Chapter 35: Si Mika

13 1 0
                                    

Zach's POV


Ganito pala yung pakiramdam ng na-reject. Pvta naman. Karma na ba to? Karma ko ba to sa lahat ng nagawa ko kay Ryan noon? Kasi tang*na. Kung karma nga to, sana tumigil na, sobrang sakit na eh.


"Oh bro? Bakit bigla kang nag-aya?"


"Oo nga. May problema ka ba 'tol?"


Tahimik ko lamang na nilingon sila Migs at Melvin saka uminom ng alak na inorder namin. Umirap na lang yung dalawa. Tss. Hindi ko naman talaga aayain tong dalawang to kaso nga lang, ayokong uminom ng mag-isa.


Kasi di'ba? Paano kung malasing ako? Walang mag-uuwi sa'kin, kaya naman malaking bagay kung nandito ang dalawang to.


"Tss Zach. Tama na nga." Pag-awat sa'kin ni Melvin nang sunod-sunod kong tinungga ang alak na nasa harapan ko,"May problema ka ba?"


"Oo nga Zach. Kasi 'tol, kung may problema ka, dapat sinasabi mo sa'min. Kasi paano naman namin reresbakan yung kaaway mo--"


"Mga g*go kayo. Hindi ko kailangan ng resbak."


"Eh ano palang ginagawa namin dito?" Nagtinginan silang dalawa,"Tara na nga tol, alis na tayo. Iwan na natin tong si Zach."


"Hoy mga t*ngina niyo, iiwan niyo ko dito?"


Nilingon ako ni Melvin,"Eh kasi naman tol! Ayaw mong magsalita! Hindi tuloy namin alam kung anong silbi namin dito."


Naiintindihan ko naman yung pag-iinarte nung dalawa. Kanina pa kasi kami dito at alam kong sawa na agad sila sa view ng mga nakikita nila.


"Uminom pa kasi kayo---!" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakatanggap na ako ng batok mula sa dalawang kumag na to,"Ano? Hoy, masakit yon!"


Umiling si Migs,"Pinagbawalan ako ni Dianne uminom 'pre. Bakit kasi gusto mo pa dito?"


Nakalimutan ko yon. Oo nga pala, baka mapagalitan pa ni Dianne itong si Migs tapos kasalanan ko pa. At ayoko namang mangyari yon. Ayoko ng makasira pa ulit ng isang relasyon.


"Eh ikaw Melv?"


"Pre, sasama ako kay Migs kahit saan man siya pumunta." Umakto pa ito na parang bakla,"Di'ba babe?"


"Pvta Melvin! Hampasin kita ng bote eh!"


Kung siguro ay wala akong problema ngayon, malamang nabatukan ko rin itong si Melvin. Pero ang tanging nararamdaman ko lang ay tuwa. Nakakatuwa kasi kitang-kita ko ang pagmamalasakit nitong mga g*go kong kaibigan sa'kin.


Alam ko naman na kaya nila akong samahan kahit hindi sila mag-inom pero dahil alam nilang mag-iinom ako, mas gusto nilang umalis dito.


"Salamat mga pre."


Natigilan sila sa pagbabangayan pagkasabi ko nun at nagkatinginan. Para pa silang mga nabigla nang narinig akong nagpasalamat. Nabatukan ko tuloy silang dalawa.


Mukha ba talaga akong hindi marunong magpasalamat?


"Ang sakit Zach ah! Pvta. Bakit ka ba nagpapasalamat?"


"T*ngina Melvin! Lasing na yan!"


Binatukan ko ulit silang dalawa,"Mga g*go kayo. Hindi pa ako lasing...pero seryoso ako mga 'tol, napapagaan niyo yung loob ko ngayon."


Ngumiti naman yung dalawa at umupo na ulit. Tahimik lang silang nakikiinom ng alak doon. Walang nagsasalita pero alam kong alam nilang may papakinggan silang isang katulad ko.


