Chapter 11: What Was That?

15 1 0
                                    

Naasar na talaga ako kay Zach! Argh! Bakit ba naging crush ko yon samantalang napaka-yabang at arogante naman?!


Nagtext kasi siya sakin kagabi. Akala ko nga kung ano na dahil nakakagulat ang text niya. Ganito kasi ang laman:


Hi Hailey, crush mo daw ako? Totoo ba yon? Paki-confirm naman pero sana wag mong i-deny.


See? Assuming (kahit totoo naman?) pero damn! Hinding-hindi ako aamin sa kanya na crush ko siya! Never! Hindi ako kagaya ni Rona na naghahabol sa crush niya! I'm not that desperate.


*BOOGSH* (sound ng nagkabungguan)


Oh sh*t! Natapon lahat ng gamit ko! Tsk! Madampot ko lang talaga tong mga to, gigiyerahin ko yung kung sino mang nakabunggo sakin.


"Wait. Shanelle?" Napalingon ako dahil may bumanggit ng cute kong second name.


"M-Matthew?" Halos manlaki ang mata ko nang tumango siya kaya hinawakan ko ang ulo niya para tignan kung si Matt nga talaga to,"Waaah! Totoo ka! Matt-matt!"


Niyakap ko siya. Syempre, ganon naman talaga ang reaksyon kapag nakita mo ulit yung kababata mong huli mong nakasama noong 8 years old kayo. At siya lang rin ang tumatawag sakin ng Shanelle.


Pagkatapos naming damputin yung mga nagkalat kong gamit ay naglakad na ulit kami habang nag-uusap. Aba, namiss kaya namin ang isa't-isa.


"Musta? Tagal din nating hindi nagkita ah?" Bitbit niya ang ilan kong gamit. Ang dami ko kasing bitbit na kung ano-ano eh.


"Okay lang naman. Ikaw ba?" I grinned,"Nyaay! Madami ka ng chiks no!!" Pang-aasar ko sa kanya. Ang guwapo kasi kaya hindi kataka-taka kung marami siyang chiks.


"Grabe ah! Hindi naman! Pero madaming nagkaka-crush sakin."


Napairap ako, dahil nakamapang-asar siyang ngiti"Psh. Teka..." Napansin ko na hindi siya naka-uniform,"Wala kang pasok?"


"Wala. Alam mo naman yung school ko di'ba?"


"Ay doon ka pa rin? Naks naman! Forever na this!" Biro ko sa kanya. Doon kasi siya sa school na yun nagsimula mula pa noong summer classes nung 3 years old kami.


"Ako pa ba? Syempre loyal to!" Napailing ako sa kakulitan ni Matthew. Nakaka-miss nga talaga ang taong to.


"Ihahatid na lang kita sa school niyo."


Mariin akong umiling sa alok ni Matt. Mapapalayo lang kasi siya pag hinatid niya pa ako. Saka kaya ko namang pumasok mag-isa.


"Sige na Hailey. Ayaw mo ba akong kasama?" Humarap si Matt sakin at nag-pout,"Hindi mo ba ako na-miss?"


Binatukan ko siya,"Oo na! Ihatid mo na ako basta tigilan mo na yang pag-pa-pout mo! Mukha kang aso." Asong guwapo rather.


"At least cute," Kumindat pa siya kaya binatukan ko,"Aray Shan! Tara na nga."


Nilibre niya ako ng pamsahe sa tricycle. Nakakahiya man pero ayos na yon, at least nakalibre ako ng pamasahe. Sino nga bang tatanggi sa 'libre' nowadays?


Pagkababa namin sa tapat ng school ay hinila ko siya papunta doon sa may Ice Cream Stand.


"Sige na Matt! Ilibre mo na ako! Ngayon na nga lang tayo nagkita diba?" Pamimilit ko sa kanya kaso ayaw niya talaga,"Sige na Matt? Pleaseeeeeeeeee?"


"Ayoko nga sabi. Baka madumihan pa yang uniform mo."


"Grabe ah! Hindi na kaya ako ganon kakalat kumain kagaya noong dati! Baka ikaw yon!" Pangongontra ko sa kanya.


Nung mga bata kasi kami, we used to be a mess. As in super kalat naming kumain. Super kulit. Super harot. Kaya nga siguro kami nagkasundo ni Matt. Kasi pareho kaming baliw.


"Ayoko pa rin. Hindi ako kumbinsidong maimis ka na kumain kasi traumatize pa rin ako doon sa Cake murder noong 4th birthday ni Marcus."


"Grabe ka Matt! 7 years old pa tayo nun!" Tsk. Napakatibay nga naman ng memorya nitong lalaking to.


Yung cake pala nung birthday ng kapatid niya. Invited ako sa party dahil syempre, ako ang kanilang nag-iisang girl best friend. Para nga kaming magkakapatid nun dati dahil wala silang kapatid na babae.


"Hatiin na nga kasi natin yung cake!" Pamimilit ko. Mukha kasing masarap yung cake na inorder nila. Chocolate tapos may figure ni Batman sa ibabaw.


Bukod kasi sa alam kong masarap yung chocolate, gusto ko ring kunin yung Batman na laruan. Ang galing kasi niya eh!


"Hindi pa nga pwede Shan-shan! Kailangan pa nating kumanta!"


Inirapan ko si Matt. Ang epal kasi. Palagi na lang akong pinipigilan sa kung ano-ano.


"Tch. Bahala nga kayo."


Takot akong humawak ng kutsilyo because Mommy said na it's dangerous kaya kamay ang ginamit ko para kumuha ng cake. Bahala na basta makakain ako at makuha si Batman.


"Hoy Shanelle! What are you doing?!" Sinigawan ako ni Matt sa tainga kaya pinahiran ko siya ng cake sa mukha.


Sa sobrang inis naman ni Matt ay gumanti din siya sakin at pinahiran din ako sa mukha ng icing. Tanda ko pa nga nun na binato ko pa sa kanya yung Batman na laruan. Results? Na-murder yung cake. Umiyak pa nun si Marcus dahil wala na siyang Birthday cake.


"Basta ayoko."


Tss. Pahirapan naman tong lalaking to! Nakakaasar ah! Pwede ba boys pag nagpapalibre ang girls, ilibre niyo na. Hindi bagay sa inyo ang magpabebe.


"Ayoko na. Nagtatampo na ako," Kinuha ko ang gamit ko sa kanya at tumalikod. Sh*t. Sana gumana ang Plan A ko.


"Hoy Shan-shan, akina yan," Whoo! Success!


Hindi ko binigay yung gamit at patuloy na naglakad. Nagpahabol ako. Yeah, bagay kasi sa babae ang ganon.


"Tsk. Sige na nga. Ililibre na kitang Ice Cream, anong flavor ba?"


See? Umepekto ang Plan A ko! Oh my goshy gulay Hailey! You're a genius! Ay, masyado na akong nagtataas ng sariling bangko. Dapat pala humble lang.


"Weh?" Paninigurado ko. Mahirap na, baka bigla akong pagbayarin nito sa tindera.


"Oo nga. Ayaw mo na ba?"


"Hindi ah! Syempre gusto ko!" Nginitian ko siya,"Chocolate syempre!"


Kasabay ng pagsabi ko nun ay ang pagdaan ni Zach sa gilid namin ni Matt. Nakatitig siya samin at kita ko ang inis sa mata niya habang tinititigan si Matt. Napaiwas lamang siya ng titig nang tinignan ko rin siya.


Now what was that?

Story of UsWhere stories live. Discover now