kung initials yon, bakit ngayon lang niya nilagay?


Saka enclosed with parentheses yung 996 so it could be more than initials. Something more... hmmm.


"Kams ano na? Aattend ka bang P.E o ano?"


Napabalikwas agad ako nang narinig ang boses ni Dianne. Masyado akong pre-occupied doon sa 996 hayst.


***


"Anong 996? Combination ng mga numbers?" Nangungunot ang noo ni Dianne habang umiinom ng tubig. Kakatapos lang ng P.E and salamat sa schedule dahil recess na.


"Oo? Ang weird eh."


"Tsk. Dapat diyan sa nagpapadala ng libro, tumigil na. Aba! Ngayon na manliligaw na sa'yo---"


"Oh my God."


"Oh?" Tinaasan ako ng kilay ni Dianne, "Bakit para kang may na-realize?"


Napatitig ako sa kawalan,"Kams... hindi ko pa rin maisip eh."


"Na ano? Yung 996? Hayaan mo na yun. Mafi-figure out mo rin naman yon."


"Hindi yun."


"Eh ano?"


"Na ano..." I pursed my lips and whispered,"Na nililigawan na ako ni Zach."


Humagalpak si Dianne ng tawa at pinindot ang tagiliran ko,"Cute mo Kams! Palibhasa first time mong magkakaroon ng manliligaw. Ayan napapala mo sa pambabasted ng mga nagtatapat pa lang eh."


Napanguso na lang ako. Tama rin naman si Dianne doon. Nagtatapat pa lang eh sinasabi ko agad na I'm so into acads and wala silang mapapala sa'kin.


Pero iba si Zach eh. Bukod sa gusto ko rin siya, talagang pumunta pa siya sa bahay para hingin ang permiso nila Mommy. Sino ba namang hindi matutuwa doon.


And speaking of Zach, I see him walking. May dala-dalang flowers at hindi kataka-taka na tumigil siya sa harapan ko. Automatic na ngumiti si Dianne na para bang para sa kanya yung flowers.


"Naks Zach! Seryoso ah!"


"Hindi lang ito yun Dianne. Simula pa lang to," Saka ngumiti sa'kin,"Flowers Hailey, sana magustuhan mo," Napakamot pa siya sa batok niya.


"S-Salamat," Ani ko habang tinatanggap yung flowers. Tatlong piraso lang yun pero sobrang special para sa'kin...


"Nagustuhan mo ba? Kasi ano eh... alam kong sanay ka nang makatanggap ng mga ganyan..." Nahihiyang usal ni Zach kaya naman nginitian ko siya.


"Ano ka ba. Malamang eh nagustuhan ko. Tatanggapin ko ba ito kung hindi ko gusto?"


Magsasalita pa sana si Zach nang biglang dumating si Rica at Irene. Parehas nakakunot ang noo nila habang nagpapalipat ang tingin sa'kin, kay Zach at sa flowers na hawak ko.


"Anong meron?" Pang-uusisa kaagad ni Rica. Si Irene naman ay nakatitig lang, tila nag-iisip na ng malalim.


Hindi agad ako nakapagsalita. Caught in the moment ako. Para kasi akong mabubulol kung sasabihin ko yung word na nanliligaw. Ewan, ang weird kasi. It sounds foreign to me right now.


Kaya naman napatulala ako kay Zach ng nagsalita siya.


"Nililigawan ko si Hailey," Ngumiti siya at napatingin kay Irene,"Salamat pala sa pagtatanong sa'kin kung kaibigan lang ba ang tingin ko kay Hailey, na-realize ko itong nararamdaman ko dahil doon."


Isang ngiti at tango lang ang pinakawalan ni Irene. Si Rica naman ay parang baliw na asar ng asar sa'kin. Nakakahiya pa dahil nandon si Zach, hindi tuloy ako makapagsalita.


"Uuuuy si Hailey namumula!!"


Napanguso ako at bumulong,"Tama na Rica, nakakahiya oh."


"Nakakahiya kay Zach? Nakuu, dalaga ka na nga talaga!" Niyakap niya ako,"Congrats sa pagdadalaga. Nakaka-proud ka naman."


"Anong nakaka-proud doon?" Napataas ang kilay ko na itinawa naman ni Rica.


"Kasi you've been tamed at last. Tatlong taon kitang bestfriend at ni isang manliligaw, hindi nakakapasa sa'yo. And look at Zach..." Malapad ang ngiti ni Rica habang winiwika ang mga katagang iyon.


Napatingin ako kay Zach na ngayon ay iniinterogate na ni Matthew. Napataas pa ako ng kilay dahil hindi ko namalayang nandoon siya. Siguro ay kasama ni Rica, hindi ko lang napansin.


Napangiti ako dahil nakita ko silang nagkukwentuhan. Nakakatuwang nakasundo ni Zach si Matt, napakahirap din kasing intindihin ang ugali nun.


"Nahuli kitang nakatingin sa'min ni Hailey nung ibinili ko siya ng Chocolate Ice Cream eh," Ngumiti ito at bumulong na rinig pa rin namin,"Sabihin mo nga, may feelings ka na nun kay Hailey 'no?"


Zach glanced at me and sheepishly smiled,"Oo," Kinamot pa niya ang batok niya which I find cute.


"Ingatan mo yang kababata ko ah? Alam kong mahilig manakit ng kalalakihan yan pero hindi sapat na dahilan yun para saktan siya. Bro, babae pa rin yan at kapag nasaktan yan..." Mayabang na ngumiti si Matt,"Alam mo na."


"Oo naman! Pero alam mo kasi... hindi naman maiiwasang magkasakitan kami ni Hailey ng loob. Parte yun ng isang matibay na relasyon." Mula sa pagiging seryoso ay ngumiti siya at tinapik ang likod ni Matt.


"Pero wag kang mag-alala, kung sakaling magkakasakitan man kami ni Hailey, hindi yun intentional. Kasi wala akong balak saktan yung babaeng gusto kong pasayahin."


Mukhang satisfied si Matt sa sagot ni Zach dahil ngumiti ito at nagpasalamat. Natuwa naman akong makita iyon. Pasadong-pasado si Zach sa lahat ng mga mahahalagang tao sa buhay ko.


Maybe he's really worth it then...


Natapos din ang klase kasama na rin ang pagkakakuha ko ng panibagong libro na as usual ay may pangalan ko. Sanay na sanay na rin ang mga kaklase ko doon. Siniko pa nga ako ni Jessica na kinikilig.


"Ang taray niyan ah! March na at patapos ang klase pero hindi ka pa rin tinitigilan!"


Sinuklian ko na lang iyon ng isang ngiti at tinignan iyong libro. Napataas din ang kilay ko dahil may isang maliit na papel na nakadikit sa may likuran.


Makikilala mo rin ako, soon ;)  (997)

Story of UsWhere stories live. Discover now