Hailey's POV
Hindi ko na pinansin si Zach after nung nangyari. At ayoko na ring pag-usapan yon! Basta ayun, nung nag-collapse ako, hindi ko na alam kung anong mga nangyari basta pagkagising ko nasa bahay na ako. I don't even have a clue on how I got there! Eh imposible namang maglakad ako di'ba?
"Uii Hailey." Napalingon ako kay Mark. Ito yung manliligaw ni Cerlyn. And guwapo siya.
Nagiging close ko rin kasi ang isang to. Nagkakasundo kasi kami at minsan nga ay naaalala ko pa sa kanya si Matt. And oh, speaking of Matt, ano kayang ginagawa nun ngayon?
"Alam mo ba to?" Turo niya sa assignment namin sa Math na agad ko namang itinuro sa kanya kung paano gagawin. Mabait kasi ako eh.
Pagka-recess ay pumunta ako sa pinakadulo ng classroom at doon tahimik na kumain. Ayaw ko munang dumaldal ngayon.
Ganoon lang ako nang may marinig akong tumawag sakin. Nang nakita kong si Zach iyon ay iniwas ko kaagad ang paningin ko, kunwari hindi ko narinig at hindi ko siya nakita.
Ewan ko ba. Para kasing pag nakikita ko siya ay naaalala ko yung ginawa niya sa'kin. And I just can't hate him for that.
May problema na nga ata talaga ako sa pag-iisip.
Ilang araw na rin kasi akong sinusuyo niyan ni Zach. Hindi ko nga alam kung bakit ginagawa niya pa iyon. Tss. Nalilito lang ako lalo.
"Kams! Grabe kanina pa kita hinahanap!" Hinigit ako ni Dianne palabas kaya napairap ako. Kahit kailan talaga oh.
"Hailey!!" Boses ni Zach. Damn! Bakit boses pa lang niya ay nakilala ko kaagad?
Humagikgik si Dianne sa gilid ko,"Tawag ka niya oh."
Hindi ko na inimikan si Dianne. Wala naman kasi silang alam doon sa nangyari kasi hindi ako nagkuwento. Kumain na lang ako doon at hindi sila pinansin. Bahala sila dyan.
Nag-ring ang bell at papasok na sana ako sa loob kaso kinalabit ako ni Zach,"Uii...sorry na."
Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na ang pagpasok ko sa room. Sorry lang ba? Iyon lang ba ang katapat ng lahat ng iyon?
Pero come to think of it, paano kung siya ang nagdala sa'kin sa bahay? Kaso sabi nila mommy ay si Dianne ang nadatnan nila doon at sakay ako sa kotse nila. Pero hindi naman namin kasama si Dianne noong nangyari yon.
Tumabi si Dianne sa'kin nang medyo malapit na ang uwian. Ano na naman kaya ang sasabihin ng isang to?
"Kams."
"Oh?" Medyo nagtatampo kasi ako dahil may hindi siya sinasabi sa'kin.
"Uhmm. May kasabay ka pauwi?"
Wala si Rica so technically,"Wala."
"Edi ayos! Sabay na daw kayo ni Zach."
Napataas ang kilay ko nang sabihin niya yon. Bakit naman ako sasabay sa lalaking yon? At teka, may dapat pa nga pala akong tanungin sa babaeng to.
"Oy Dianne."
"Bakit kams?" May halong pag-pout pa yon dahil siguro hindi ko ginamit ang call sign namin.
"Paano mo ko dinala sa bahay nung nahimatay ako?"
"Uhh? Sa kotse?" Pilosopikong sagot niya kaya naman napairap ako,"Bakit ba?"
YOU ARE READING
Story of Us
Narrativa generaleI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...