Zach's POV
Sinamahan ko na si Hailey pauwi, bukod sa gusto ko siyang ihatid, gusto ko ring malaman kung saan ang bahay niya at para na rin makapagpakilala na ako sa mga magulang niya.
Kinakabahan ako. First time to eh, hindi naman kasi ako nakipagkilala sa parents ni Mika noon. Wala lang, hindi ko lang talaga trip magpakilala noon.
Pero ngayon, gustong-gusto ko nang makipagkilala sa parents ni Hailey. Gusto kong malaman nila na liligawan ko sila pati na ang anak nila. Gusto kong hingin ang permiso nila. Gusto kong maging legal ang lahat sa'min ni Hailey.
Napatitig ako kay Hailey na nasa tabi ko rin. Nag-iisip din ng malalim. Malamang sa malamang ay kung hindi iyon tungkol kay Mika, tungkol iyon doon sa halikan namin kanina.
"Bakit Hailey?" Napalingon siya sa'kin at napairap. Napangisi na lang ako, ang cute talaga nito.
"Iniisip mo pa rin yung kiss? Gusto mo pa ba ng isa?"
Napa-aray na lang ako dahil binatukan ako ni Hailey. Naiintindihan ko naman na kaya nagkakaganito si Hailey ay dahil paniguradong first kiss niya yon. First kiss niya, tapos torrid pa.
Napadako ang usapan namin sa pagpunta ko sa bahay nila. Sabi niya gigisahin ako pagdating doon. Pvta aaminin ko, kinakabahan na ako. First time kong gagawin to sa buong buhay ko.
"Eh kasi... ilang manliligaw mo na ba ang nadala mo sa bahay niyo? Shet, sinisimulan na akong kabahan."
Medyo nag-alinlangan pa ko sa pagsasabing kinakabahan ako dahil baka ma-turn off si Hailey. Ang gay sh*t naman kasi nun. Pero kinakabahan talaga ako eh, kaya kailangan kong sabihin sa kanya.
"Ikaw pa lang..." Pinanliitan niya ako ng mata,"Pero hindi ka naman nanliligaw sa'kin kaya... wala pa."
Oo nga pala. Hindi pa ko opisyal na nanligaw sa kanya, hayst. Ano ba naman akong hinalikan ko kaagad itong babaeng gusto kong ligawan? Tsk.
Sinenyasan ko siya na hintayin ako dahil tumakbo ako papunta doon sa may bukana ng subdivision nila. Napansin ko kasing maraming bulaklak doon na iba't-iba yung kulay. Pumitas agad ako sa mga bulaklak na iyon at tumakbo pabalik kay Hailey.
"Zach----" Iniabot ko kaagad sa kanya yung bulaklak na siya namang ikinakunot ng noo niya,"Para saan to?"
"Hailey..." Lumuhod ako sa harapan ko at hinawakan ang kamay niya. Sh*t, bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?
"Sa ngalan ng bulaklak na yan, sumusumpa akong liligawan kita kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako sa'yo Hailey... kahit ilang buwan o taon man. Mahal talaga kita Hailey."
Napangiti si Hailey pagkatapos kong sabihin iyon kaya kinuha ko yung bulaklak at inilagay sa tainga niya habang bumubulong,"I love you..."
Ilang minuto pa akong napatigil dahil hinihintay ko kung anong reaksyon ni Hailey. Maya-maya lang ay humarap siya sa'kin at ngumiti.
"O siya, may manliligaw na akong dadalhin sa bahay at ikaw yon."
Kanina pa yon kasi ngayon, nakatitig na ako sa bahay nila Hailey. Hindi ako tatakbo, talagang kinakabahan lang ako. First time to, paano ako magiging katanggap-tanggap sa parents niya?
Dire-diretso si Hailey sa gate nila at binuksan iyon. Nang mabuksan ay tumango siya sa'kin,"Ano tara na?"
"A-ah... Oo. T-tara..."
Pvta. March na ngayon, summer. Bakit nilalamig pa rin ako? Takte, yung puso ko rin parang lulundag na. Sh*t. Sobra-sobrang kaba na yung nararamdaman ko.
"Mommy..." Rinig ko si Hailey mula sa loob. Pvta, bakit ba hindi pa ako napasok?
"...m-may ipapakilala po ako. Si ano po... uhmm." Lumingon si Hailey sa may pintuan. Tinatanggal ko pa yung sapatos ko pero bago ko pa tuluyang matanggal yon ay bigla akong hinila ng isang babaeng parang ka-edad lang namin.
"Naku wag mo na tanggalin yung sapatos mo! Halika, upo ka dito sa upuan," Sabi nung babae habang hinihila ako papunta sa sofa nila. Naglagay na kaagad siya ng juice at meryenda sa mesang nasa tapat ko.
Ang bilis. Pinaghandaan ba to?
Maya-maya lang ay nasa tapat ko na yung babae. Saka ko napagtantong siya pala iyong nanay ni Hailey. Naman Zach!
"M-Magandang hapon po!" Bati ko sa kanya na agad naman niyang sinagot sa pamamagitan ng tawa.
"Nakakatuwa ka nako! Kain ka lang, alam mo bang ang tagal naming hinintay na magdala si Hailey ng lalaki dito? Tapos ngayon nangyari na! Naku, wala na akong mahihiling pa!"
Napangiti na lang ako. Ibig sabihin, ako pa lang talaga ang nadadala ni Hailey dito? Nakakatuwa naman pala kung ganon.
"Napaka-maldita naman kasi ng batang yan. Sabi nga ni Dianne ay sangkatutak ang binabasted niyan. Ano nga palang pangalan mo iho?"
"Z-Zach po."
"Ah. So... pumunta ka dito para?"
Napatitig ako sa nanay ni Hailey at kinakabahang sumagot,"Manliligaw po ako sa anak niyo Ma'am. P-pwede po ba yon?"
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng nanay ni Hailey. Sh*t, papalayasin na ba ako ng bahay nila? Papalayuin na ba ako kay Hailey? Hindi ba pwedeng ligawan si Hailey?
"Waaaah!!!" Tumili ang nanay ni Hailey at maya-maya'y kinuha ang cellphone niya,"Kailangang malaman ito ni Samson! May manliligaw na yung anak namin!!!"
Namilog ang mata ko. Anong nangyayari? May nasabi ba akong iba?
"Mi!!!" Rinig kong sigaw ni Hailey habang pababa ng hagdan,"Calm down!"
Maya-maya ay umupo na ulit sa upuan yung nanay ni Hailey. Tinabihan naman siya ni Hailey na parang nahihiya sa mga pinaggagagawa ng nanay niya kanina.
Ngumiti yung nanay niya at bumaling sa'kin,"Zach right? Uhmm, sorry about my reaction. First time kasi talagang may aakyat ng ligaw dito, nakaka-overwhelm lang talaga. Saka Tita na lang ang itawag mo sa'kin, doon din naman papunta yon."
Muntik na akong mapanganga sa sinabi ni Tita. Ibig bang sabihin nito ay okay lang sa kanila? Maliligawan ko nga si Hailey?
"Zach, wag ka na munang umalis. Hintayin mo yung Daddy ni Hailey. Saka..." Iminuwestra niya ang mga photo album na nakakumpol sa may maliit na mesa,"Ayun yung mga photo album ni Hailey, gusto mo bang makita?"

YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...