Chapter 15: Confusion

17 1 0
                                    

Zach's POV


Sabay ulit kaming pumasok ni Mika. Ang ganda nga niya ngayon habang suot-suot yung headband na pang-diwata. Yung may mga bulaklak aish, ano ngang tawag sa ganoon?


"Tumigil ka nga kakatitig." Nag-pout siya. Sh*t. Ang ganda niya talaga.


Napakamot ako sa batok ko. Mannerism ko ata,"Sorry baby, hindi ko mapigilan. Ang ganda mo kasi eh."


Yumuko na lang si Mika. Ano ba yan, nakaka-inlove talaga ang babaeng to. Pasalamat na nga lang ako at sinagot niya ako imbis na yung ibang nanliligaw sa kanya.


Hinatid ko siya sa room nila kaya ayun, tinukso kami. Kesyo ang sweet ko daw at nagdadala kami ng langgam sa room. Napailing na lang tuloy ako.


Pagkadating ko sa corridor sa 1st floor ay nakita ko si Hailey habang nakaupo at may nakapatong na notebook sa mukha niya. Napangiti ako, may pagka-isip bata rin pala ang isang to.


"Haileeeeey..." Sinundot ko ang pisngi niya kaya naman hindi siya magkandaugaga sa pag-ayos ng upo.


Tumaas ang isang kilay niya,"Anong kailangan mo?"


Napangiti ako lalo. Naalala ko kasi yung unang pagkikita namin at ganyang-ganyan din yung itsura niya nun. Ang cute, idagdag pa ang pamumula ng pisngi niya.


Nag-pout siya kaya naman mas napangiti ako. Ito ba ang dahilan kung bakit ang daming nagkakagusto sa kanya? Hindi naman kasi nakakapagtaka lalo na't maganda talaga siya at dalang-dala niya ang sarili niya.


"Wala akong kailangan. By the way, good luck sa recitation niyo." At umalis na ako pagkasabi nun.


Pagkapasok kong room ay ayun, nagsimula na ang klase. Syempre, tabi-tabi kaming magtotropa, hindi kasi kami sumusunod sa seating arrangement. Dapat kasi by friendship ang arrangement ng upuan.


"Pre samahan niyo ko mamaya." Usal ni Migs. Kanya-kanya naman kaming tanong kung bakit kasi syempre, may mga love life din kaming kailangan asikasuhin.


Ngumisi si Migs,"Isu-surprise ko si Dianne. Eto oh." May itinaas siyang box at napanganga na lang kaming magtotropa.


"Wow pare! Mag-po-propose ka na?!"


"G*go ka pare! Hindi pa nga kayo legal tapos ang lakas ng loob mo!"


"Hoy tol! Ang bata-bata mo pa tapos magpapatali ka na?! Saka anong ipapakain mo kay Dianne?!"


"Whooo! Goodbye sex life!" Pumalakpak pa si Alex habang sinasabi yon. Nabatukan tuloy siya ni Migs.


"Pvtang*na niyo naman mga pare oh. Nagtaas lang ng box, mag-po-propose na kaagad? At ikaw Alex, wag mo kong tinutulad sa'yo." Diretsong sabi ni Alex. Kami namang lahat ay nagpipigil ng tawa.


Sa aming magbabarkada kasi, si Migs ang may pinakamaraming chiks. Naka-first base na nga rin yan eh pero nabago ni Dianne. Ang pagmamahal nga naman.


Umayos din naman ang usapan hanggang sa iyon na nga, isu-surprise na ni Migs si Dianne. Monthsary kasi nila at gustong magpaka-sweet ng lalaking to.


"Happy Monthsary 'by! I love you so much!" Hinalikan ni Migs si Dianne sa noo habang sila Hailey sa likod ay nagtatawanan.


Pagkatapos nung surprise ay nagyaya si Migs sa Pizza Hut. Pwede naman daw namin isama yung mga love life namin pero hindi ko na isasama si Mika.


Story of UsWhere stories live. Discover now