Habang naglalakad ako pabalik ng room at may nakabanggaan akong mabangong guwapo pero snobber. Hindi man lang nag-sorry at nilagpasan lang ako. Aba! Hindi dapat ako ginaganoon!
Hinabol ko tuloy yung lalaki para batukan sa ulo. Nakakaasar! Kahit naman guwapo siya, hindi dapat siya nanggaganon ng babae!
Humarap siya sa'kin ng nakasimangot habang hawak-hawak ang parte ng ulo niya na binatukan ko,"Ano ba Miss?!"
"Ano rin ba Mister?" Nakapamaywang ako at nakatingala sa kanya. Ang tangkad naman kasi nitong kaharap ko!
Tinaasan niya ako ng kilay kaya ganoon din ang ginawa ko. Tss. Sino ba siya para katakutan ko? Akala niya ba matatakot niya ako?
Hell no!
"Wait..." Tinanggal nung lalaki yung salamin niya at nilapit ang mukha niya sa'kin. Napaatras tuloy ako.
"Hailey Shanelle Castillo..."
Hala? Sino ba itong lalaking to at kilala niya ako? Ay baka taga-dito siyang floor. Kilala nga pala ako dito.
Nagtataka ko siyang tinignan. Para kasing nakita ko na siya dati...hindi kaya secret admirer ko to noon na nag-confess? Omo. Ang guwapo naman.
"Hindi mo ako secret admirer kung iyon ang iniisip mo." Nanlaki ang mata ko nang sinabi niya yun pero mas lumaki pa dahil sa sunod niyang sinabi,"Sumama ka sa'kin sa Private Lounge ng Council."
Teka! Bakit niya ako isasama doon? Kasama ba siya sa Council? Pero kahit na! Hindi naman porket sinabi niya ay gagawin ko na.
"At bakit naman ako sasama sa'yo? Kilala ba kita?"
"Neil Ryan Reisler. For your information Ms. Castillo." Ngumisi siya habang nanlalaki ang mata ko. Sh*t! Si Ryan ba talaga to?!
Tinitigan ko siya ulit. How damn me na hindi ko siya nakilala?! Tss. Nagpagupit kasi siya kaya medyo nag-iba yung mukha. But what the fvck Hailey! Anl ba tong pinasok mo?!
Pero kailangan compose lang. Kunwari hindi ako natatakot. Pero kunwari lang talaga kasi nakakatakot ang sitwasyong to! Pwede akong matanggal sa mga 'running for valedictorian'!
"And so Ryan? A-Ano naman?" Fudge Hailey! Why stutter?
"Wow! Should I be impressed dahil na-re-retain mo pa rin ang composure mong iyan kahit nginig na nginig na yang mga labi mo?" Pumalakpak siya,"Nice talent huh?"
Inirapan ko na lang siya at tumalikod. Bakit ko ba kasi nakabangga itong mayabang naming presidente?!
"Hep hep. Bakit mo ko tinatalikuran?"
Humarap ako sa kanya,"Bakit? Aalis ako. Sa tingin mo ba may naglalakad palayo sa'yo na nakaharap? Tss. Guwapo ka sana kaso wala kang common sense."
Finlip ko pa ang buhok ko nang tumalikod sa kanya. Wala lang. Pampaasar lang sa kanya.
"Uh-huh? Talagang tatalikuran mo ang presidente ng school na to?"
"Bakit?" Hinarap ko na naman siya,"Sa tingin mo ba lahat ng tao dito takot sa'yo? Pwes hindi at isa ako doon."
Nagdire-diretso na ako sa room para hindi na masundan ni Ryan. Fvck! Nakakawindang ang kaguwapuhan ng presidente naming yon!
Pero eww! Masyadong antipatiko! Akala mo napakaguwapo kahit na guwapo naman talaga! Tss. Pero kahit na! Napaka-antipatiko at napaka-arogante niya!
Nakasimangot akong pumasok sa room kaya naman nagtanong sila Irene kung bakit daw. Hindi ko na lang sila inimikan at umupo na ng tahimik sa upuan ko.
Pero hindi ko pa man nananamnam yung moment ko sa pagkakaupo...
"Excuse daw po kay Ms. Castillo." Ngumiti sa'kin yung isang miyembro ng council,"From the president po."
The fvck!
"Hailey, you can go." Nakangiting saad ni ma'am. No ma'am! I can't! Hindi niyo po alam kung anong nag-aabang sa'kin sa headquarters!
Tumayo ako para hindi naman halata na may nagawa akong hindi kaaya-aya kanina.
"Mukhang may mali siyang ginawa ah." Tunatawang saad ni Rona sa mga kaklase namin. Inirapan ko muna siya bago sumagot.
"Mukha lang eh ikaw? Pagkakamali ka na eh."
Pagkasabi nun ay pinuntahan kona si Jana sa may pintuan at isang awkward na ngiti ang pinakita niya sa'kin at ganon din ang ginawa ko. Siguro dahil alam naming parehas na may ginawa akong kasalanan kay Ryan kanina?
Tahimik naman ang lounge slash headquarters pagkadating namin doon. Ano kayang patibong ang nilagay ni Ryan dito? Tss. Baka mamaya may sandaang ipis na lalakad papunta sa'kin! Naku, ayaw ko nun!
"Bakit ang tahimik Jana?" Nilingon ko si Jana pero nagulat nang nakita kong si Ryan na ang katabi ko,"Oh? Bakit mo nga pala ako pinapaunta dito?"
"Para magbayad ka sa ginawa mo."
"Ano namang ginawa ko?"
"Sumasagot-sagot ka sa'kin." Nilapitan niya ako kaya napaatras ako,"And that's one thing that you shouldn't do."
"Bakit? Kasi naaapakan ang ego mo? Bruised ego huh? That's all?"
"So what? Presidente ako dito and I can do whatever I want." Ngumisi siya,"At sinabi sa'kin ni Rona yung ginawa mo kay Janelle. Don't you know that she's my sister?"
Nanlaki ang mata ko. Kapatid niya yon? Kaya naman pala ang lakas ng kumpiyansa ni Rona na mapapagalitan ako. Tsk. Curse her!
"Ano? Hindi ka makaimik dahil alam mong talo ka?" Mapang-asar pang ngumisi ang lalaking to kaya binatukan ko.
"Oh sh*t!" Matalim ngayon ang titig sa'kin ni Ryan,"Ano bang problema mo?!"
"Ikaw! Nakakainis ka! Hindi porket matangos yang ilong mo at guwapo ka ay magiging ganyan ka na ka-antipatiko!"
Ngumisi siya lalo,"O edi inamin mo ring guwapo ako."
"Guwapo ka nga pero ang pangit naman ng ugali mo! Kaya ka siguro hindi nagkaka-girlfriend dahil ganyan ka!"
Nanahimik si Ryan nang sinabi ko ang mga katagang yon. Na-guilty naman ako. Masyado atang personal ang sinabi ko.
Pero bahala na, hindi pa rin ako magso-sorry. Pinutol niya ata ang pisi ng pasensya ko sa kanya.
"Ayan, buti naman nanahimik ka na. Next time kasi piliin mo kung sino ang taong tatakutin mo." At nilayasan ko siya kahit ako mismo ay punong-puno ng guilt ang nararamdaman.

YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...