"Nalilito ako eh. Posible ba talaga yon?" Nagkatinginan kaming tatlo bago ako nagsalita ulit,"Posible ba yung magmahal ka ng isa pa habang mayroon ka pang dapat mahalin? Normal bang magmahal ng dalawa?"


Umubo si Migs,"Si Mika ba at si Hailey?"


Tumango ako at napatingin kay Melvin nang pumalakpak ito.


"Pvtang*na Pare. Nahulog ka kay Hailey habang kayo ni Mika?" Tumango ako,"T*ngina Pre, seryosong usapan nga yan."


"Hindi ko alam Melvin. S-sinabi ko kay Hailey. N-nagtapat ako sa kanya---"


"Talaga Pare?! Nagawa mo yon? Isa kang tunay na lalaki! Kaunti lang ang nakakapagtapat sa babaeng yon kasi malupit nga mang-reject yon."


Tumawa ako,"Kaya nga Melvin eh. Ang sakit-sakit ng rejection kapag galing sa kanya."


Napailing naman si Migs na nasa kaliwa ko,"Grabe Zach. Hindi ko akalaing mai-inlove ka kay Hailey." Tumingin siya sa'kin ng diretso,"Paano si Mika?"


"Pero Zach..." Tumingin ako sa kanya,"Paano si Mika? Masasaktan siya."


"Hindi ko alam Hailey. Hindi ko talaga alam. Pero handa akong makipaghiwalay sa kanya," Tinignan niya ako,"Yun ay kung sasabihin mo na may nararamdaman ka para sa'kin."


"Migs, sa totoo lang. Naniniwala ako doon sa sinasabi nilang hindi ka magmamahal ng pangalawa kung mahal mo talaga yung una."


Tumango silang dalawa pero mas naunang magsalita si Migs.


"Oo Pare eh. Huhulaan ko yang nasa isip mo." Huminga siya ng malalim,"Handa kang makipaghiwalay kay Mika para kay Hailey 'no?"


Tumango ako,"Syempre Pare. Kaso sabi ni Hailey, hindi naman daw niya ako gusto. Pero ayoko namang ipagpatuloy ang relasyon namin ni Mika gayong si Hailey naman ang umiikot sa utak ko."


Umiling si Melvin,"Masasaktan mo si Mika Pare." Napa-face palm pa ito,"Pvta pare, ang hirap naman ng sitwasyon mo."


"Oo Melv eh. Kaso ayos na yon. Ayos nang masaktan ko si Mika ngayon kaysa naman patuloy akong magpanggap sa harapan niya na ayos lang ang lahat. Kaysa magpanggap ako na mahal ko pa rin siya at walang nagbago." Ininom ko yung huling alak na nasa baso ko,"Ayoko nang makakita ng taong nasasaktan."


"Ganito kasi Pare eh." Tumingin sa'ming dalawa ni Migs si Melvin,"Kung pag-aaralan mong mahalin ulit si Mika, baka maibalik mo pa. May tsansa pa kayo. Pero kung pipiliin mo rin yang si Hailey na tinanggihan ka na, sorry pre pero wala kang makukuha sa kanilang dalawa."


"Melv kasi. Hindi naman ito vending machine kung saan kailangan mong pumili eh, ang mahalaga dito ay yung desisyon ni Zach. Pre, ako na nagsasabi sa'yo, ikaw lang ang tunay na makakasagot at makakaintindi nitong sitwasyong pinasok mo."


Diretsong tumingin sa'kin si Migs.


"Pero bibigyan kita ng hint pre. Doon ka ba sa terminong 'ipipilit' o doon sa terminong 'magtityaga'? Your choice pre. Pero alam naman nating lahat kung sino ang magiging biktima dyan alinman ang pillin mo."


Nagkatitigan kami saka nagkaisa sa sagot.


"Si Mika."

Story of UsWhere stories live. Discover now