Chapter 50: 1000th

4 1 0
                                    

Last week na ng school year at sobrang lapit na ng graduation kaya busy ang lahat especially kaming mga officers. Kasama ko ngayon si Ryan sa Private lounge ng Council at nag-aayos kami ng mga papeles.


Na-discharge na si Zach mula sa hospital pero hindi pa rin kami nagkikita dahil sobrang busy ko nga.


"Hailey, you should also prepare your speech. For handing your position as secretary and also for your Valedictory speech. Can you manage to memorize that in a week?"


"Uhm, kaya ko naman siguro. I'll bring a copy in the ceremony so I'll have a guide."


Tumango na lang si Ryan at nangalikot sa computer,"Okay, ikaw na ang bahala. Can you check these papers too? Pakiayos na rin and if possible, papirmahan mo na rin sa mga teachers."


Tumango na lang ako at tumayo sa upuan,"Yeah, I'll do it---"


"And also be sure to inform those graduating students about the rehearsals later at 2 pm."


Hindi ko na sinagot si Ryan bagkus ay lumabas na lang ng lounge dala-dala yung papers. Nandoon din naman ang ibang officers na tinutulungan siya, including Rona.


Speaking of Rona, she's the salutatorian of our batch. Nung unang ina-announce iyon ay halos patayin niya ako sa titig niya pero mas nakakamatay naman ang titig ko pag tinitigan ko siya pabalik. Nawala rin naman iyon makalipas ang ilang araw, natanggap din siguro niyang wala siyang magagawa kung valedictorian ako at salutatorian siya.


Gaya nang iniutos ni Ryan, nag-room-by-room ako para mapuntahan ang bawat teacher at syempre para ma-inform na rin ang graduating batch na may practice mamaya.


Ang ipinagtaka ko lang ay kada punta ko sa mga teachers para magpapirma, susulyap sila sa'kin at ngingiti. Hindi ko na lang pinapansin dahil baka may kinalaman sa pagiging valedictorian ko.


Pero bakit saka lang nila ko ngingitian pagkatapos nilang basahin yung papel? Ano bang mayroon sa papel na 'to?


Napatungo ako. Gusto ko sanang basahin kung ano yung nakasulat sa pinapapirmahan kong papel pero labag iyon sa rules especially sa'ming mga student council.


We should not read documents especially if it'll be signed by the teachers. Tanging si Ryan lang ang may karapatan doon at si Rona na siyang vice-president ng council.


Tsk. Whatever, it's not like I care on what's written in this paper.


Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Pagkatapos kong papirmahan sa mga teachers ang document na dala ko, nag-announce din ulit ako tungkol sa rehearsals mamayang 2 pm.


"---at 2 pm. Attendance is a must. Thank you," Pagkababa ko ng mic ay naglakad na ako pabalik sa lounge kaso habang naglalakad ay may narinig akong nag-uusap sa may hagdanan.


"Pinayagan ka na ba?" I heard a boy's voice asking that is answered by another.


"Oo naman, malakas kapit ko sa council kaya sigurado akong magiging masaya 'tong araw na 'to para sa kanya," Nangunot ang noo ko, is that voice from Zach?


The other guy chuckled,"Ingat ka lang na mabatukan ka niya. Saka grabe ah, ang galing mo rin magtago. Biruin mo? Ilang months mo siyang pinadalhan ng libro tapos di ka nabuking!"


Nanliit na ang mata ko. Can the guy talking be my mysterious book sender? Itinuloy ko lang ang pakikinig sa usapan nila habang nakatago sa dingding.


Story of UsWhere stories live. Discover now