Chapter 22: Mahal

17 1 0
                                    

Naging tahimik si Ryde after ng pangyayaring yon. Hindi ko lang talaga alam kung bakit. Siguro binasted siya nung taong gusto niya?


Hindi naman kasi nagsasabi sa'kin ang lalaking yon! Para saan pa at naging mag-close friends kami. Pero sabagay, iba nga naman kasi pag hindi sa kapwa mo gender ka magsasabi ng problema mo.


Kaya nga siguro tayong mga girls, sa kapwa girls din nag-ko-confide. Siguro kasi...tingin natin, hindi maiintindihan ng mga lalaki yung mga pinoproblema natin. Ganon din siguro ang iniisip ni Ryde.


Pero eh! I'm his friend! Pwedeng-pwede naman siyang sumandal sa'kin at mag-share ng problema niya! Maaaring hindi ko maiintindihan, pero iintindihin ko para sa kanya.


"Hails? Anong problema mo?" Tinaasan niya ako ng kilay pero dahil alam kong nonsense lang to para sa kanila, tinaas ko lang ang balikat ko,"Ano nga?"


Nilingon ko si Rica na yakap-yakap ang unan niya at nakatingin sa'kin. Ganoon din ang dalawang babae sa gilid. Si Irene na hawak-hawak yung mga pagkain ni Rica at si Dianne, ayun, hawak yung isang picture nila ni Migs.


"Wala akong problema." Bumaling ako kay Dianne,"Hoy ikaw, paano ka makakamove-on kung tinititigan mo pa rin yan? Partida, hawak-hawak mo pa. Dapat diyan ibinabaon."


"Saan Kams? Sa lupa? Naku, wag naman!!"


"G*ga! Binabaon! Binabaon sa limot!" Umamba akong kukunin yung picture pero iniwas niya. Inirapan ko tuloy,"Tapos iiiwas mo? Oo eh! Ganyan kayo! Gustong-gusto mag-move on pero hindi naman gumagawa ng paraan para makamove-on. Puro kayo rants."


"Tse! Wag mo nga nililipat yung topic sa'kin! Ikaw itong tinatanong namin kung may problema ka!" Inismiran niya ako,"Nako Kams, wala na. Laos na strategy mo."


At nagtawanan silang tatlo habang ako ay nag-pout na lang. Pinagtutulungan na naman nila ako. Hayst.


"So ano nga 'lei?" Tinitigan ako ni Irene. Eto yung magaling magpaamin eh, as in, pag may gusto siyang tanong na sagutin mo, masasagot mo talaga yon kahit ayaw pa ng buong sistema mo.


Hindi ka makakaligtas. Walang palusot. Walang method. Walang strategy. Irene is more than Detective Conan. Minsan, nagtatanong lang yan for assurance kasi may idea na talaga siya.


Kaya ako, sasabihin ko na. Minsan kasi kailangan mo talagang sumuko na kasi hindi na talaga kakayanin. Kaya nga naimbento ang salitang 'backfire'.


Pero hindi naman ibig sabihin ng 'backfire' eh susuko ka na agad. Minsan ang ibig sabihin lang nun ay tiyempo. Pansamantalang hinto, saka susugod ulit.


"Pwede next time ko na lang sasabihin? Please?"


Nag-puppy eyes pa ako para dagdag awa habang sinasabi ko yon. Saka I mean, wala rin namang mangyayari if ever na sasabihin ko yon sa kanila, masyado lang akong affected kay Ryde I think.


Buti na nga lang at umepekto sa kanila yon. Salamat na rin at naiintindihan nila ko. Kasi di'ba? We all need that damn privacy. We all keep some secrets for ourselves and only ourselves know it..


Awkward pa rin kami ni Ryde nung mga sumunod na araw. Hindi ko na alam. Nalilito na ko kasi hindi ko naman alam kung anong ginawa ko sa kanya eh hindi ko nga siya inaaway---ay teka?


Hindi kaya sumama ang loob niya sa'kin nung nasampal ko siya?


"Ryde! Ryde!" Hala? Bakit hindi nagsasalita ang isang to? "Ryde! Uyy?"


Hindi pa rin ako pinapansin ni Ryde kaya tinapik-tapik ko siya sa braso niya at pinakukurap ko pa ang mata niya pero bakit ayaw pa rin? Bakit parang walang epekto? Sinampal ko tuloy siya.


