Nagising ako ng mas maaga kaysa sa normal kong gising. Nagulat pa nga si Mommy nang nakita niya ako sa may dining table.
"Oh? Bakit ang aga mo naman nagising?"
Actually, hindi po ako nakatulog dahil kay Zach. I'm thinking of him.
Imbis na isagot ang nasa isip ko, nginitian ko na lang siya,"Wala naman Mi. Maaga lang talaga akong nakatulog kagabi."
"Hailey naman, I know you're lying. Naririnig ko pa kayong nag-uusap ni Dianne kagabi. I think alas-onse na nga ata yon," Ngumuso pa si Mommy saka tumabi sa'kin,"Anak, pwede mo namang sabihin sa'kin kung may problema ka, I'm your Mom."
"Mommy eh..." Napatungo ako. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko kay Mommy yung about kay Zach. Ang weird kasi na namomroblema ako ngayon dahil sa isang lalaki.
Nag-pout lalo si Mommy,"Nagtatampo na ako 'nak."
"Mi kasi eh. Ano po... ang weird kasi," Teka? Paano ko ba sasabihin? Ano bang words ang gagamitin ko?
"May ni-reject po ako... and nagu-guilty ako. Kasi po... uhmm."
"Gusto mo na siya?"
Tumango ako. Nagsalita naman ulit si Mommy,"Hindi naman nakakababa sa pagkababae natin yung pagko-confess ng tunay nating nararamdaman."
Alam ko naman yon. Wala nga namang masama kung babae ka at magko-confess ka, it's honesty. Walang masama doon. Kaso, hindi naman ganon ang problema ko.
"May girlfriend siya 'my. Hands raw siyang hiwalayan yon basta sabihin ko lang na may feelings din ako para sa kanya... pero 'my ayoko naman nun. Ayoko namang masaktan yung girlfriend niya."
"Pero hindi ba mas masasaktan lang yung girlfriend niya kung malalaman nito na pilit na lang pala yung commitment sa kanya nung guy?"
Yun na lang ang huling sinabi ni Mommy sa'kin bago ako umalis para maligo. Mahirap na dahil pag si Dianne ang naunang maligo, male-late kaming dalawa. Kaya kailangang ako ang mauna.
"Tara na Kams! Alis na tayo!"
Pagkarating namin sa school ay nakita ko si Zach na nandoon sa guardhouse. Medyo nag-alala naman ako dahil ang napapa-stay lang sa guardhouse ay yung mga estudyanteng nahuhulihan ng kung ano-ano.
Kung nandoon si Zach, anong meron sa kanya? Anong nahuli sa kanya?
"Ano Kams? Naku-curious ka ba?" Napalingon ako sa bestfriend kong bigla-biglang nagsasalita sa tabi ko at tinaasan siya ng kilay.
"Tss! Wag mo kong tinataasan ng kilay Kams ah! Naku-curious ka kung bakit siya nasa guardhouse 'no?"
Hindi ako sumagot. Ayoko naman kasing ipahalata kay Dianne na talagang nag-aalala ako at oo, naku-curious nga ako kung bakit nandoon si Zach.
Bumulong si Dianne sa'kin,"Kams baka nakakalimutan mong SC ka, may karapatan kang magtanong."
Ay sh*t! Oo nga pala! Ano ba naman yan Hailey, nagpapakatanga ka na naman.
"Ano? Magtanong ka na ah? Una na ako sa room. Labyu Kams!" At kumaway pa siya sa'kin bago tuluyang umalis at iniwan akong parang tanga na nakatayo dito malapit sa guardhouse.
Mukhang napansin ako nung guard dahil lumapit siya sa'kin,"Miss Castillo, excuse me po. May maitutulong po ba ako?"
Nginitian ko siya,"Wala naman Kuya. Uhmm, ano po..." Napatingin ako kay Zach na nandoon sa loob,"Ano pong offense ni Zach Melendez?"
Sumimangot si Kuya kaya agad na napataas ang kilay ko. Phew. Unusual ba talaga kung nagtatanong ako about sa lalaki?
"Boyfriend mo ba yan Miss? O manliligaw mo?" Napaawang ang bibig ko sa tanong ni Kuya pero hindi ako sumagot,"May dalang condom yan Miss. Hindi ko alam kung para sa'yo yon... o sa babae niya?"
"Ay hindi po Kuya!"