"Aray Hailey!"


Pero di'ba tumawa rin naman siya nun? Hayst. Nakakalito talaga. Ano bang ginawa ko kay Ryde? Nakakairita na ah!


Ako pa naman yung tipo ng tao na ayokong nagagalit sa'kin yung kaibigan ko as in, kagalitan na ako ng lahat wag lang mga kaibigan ko. Masakit pag ganon. I'll feel deserted...and alone.


"Ryde." Kinorner ko si Ryde sa may likod ng classroom. Wala eh. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa kanya.


Hindi niya ko nilingon. Aba't! Parang gusto pa ata akong pahirapan ng lalaking to! Hay nako! Hailey! Keep calm! Nakakabawas ng ganda ang stress! As if namang mababawasan? Ay jk lang, buhat bangko.


"Ryde ano ba?"


"Ano rin?" Sarkastiko niyang sagot na nagpalaki ng mata ko. Seriously? Sinasagot ako ni Ryde ng ganito?


I mean, si Ryde? Kakausapin ako ng ganito? I'm used talking and answering with sarcastic tones pero si Ryde? Hindi kaya nasapian na siya ng kung anong engkanto o lamang-lupa?


"Hayst. Ewan ko sa'yo Ryde. Pwede ba? You can say what you have in mind straight to my face. I don't deserve this cold treatment that you're giving me."


"Hindi mo rin naman kasi maiintindihan." What the fvck?


"Hindi ko maiintindihan? O baka naman hindi mo mom ang talaga masabi sa'kin?" Tinaas ko ang kilay ko,"Ano ba yon?"


Boy thing ba? Bakit ba kasi naniniwala sila na 'same sex, better understanding'. Eh pare-parehas lang naman tao ang lalaki at babae ah! They all have brains!!


"Sorry Hailey. I can't." Hinawi niya ang kamay ko para sana dumaan pero hindi ako nagpatinag. Tinignan naman niya ako at nakita ko na naman ang malulungkot niyang mata,"Excuse me."


"No." Matalim ko siyang tinitigan,"Hindi ka aalis dito hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko."


"Fine!" Itinaas niya pa ang mga kamay niya as sign of defeat. Para pang rinding-rindi siya sa'kin nang ginawa yon. Aba! Siya pa talaga itong narindi?!


"Ano? Akala ko sasabihin mo na?"


"Gusto kita Hailey. Gusto kita. And it fvcking hurts to know na may gusto kang iba." Napailing siya,"Si Zach di'ba? Tsk. Kaya please, hayaan mo akong iwasan ka."


Ilang minuto akong natameme dahil sa isinagot ni Ryde sa tanong ko. Ni hindi nga ko nakagalaw to the point na hindi ko namalayang umalis na si Ryde. Ang tanging nararamdaman ko lang ay pagkalito.


Pagkalito sa kung anong nangyayari.


Lutang akong umuwi nung mga oras na yon. Hindi ko na nga rin napansin ang paghihiwa-hiwalay namin ng landas nila Dianne. Basta mag-isa na lang ako, yun na yun.


"Hailey."


Lumingon ako sa kanya at hindi ipinahalata ang pagkagulat sa presensya niya,"Bakit?"


"Can we...uhmm...p-pwede ba tayong mag-usap?"


Tinitigan ko siya sa mata,"No."


"Please."


"No Zach." Tinalikuran ko siya pero hinila niya ako. Agad ko namang tinanggal yung pagkakahawak niya sa kamay ko,"Ano ba!"


"Hailey naman!"


"Ano?!"


"Mag-uusap lang naman tayo ah! Ano bang mahirap gawin doon?" Aba! Siya pa talaga itong may ganang magtaas ng boses!


"Edi mag-usap! Oh? Anong sasabihin mo? Dali!"


Tinitigan niya lang ako kaya halos mapairap ako sa kawalan. Ano bang gustong mangyari ng isang to?


"Oh? Magsasalita ka ba?"


Umiling siya. Tss. Pampasayang lang ng oras. Tumalikod na ako at naglakad na palayo kaso parang may narinig akong sinabi niya.


"Mahal na nga talaga kita."

Story of UsWhere stories live. Discover now