Nanlaki ang mata ni Kuyang Guard at napa-second look sa'kin,"K-kayong dalawa yung maggaganon Miss? Sa'yo niya gagamitin yon?!"
"Ay Kuya! Hindi!"
Grabe! Ano bang iniisip ni Kuyang Guard?!
"Hindi ho yon para sa'kin kasi hindi naman po kami. Nagtanong lang po ako. Sige po, salamat Kuya."
"Ganoon ba Iha? Akala ko eh..."
"Mali ho yung akala niyo. Sige Kuya ah..." Narinig ko pa ang paghingi ng pasensya ni Kuya bago ako tuluyang umalis doon.
Ano bang iniisip ni Kuyang Guard? Na wala na akong V-card? Grabe naman eh ni boyfriend nga, wala ako.
Pero para saan yung condom na dala ni Zach? Ay sh*t! Hindi kaya para kay Mika? Ibig bang sabihin ginawa na nila yon ni Mika?
"Zach~~" It's a moan.
Napahinto ako sa paglalakad lalo na nang may narinig akong isa pang boses. Yung boses nung taong gustong-gusto ko.
"Mahal talaga... kita..." That voice said between breaths. Nasundan yun ng tunog ng naghahalikan... and yeah, technically, I already know what they're doing.
Pvtang*na. Ayoko na ngang maalala eh. Pero kung may condon nga na dala si Zach... ibig sabihin ba talaga magko-conclude na ako na hindi lang 'make love' ang nagawa nila kundi pati 'make baby'?
Fvck. Bakit ba ako naluluha dito? Ano bang pake ko doon? Ano bang pake ko kung nagtanggalan na sila ng V-card?
Siguro kaya ako naiiyak ay dahil wala ng V-card yung taong gusto ko. Napaka-big deal pa naman nun. Pero ano nga bang halaga sa kanya nun? He's a guy, he can give it anytime... anywhere.
Hindi ako masyadong nakapag-focus sa klase dahil sa mga naiisip ko tungkol kay Zach at Mika. Hindi ko tuloy naaway si Rona ngayon.
Simula kasi nang nakabalik yon dito mula sa suspension niya ay palagi na kaming nag-aaway. Burot nga lang siya kasi ako palagi ang nananalo pag nagbarahan kaming dalawa.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa room nila Zach. Nakita ko agad siya na nakasandal sa railings. Nagtagpo ang mga mata namin at sinamantala ko na yon para kausapin siya.
"Zach."
Tumango lang siya,"Oh Hailey! Kamusta?"
Wow. Hindi siya na-a-awkward ah? Kamusta naman ako dito?
"P-pwede ba tayong mag-usap? Yung t-tayong... dalawa lang." Tumingin ako sa kanya,"About Mika... about us."
Ilang minuto kaming nagkatitigan. Medyo na-conscious pa ako dahil ako itong nag-aya sa kanya samantalang ako yung babae. Nakakahiya fvck. So unlady-like.
Pero katulad nga ng sinabi ni Mommy. Hindi naman yon nakakababa sa pagkababae. Siguro pride lang talaga ang kumokontrol sa tao.
"Seryoso ka Hails?"
Muntik na kong mapa-facepalm sa sagot niya. Seriously Zach?! Effort to! Hindi ito isang gawain na normal kong ginagawa!
Nakagat ko ang labi ko at napatitig sa kanya. Hindi ko kasi talaga alam kung anong isasagot ko. Leche. Hindi ko naman kasi ito napag-aralan. Hindi to na-discuss ni Ma'am.
Ah! Kailangan kong depensahan ang sarili ko! Fvck! Bakit hindi ko kaagad naisip yon?
"N-naisip ko lang kasi na... kailangan nating..." Napatingin ako sa kanya na nag-aabang kung anong susunod kong sasabihin kaya napabuntong-hininga na lang ako.
"Kailangan nating mag-usap tungkol sa'ting... dalawa."
At nakagat ko ulit yung labi ko. Nagkatitigan lang kami kaya nagulat ako nang bigla siyang nag-flinch.
"Pvta. Wag mong ginagawa yan sa labi mo," Hinila niya ang kamay ko,"Tara na at mag-usap. May alam akong lugar."

YOU ARE READING
Story of Us
General FictionI used to think one day We'll tell the story of us How we met and the sparks flew instantly And people will say,"They're the lucky ones." P.S: Revised version ng gawa ni foreverhugotera (ako rin yan). Uulitin ko, REVISED, Parehas ng story, mas magan...